Kabanata 27

483 21 0
                                    

Nakakahiya

Tamara's POV.

Lumabas na ako sa Hotel para makahabol pa sa kanila, panigurado mga galit iyong mga 'yon. Ngayon lang kasi ako nakapag ayos ng mga gamit ko, napatagal pa.

Tumakbo na ako palabas at padiretso sa parking lot, and ayun sila. Nasa labas sila ng sasakyan, nagaantay sa akin.

Namataan ako ni Lael, nag wave ako sa kanya. Pero itinuon na lamang niya ang atensyon kay Rochelle, whatever.

Lumabas na sa sasakyan si Terrence, at tumakbo papalapit sa akin. Ang kanyang buhok ay dinadala ng hangin, nagiging messy ito. Ang broad shoulders niya ay nagalaw dahil sa pag takbo niya, naka polo siya na white na naka tupi hanggang siko. At siya ay naka maong na faded blue ang kulay. Mahahalata mo rin ang pag bakat ng kanyang biceps sa kanyang polo. He's hot!

Napangiti ako ng nakalapit na siya sa akin.

Pinasadahan niya ng daliri ang kanyang buhok, at tumingin sa akin, "Let's go? Akala ko hindi kana uuwi e."

Inirapan ko siya, habang siya ay humahalakhak.

Nag lakad na lang ako ng hindi siya kinikibo, grabe ang bigat ng dala ko ah? Mga damit ko kasi 'to. Sana naman tulungan niya ako diba? Tss.

Tumakbo siya sa harapan ko at hinarangan ako, tinaasan ko siya ng kilay.

Ngumisi siya habang nakahawak sa kanyang buhok, "Let me."

Akma niyang kukuhanin ang mga dala ko pero iniwas ko ito sa kanya, lakas niyang mang asar!

Napahilamos siya sa kanyang mukha at tiningnan ako sa mata, "Ano bang problema?"

Kita ko sa mata ang pagod, at pag sasawa sa ginagawa. Nakaramdam agad ako ng kirot sa aking dibdib, nag sasawa na ba siya sa akin? Napapagod na ba siya sa ugali ko? Napaka immature ko ba para sa kanya? Ano?

Ibinaba ko ang tingin ko sa paa ko at saka huminga ng malalalim, "N-nag sasawa kana ba, sa akin?"

Kita ko sa anino niya ang pag baba ng kanyang kamay sa kanyang bulsa, nakapamulsa siya ngayon.

Agad akong nagulat ng iniangat niya ang baba ko gamit ang hintuturo niya, tiningnan niya ako ng seryoso at malalim. "Bakit ako mag sasawa?"

Tiningnan ko rin siya sa kanyang malalim na mata, "Kita ko sa mata mo, Terrence. Na nag sasawa kana, nag sasawa kana kasi..." Humugot ako ng hangin. "Hindi mo talaga ako mahal?"

Natigilan siya, kita ko sa mata niya ang pag kabigla niya, umiling siya at pumikit ng mariin.

"No, hindi ako nag sasawa. Okay? Mahal kita, ano bang iniisip mo?"

Hinawi ko ang kanyang hintuturo sa aking baba, "K-kasi, kita ko sa mga mata mong nag sasawa't napapagod kana."

Napasabunot na lamang siya sa kanyang buhok, iritado niya akong iniwan sa kinatatayuan ko.

Napailing ako habang pinapanood siyang iritadong nag lalakad palayo sa akin, habang dala dala ang aking mga gamit.

Nag simula narin ako mag lakad, ako nalang ang inaantay nilang lahat. Dahil noong nakapasok na si Terrence sa loob ng sasakyan, ay nag pasukan narin ang iba. Bukod tanging ako nalang ang natira, masyado akong pabigat.

Lumapit na ako agad sa sasakyan at pumasok sa loob, pinag masdan ko ang mga itsura nila. Mga tulog na, si Ate Elysse na katabi ang kanyang Fiancé na si Drake parehas tulog. Si Lael at ang kasama niyang babaeng si Rochelle ay nakahilig sa kanya, tulog rim silang dalawa. Si Shawn at si Sam na nasa likod ni Terremce ay tulog rin, si Terrence naman ay nakatingin lang sa kawalan. Halatang may malalim na iniisip, nakaramdam agad ako ng kirot sa aking dibdib.

The Girl He Never Noticed [AWESOMELY COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon