Kabanata 17

597 21 0
                                    

Leave me alone!

----Terrence---

Nandito ako sa loob ng bahay, kanina pa wala si Ate. Ang tagal niya umuwi, nakakabored tulo'y dito.

Naka upo ako dito sa sofa, habang nag lalaro ng ps3. TEKKEN ang nilalaro ko, pang bading naman 'to. Ang tagal ko na kasing hindi nakakabili ng bagong bala.

Bumukas ang pintuan ng kwarto ko.

Nilingon ko kung nasaan ang pinto ng kwarto ko, at dun ko nakita si Lola.

"Iho, tinatawag ka ng Mommy mo."

Ibinalik ko na lamang ang tingin ko sa TV, tinuloy ko parin ang nilalaro ko. Nawalan ako ng gana ng narinig ko ang 'Mommy' or 'Daddy', alam niyo kung bakit? They're the reason why Ate is suffering, and i hate it! My heart sank when i saw Ate crying because of that fvcking enagagement!

Narinig ko ang mga yabag ni Lola papunta sa kinaroroonan ko.

"Iho, tawag ka ng Mommy mo." Tapik niya sa aking balikat.

Tiningnan ko na lamang siya at saka ibinalik ang tingin sa nilalaro ko.

She sighed.

"Apo, ano bang problema? Dahil ba sa Mommy at Daddy mo?" Upo niya sa aking tabi.

Tinigil ko muna ang paglalaro at tiningnan si Lola na nasa aking tabi ngayon.

Huminga ako ng malalim at pumikit ng mariin "Yep, it hurts when i saw Ate crying every night! because of that engagement!"

Ngumiti si Lola. "Apo, mahal na mahal mo talaga ang Ate mo ano?"

"Of course, kaya nga galit ako ngayon kila Dad. Hindi ba anak ang turing nila Dad kay Ate? Pinipilit nila na ipakasal si Ate sa taong hindi niya mahal! Para lang sa business namin?"

"Apo, hindi naman sa ganon. Kaya lang nila ginagawa ito ay dahil mahal lang kayong dalawa ng Daddy at Mommy niyo. Gusto nilang dalawa na mag karoon kayo ng magandang kinabuksa--"

Hindi na siya nakatapos dahil tumayo na ako.

Umiling siya at nag palabas ng malalim na hininga.

"Im sorry, hindi ko kayang intindihin. Hindi ko lang talaga kaya na nakikita si Ate na umiiyak tuwing gabi, nahihirapan ako."

"Apo.."

"Alis lang po ako. Mag papahangin lang."

Hindi ko na siya inantay pang mag salita dahil nag lakad na ako palayo sa kaniya at dumiretso sa pinto palabas ng aking kwarto.

"Bakit kailangan pa nilang gawin 'to?" Pag iling ko sa aking sarili.

"This is bullshit!" Sigaw ko sa aking sarili at sinuntok ang pader sa hallway.

Tiningnan ko ang kamao, at dun ko nakita na nag dudugo na ito sa lakas ng oag suntok ko.

"Ang tanga mo Alex, ang tanga mo."

Hindi ko na ininda ang sakit ng naramdaman ko, tiniis ko na lamang ito.

Nag lakad lang ako hanggang sa nakababa ako ng hagdan, at doon ko naabutan si Mommy na nag iintay sa akin. Mukhang alam niya na mangyayari 'to, napag handaan niya talaga.

I smirked.

Tumayo si Mommy sa kaniyang pag kakaupo at saka lumapit sa akin.

"Alex.."

Tiningnan niya ang kamao ko, dahil sa nakita niya ay agad niya itong kinuha at pinag masdan. Hindi nag tagal ay napahawak siya sa kanyang bibig dahil sa takot.

The Girl He Never Noticed [AWESOMELY COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon