Kabanata 37

518 17 0
                                    

Nicholas Isaac Gray

Inihilig ko ang ulo ko sa bintana ng eroplano, kitang kita ko ang ganda ng langit. Yung ulap, yung ganda ng panahon dito sa Pilipinas.

Nag vibrate ang phone ko, kaya agad ko itong hinugot sa aking bulsa.

Bumungad sa akin ang mensahe ni Lael, yung mensahe niya lang ang nakaagaw ng atensyon ko.

Lael

Aantayin kita! I love you. :D

Napangiti ako habang nag iiiisip ng irereply.

Ako

Hindi na ako babalik! :P

Agad rin naman siyang nag reply, mukhang inaabangan niya ang reply ko.

Lael

Edi 'wag! Hindi naman kita pinipilit, saka wala bang 'i love you' diyan? :D

Napahalakhak ako ng mahina, dahil baka maka istorbo ako sa mga pasahero dito. Wala akong katabi dito, hindi ko nga alam kung bakit e.

Ako

Fine! Ayoko nga, kadiri. :P bye!

Nag intay ako ng ilang minuto bago siya nakapag reply.

Lael

Take care, because my heart is with you. :)

Nag init ang mukha ko sa nabasa ko, napaka galing niya talaga mag pahulog ng loob. Playboy talaga, hay.

Ako

Nasa akin ang puso mo? Then, bakit buhay ka pa? :P

Lael

Damn! Lines 'yon tamara! Bakit mo sinira? :(

Napahalakhak ulit ako habang nag tatype, ito na ang last ng reply ko. Dahil mag iiba na ako ng sim, mag dedeactive ako ng Facebook, twitter etc.

Ako

Oops, my fault. :P

Hindi ko na nabasa pa ang reply niya dahil tinaggal ko na ang sim ko sa iphone ko, tinago ko ang sim ko sa aking wallet. Hindi ko naman iyon itatapon, ni-off ko rin ang phone ko dahil hindi ko naman iyon magagamit. Dahil papanoorin ko rin ang ganda ng kalangitan.

Umaga parin naman, actually pataas palang ang eroplano. Namimiss ko na agad si Sam na napaka kulit, si Mommy na napaka galing mag advice, si lola na laging taga lagay ng napaka daming pagkain sa plato ko, si Lael na kaibigan ko na napaka sweet na naka kuha ng first kiss ko kahit hindi niya alam si Shawn na napaka masayahin, at si T-terrence, na nag iisang nagturo sa akin kung ano ang salitang 'pagmamahal'.

Napabuntong hininga ako habang naiisip ang mga nangyari sa amin ni Terrence, yung panliligaw niya, yung salitang binitawan niya na nakapag pakilig sa akin at nakapag paiyak sa akin. Hay.

"Dude. Just tell my father I'm going to Maldives, too!" Sigaw ng isang lalaki.

"Dude. Your father will going to kill me." Saad ng lalaki rin.

Napatingin ako sa paligid, may dalawang lalaking nag uusap at nag sisigawan sa daanan. Nag kasalubong ang kilay ko. Dahil bakit kailangan pa nilang isigaw ang pinag uusapan nila? Eh napaka lapit lang nila. Tss.

Umiling ako habang kinukuha ang ipad ko sa aking bag, pag kakuha ko non ay agad kong sinalpak ang ear phones ko doon. Kailangan ko 'to ngayon, dahil sa dalawang lalaking nag sisigawan.

The Girl He Never Noticed [AWESOMELY COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon