Give up? Or fight?"I gave you everything and it still wasn't enough for you."- Tamara
"I've had my heart broken by a boy i never even dated."-Tamara
"I will never love you, so stay away from me." - Terrence
Tamara's POV
Pag ka uwi ko sa bahay, na ligo ulit ako at nag bihis ng mabilisan. Gustung gusto ko na kasing mapuntahan si Sam sa ospital ngayon, okay lang kahit gabi na. Miss na miss ko na kasi siya e, saka sana gising pa siya hanggang ngayon.
Nag paalam na ako kay Mommy at kay Lola, pumasok na ako sa sasakyan at pinaandar na ito ni kuya yung driver namin.
Wala pang 30 minutes, naka rating na agad kami sa ospital. I admit, malaki 'tong ospital at bagong bago pa. Kaka bukas lang nila last last week, mukha siyang Science Laboratory, puro high tec kasi ang mga kagamitan nila dito.
Pumasok na ako sa loob ng ospital, yung driver namin ay bumalik na ulit sa sasakyan. Pinag bawalan ko na si Lola at si Mommy na pag dalhan ako ng bodyguards. Nalakabagot kasi kapag may mag babantay sa'yo, akala mo may mang yayaring masama. Hahaha!
Ayun, nag tanong muna ako dun sa nurse sa may counter. Dun kasi tinanong kung anong room number ng mga pasyente nila dito.
"Ahm, excuse me ano pong room number ni Samaya Christine Cruz?" Tanong ko sa kaniya, ngumiti siya sa akin at may tiningnan sa isang malaking notebook na kulay asul. Ang lalim kong mag tagalog ngayon! Hahaha. Hayaan niyo na ako, minsan lang 'to.
Sumagot naman agad sakin yung nurse habang nakangiti, gusto kong sabihing tigilan niya yung pag ngiti kasi nakaka suklam. Bungi kasi! Bungi tapos ngingitian ka? Aba naman! Nakakasuklam yon! Hahaha.
"Room number 320 po yung pasyente, so second floor po yon." Sagot niya sa akin, nakangiti ka na naman ate! Nakakasuklam! Hahaha. Nginitian ko narin siya ng malapad! Mainggit ka sa kompleto kong ngipin! Lols. Ang sama ko! Hahaha.
Hindi na ako nag tagal doon sa counter, dumiretso na ako sa elevator at pinindot ang dapat pindutin.
Pag bukas ng elevator, lumabas na ako agad. Dumiretso na ako sa room ni Sam, grabe! Miss ko na talaga siya! Huhuhuhu. Pag bukas ko ng pintuan ng room niya, gising siya! Buti naman.
Nung pumasok na ako, nagulat siya at parang naiiyak na natutuwa kasi nakita ako. Kaya napatakbo ako papunta sa kaniya, napansin kong nag lalagas na yung mahaba at maganda niyang buhok. Tapos pumapayat na talaga siya, pero maganda parin siya.
Pag lapit ko sa kaniya, yinakap ko agad siya! Hindi naman siya nasaktan, kasi stage 1 palang ang kalagayan niya. Kaya medyo malakas pa naman siya, kaso namamayat na siya. Pero konti lang naman, sexy parin siya! Hahaha.
Mangiyak ngiyak niya akong tinignan, tapos napangiti siya. Kaya napangiti narin ako sa kaniya, hay i really miss those smiles Sam.
Hinawakan ko yung kamay niya mainit parin naman ang mga 'to, pero nabigla ako ng nag salita siya.
"Tammy! Wag ka ngang ganyan! Lalo akong maiiyak e! Bakit pa kasi ako may Cancer! Hay. Tammy? Naalala mo ba yung gabing nahimatay ako? Yun yung time na may kailangan akong sabihin sa'yo, ito yung kailngan kong sabihin sa'yo. May bone cancer nga ako, confirmed." Aniya, na nag paiyak sa akin. Yung kanina ko pang pinipigilang luha, tumulo na.
"Sam, wag ka namang ganyan. Matagal pa kitang makakasama, matagal mo pang makakasama si Shawn! Yieee. Wag na tayong umiyak! Nakakainis ka kasi e." Sabi ko sa kaniya, na nag pangiti saming dalawa. Pero hindi ko parin maitago sa sarili kong masaktan at matakot.
BINABASA MO ANG
The Girl He Never Noticed [AWESOMELY COMPLETED]
General FictionAlam mo na namang masasaktan ka sa huli ay sumugal ka parin. Alam mo ng niloloko kana nag bubulagbulagan ka parin. Alam mo ng mali ginagawa mo paring tama. Talagang masarap kapag bawal. Pero paano kapag nasaktan kana? Susugal ka parin ba? Masaya par...