Kabanata 34

580 22 0
                                    

Desisyon

Buhat buhat parin ako ni Lael, hanggang sa makapunta kami sa tapat ng sasakyan niya. Alam niyo ba kung ano sasakyan niya? Audi r8! OH MY GOD.

Nalaglag ang panga ko sa sasakyan niya, nakita yon ni Lael. Kaya napangisi siya sa akin, inirapan ko lang siya.

"Maganda ba?" Tanong niya.

Ibinalik ko ulit ang tingin ko sa kanya, "H-hindi"

Napahalakhak naman siya, "Kaya pala nalaglag ang panga mo." Binaba niya ako, "Wag kang tatakas."

Humugot ako ng hangin at nag kibit balikat na lamang.

Ano pang magagawa ko? Nandito na kami e, hay.

Humugot siya ng susi sa kanyang bulsa, niclick niya iyon para mag unlock ang kotse.

Tumingin siya sa akin at nag lahat ng kamay, tinaasan ko yon ng kilay.

"Anong gagawin ko diyan?"

Napaiwas siya ng tingin at napalunok, napailing naman ako. Akala niya bubuhatin niya ulit ako, tss. Nabitin ko yata, kawawang lael.

Nag lakad na ako paikot sa shotgun seat, ako narin ang nag bukas ng pinto. Dahil pumaosk na sa driver's seat si lael, hindi naman ako nag reklamo sa kanya. Dahil bakit naman ako mag rereklamo, diba?

Pumasok na ako at saka umupo doon sa shotgun, agad kong isinara ang pinto.

Tumingin lang ako sa bintana, dahil pinalibutan kaming dalawa ng katahimikan. Ayoko ng tahimik, nakakalunod. Inihilig ko ang ulo ko sa bintana, habang inaalala ang mga ginawa sa akin nila Abby, ang sakit parin ng anit ko. Yung mga pasa ko, ang sakit kapag nadadanggi.

Nakita ko nag reflect ang mukha ko sa bintana, doon ko rin nalaman na may luha na naman sa pisngi ko. Naiiyak na naman pala ako, natawa ako bahagya.

"Hey, are you alright?" Tanong niya.

Hindi ko siya nililingon at nag nag thumbs up, hindi niya alam na umiiyak ako. Pinipilit kong silent ang pag iyak ko, ayokong may madadamay sa sakit na nararamdaman ko. Kaya ko namang isarili 'to, kaso ang kulit ni Lael.

Dahil iniharap niya ako sa kanya gamit ang kanyang index finger, napalunok ako. Dahil sa mga mata ni Lael ay kita kong nag aalala siya, bakit ganon? Lalo siyang gumagwapo!

"Hey..."sabi ng malambing niyang boses.

Nakahawak ang isa niyang kamay sa manibela, habang ang isa ay nasa baba ko. Yung index finger niya lang, hindi lahat ng daliri. Napalunok ako agad, dahil basa rin pala siya dahil sa pagkakabuhat niya sa akin kanina. Bakat ang kanyang muscles at uhmm, abs.

Napaiwas ako ng tingin sa kanya at hinawi ang index finger niya, ayoko na. Nakakapagod na.

"Nagugutom kaba?" Tanong niyang nanlalambing.

Inihilig ko ulit ang ulo ko sa bintana, hindi parin naandar ang sasakyan.

"Oo, kaya paandarin mo na 'to. Nabubugnot na ako, kasama ka..." Irap ko sa bintana.

Napabuntong hininga siya at nag salita, "A-alright, bibilisan ko para maiuwi na kita sa bahay at sa bahay niyo." Humugot siya ng hangin at nistart ang makina, "I-i understand..." Aniya na napapaos ang boses.

Kumalabog ang puso ko sa pagka paos ng boses niya, dahil doon ay napahawak ako sa dibdib ko. Pero bakit ganon? Nasaktan ako physically pero hindi ako nahimatay? Nasaktan rin ako emotionally, pero hindi rin ako nahimatay? Hmm, weird.

Umaandar na ang sasakyan, pero hindi parin ako nakakapag seat belt. Mabilis siyang mag maneho! Mas mabilis siyang mag maneho kesa kay Terrence, kaya pala sports car ang sasakyan.

The Girl He Never Noticed [AWESOMELY COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon