Kabanata 46

553 13 0
                                    

Masakit ang tiyan

Paano ako makakagawa ng plano? Kailangan ko siyang makuha. Nakuha niya ako sa pakikipag laro niya ng marumi. Gaanon rin ba ang gagawin ko? Mag laro ng marumi? Chased him? Like he chased me in the first place?

Hinawakan ko ang tali ng gulong habang dinuduyan ang sarili ko. Alam kong nandito pa siya, ramdam ko. At pansin ko ang pagkakaroon ng mga tao dito sa Resort ni Nicholas. Siguro ay ni-rent niya itong resort niya para saming dalawa.

Tumayo ako sa pagkakaupo ko sa duyan at nag lakad na, gusto ko ng mag pahinga sa Hotel. Nakakapagod rin kasing umiyak...

Nag lakad lang ako ng nag lakad hanggang sa makapunta sa isang bar. Marami na akong taong nakikita. Parami na ng parami. May mga taong nag tatampisaw, may mga taong nag babar agad ng ganitong kaaga. May mga taong nakain sa restaurant na pinagkainan naming dalawa ni nicholas.

Hay, namimiss ko na agad siya. Ano kayang ginagawa non ngayon?

Hinarang ako ng isang guard, tinaasan ko siya ng kilay. Tiningnan niya ako simula ulo hanggang paa.

"What?"

"Ilang taon kana? Miss."

"S-sixteen"

Tumango tango siya ng dahan dahan at pinanlisikan ako ng mata, "You're not allowed."

Napanguso ako dahil nabigo ako. Gusto ko mag bar! Pero bakit kapag sa Cagayan ay nakakapag bar ako? Dahil ba yon mas mahigpit dito? Sabagay, wala naman kasing pakielam ang mga guard sa labas non.

"Denise?"

Napatingin ako sa lalaking tumawag sa akin, ipapasok niya ba ako? Kumislap ang mga mata ko sa naisip ko.

"Bakit Adrian?"

Napatingin siya sa Guard, "She's allowed. She's my date."

Napalunok yung Guard sa kanya, kahit ako ay napalunok sa kanya. Dahil sa kanyang palusot.

Dahan dahang lumayo sa akin yung Guard, napangisi naman ako dahil tama ang hinala ko. Papasukin ako ni Adrian!

Nilahad ni Adrian ang kamay niya sa akin, napatingin ako doon. "Babe..."

Napalunok akong tumingin sa kanya at sa kanyang kamay, agad ko rin naman kinuha yon. Pinadausdos niya ang kamay niya sa baywang ko sa harap ng Guard. Hindi ako komportable sa ginagawa niya ngayon. Pero kailangan ko munang mag tiis bago makapasok.

Pinanlisikan niya ng tingin yung Guard, "We're sixteen, too. But you let us in, coz of our money."

Natahimik ang Guard at napayuko, napailing naman si Adrian.

Bumulong ako sa kanya, "Adrian..."

Bumaba ang tingin niya sa akin, napakunot ang kanyang noo, "What?"

"Tara na sa loob?"

Tumango siya at binuksan ang pinto ng Bar, pag pasok pa lang naming dalawa ay kita ko ang mga taong masasayang sumasayaw sa dance floor. Iginala ko ang tingin sa loob nito, madaming ilaw ang nasa loob nito. May stage na maliit para sa Dj nila, well I already saw their Dj. Maligaya siya habang nag hehead bang dahil sa nalilikha niyang ingay sa loob. Napangisi ako dahil gwapo at foreigner ang Dj na yon, nakita ko naman si Kuya Dylan sa isang table. Habang may dalawang babae sa tabi niya, isa'y sa kanan at kaliwa. Pero pansin ko ay hindi siya nakaakbay doon, ano kayang ginagawa non?

Tinaas na ni Adrian ang kamay niya galing sa baywang ko, nakahinga naman ako ng maluwag.

Tinuro niya ang table ni kuya, "Doon tayo."

The Girl He Never Noticed [AWESOMELY COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon