Kabanata 14

648 22 0
                                    

Ligaw

Tamara's POV

Si Shawn! Si Shawn! Ang nakita ko sa may puno na may kahalikan! At ang hinahalikan niya ay yung Elysse! Yung medyo kay hawig kay Terrence ko. Teka, bakit ko nga pala inaangkin si Terrence? Eh hindi ko naman siya pag mamay ari.

Sinundan lang namin ni Bones si Sam, malapit narin kami sa bahay. Nauuna kasi si Sam sa pag lalakad, parang may iniiwasan. Siguro yun nga ang nakita niya kanina, kaya nag iba ang mood. Alam niyo ba yung itsura niya kanina? Parang namatayan, kahit ako naman kapag nakita ko si Terrence na may kahalikan. Ganyan rin ang magiging itsura ko.

"Sam! Wait up!" Takbo namin ni Bones palapit sa kaniya.

Nilingon niya kami, pero may luha na.

Teka, LUHA?!

Humihikbi na siya, tss. Bwisit talaga yang si Shawn, unang kita ko pa lang sa kaniya halatang playboy!

"BAKIT KA UMIIYAK?!" Sigaw ko sa kaniya.

Bigla niyang pinunasan ang kaniyang mga mata gamit ang kaniyang palad.

"H-ha? N-napuwing la-lang ako." Aniya, saka tinggal ang kaniyang kamay sa pag kusot sa kaniyang mga mata. At saka huminga ng malalim.

"Sus! Sabayan mo naman kami ni bones! Nangunguna ka e! Hahaha! Sa bahay nalang natin pag usapan. Napaka drama mo!" Sigaw ko sa kaniya, at saka tumakbo palapit sa kinaroroonan niya.

She chuckled.

Tinapik ko ang balikat niya.

"Let's go?" Tumango naman siya at saka kami nag lakad ng diretso pauwi sa bahay.

Hindi nag tagal, naka punta na kami sa bahay at saka pumasok.

Tahimik parin si Sam hanggang ngayon, tss.

Lunch pa lang ngayon, at mukhang nag hahanda na ng pagkain sina Lola sa dining area.

"Sam? Tara sa kwarto." Yaya ko sa kaniya at saka dumiretso pataas sa kwarto ko.

Binitawan ko na nga pala yung tali ni Bones, kaya pumunta na siya kay Lola.

Binuksan ko na ang pinto ng kwarto ko at saka pumasok roon.

Inantay ko si Sam, habang ako ay nakaharap sa salamin.

"Nandito na ako, bakit ano bang pag uusapan natin. Tammy?" Tanong niya sa akin.

I grinned.

Nilingon ko siya, ng nakataas ang kilay ko.

"Sus! Alam kong nasaktan ka kanina. Si Shawn ang may dahilan ng pag iyak mo kanina, right? Wag mo nga akong gawing bulagbulagan at tanga. Nararamdaman ko rin yan, umupo nga muna tayo dito sa kama." Sabi ko sa kaniya at nginuso ko sa kaniya ang kama ko.

Pumunta na ako sa kama ko, at saka umupo doon.

"Hoy? Tatayo ka nalang ba diyan? Pag usapan yan! Dali." Turo ko sa kaniya sa tabi ko.

The Girl He Never Noticed [AWESOMELY COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon