Kabanata 30

557 21 0
                                    

I'm smiling but...

"Tamara, buksan mo na 'tong pinto. Mag aapat na araw ka ng hindi kumakain ng ayos." Katok ni Lola.

Tumayo ako sa pinto, nakaupo kasi ako dito.

"Lola, b-busog pa po..." pumikit ako ng mariin. "Ako..."

Narinig kong napabuntong hininha siya sa labas, napabuntong hininga narin ako. Alam kong nag aalala na talaga sila sa akin, mantakin mo kasi mag aapat na araw na akong hindi kumakain ng ayos!

Sa mini ref ko naman, may mga chocolates doon. Kaya may nakakain naman ako kahit papaano, hindi pa ako nakakakain ng kanin or ng kahit ano. Puro chocolates lang talaga, hay.

"Anak, nandito ang pagkain mo sa tray. Kung nagugutom ka, kunin mo nalang."

Bumaba ang tingin ko sa paa ko, "S-salamat."

"O sige, mag aayos pa ako dito. Kumain kana, ha?"

Hindi na ako sumagot, dahil nag lakad na ako papunta sa kama ko.

Kinuha ko ang bagong Iphone 6, naka box pa ito. Hindi ko pa nabubuksan, nalaman kasi nila na nasira ko ang phone ko. Kaya bumili sila agad ng bago, hindi ko pa ito nabubuksan.

Kinuha ko ang iphone na nasa box pa, "Gagamitin ko na ba?"

Binuksan ko ang box, at kompleto na ito ngayon. May sim narin ito, hindi na kailangan pang bumili. Alam siguro nila na hindi ako lalabas, hindi ko nga alam na malalaman pa nila nasira ko ang phone ko.

Umiling ako at isinara ang takip ng box, "Ayoko pa pala."

Napabuntong hininga ako at tumayo sa kama ko, pumunta naman ako sa mini ref ko.

Binuksan ko ito, mabuti at madami pa akong chocolates. Hindi ako magugutom, ayoko lang talaga lumabas ng kawarto ko, kahit buksan manlang ang pinto ay ayoko.

Napabuntong hininga ako habang kumukuha ng isang box ng Flutes, pag kakuha ko nito ay agad kong isinara ang mini ref ko.

Binuksan ko na ang isang box, habang binubuksan pa ang isang pirasong flutes. Pag ka bukas ko nito, ay kinagatan ko ito agad. Gutom na ako, pumunta ako sa harapan ng salamin ko, "Shit, ang payat ko na."

Pero wala akong pakielam, wala namang pakielam sa akin si Terrence. Kahit nga mag pakamatay ako ay okay lang sa akin, dahil wala na akong iintindihan pang iba.

Pero hindi ako mag papakamatay no! Tsss.

Pumunta naman ako sa vanity ko, nandoon kasi ang Macbook ko.

Umupo ako sa upuan ng Vanity ko, at agad inaangat ang Macbook. Binuksan ko ito agad, gusto ko lang malaman kung ano ng nangyayari sa Facebook or sa Twitter ko.

Pero nagulat ako ng may nakita ako sa screen ko, Skype?

Jacob Lael Sy is calling

Sasagutin ko ba? Ayoko. Panigurado mag tatanong yan, talaga sinakto sa pag bukas ko ha?

Tiningnan ko ang missed calls niya sa akin dito sa Skype, nalaglag ang panga ko. 989 missed calls! May importante kaya itong sasabihin? Psh, galit nga pala ako sa mga lalaki. Hindi siya sa exempted no! Damay damay lahat! Kaya nga napag salitaan ko ang Guard nung isang gabi noong naulan!

I-eexit ko na sana ang Skype pero nagulat ako ng napindot ko ang 'Accept' tangina!

Hindi na ako nakagalaw sa pwesto ko, ayos naman ang itsura ko! Pero ayoko parin mag pakita. Ang nag bago lang naman sa akin ay namayat ako! Maganda parin naman ako. Pero namayat talaga ako, real talk.

The Girl He Never Noticed [AWESOMELY COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon