Kabanata 22

591 23 1
                                    

Black roses

----Tamara----
*poke*

Sino ba yung nasundot sa pisnge ko? Tss, makatulog nga ulit. Tamara, si Samaya lang yan. Itulog mo lang yang katoyoan ng kaibigan mo, tss.

*poke* "Tamara! Gising na..." *poke*

Umiling lang ako at saka hinilig ang ulo at katawan ko sa kaliwang side ng kama, nasa right ko kasi si samaya kaya lumipat ako ng pwesto. I need to sleep! Kulang ang tinulog ko.

"TAMARA, NAKAKAGALAW KANA!" Yugyog ni Sam sa akin.

Dahil sa narinig ko ay agad akong napadilat at napa upo sa kama na pang ospital.

"OMG! NAKAKAGALAW NA NGA AKO!" Yugyog ko sa kama.

Tinaas baba ni Sam ang kamay niya sa akin, para bang pinapakita niya na kailangan kong kumalma. Sorry na, masaya lang ako! Saka parang naging sakit ko narin 'to dati. Hindi ko alam kung kailan 'yon?

"Ugh!" Hiyaw ko.

Agad akong napahawak sa ulo ko dahil bigla itong kumirot, hindi ko alam kung bakit. Pero may nakikita ako, lalaki. Blurry ang mukha niya, pero pamilyar siya sa akin. Lalong kumirot ang ulo ko.

"Sam! Ang sakit ng u-ulo ko!" Hawak ko sa ulo ko.

Napansin kong hindi na siya mapakali dahil sa inasal ko, pero may nakikita parin ako sa isipan ko. Ugh! Lalong sumasakit, ang kirot kirot.

"Anong nararamdaman mo, Tam? Ano na naman ba?!" Taranta niya.

Napatingin ako sa direksyon niya at nakita ko siya na hingal na hingal, dahil sa pagkakataranta. Inalis ko ang tingin ko sa kanya at saka tumingin sa kisame. Habang hawak hawak ng dalawa kong kamay ang ulo ko.

"TAM! Gumising ka nga!" Yugyog niya sa balikat ko.

'Yan na lamang ang narinig ko, dahil naulit na naman yung dati. Naging blurry ang lahat ng paligid ko, nakakahilo.

Then everything went black.

-----------------------------------------------

----Samaya----

Ng nahimatay ulit si Tammy ay agad akong lumabas ng kwarto, tumakbo ako papunta sa counter. Kailangan kong makausap si Doc!

Ng nakita ko si Doc na nag lalakad sa hallway habang hawak hawak ang isang notebook, busy siya sa ginagawa niya. Pero wala akong pakielam! Kailangan ko siya! Kailangan siya ni Tamara.

"Doc!" Sigaw ko.

Agad siyang lumingon sa akin habang nakataas ang kilay, ang arte nito ah!

"What?" Tanong niya sa akin.

Tinaasan ko rin siya ng kilay at saka sinagot, "si Tamara! Nahimatay na naman, doc. Sabi niya sumakit ang ulo niya." Hingal ko.

Napanganga siya sa narinig ko at agad lumapit sa akin, tinaggal niya ang salamin niya at saka ako tiningnan sa mata. Bigla akong nakaramdam ng kaba, hindi ko alam.

"Isa lang ang ibig sabihin nito, Ms. Cruz" iling niya.

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko sa narinig ko, natatakot ako para sa kanya.

"A-ano 'yon, D-doc?" Tanong ko.

Pumikit siya at saka huminga ng malalim.

"Paunti unting bumabalik ang alaala niya." Iling niya.

Napasinghap ako at inalis ang tingin sa kanya, paano na 'yon?

-----------------------------------------------------------------

The Girl He Never Noticed [AWESOMELY COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon