Thank you
Tinuturuan ko ngayon mag surf si Nicholas, sabi niya ito na daw ang huling pag kikita naming dalawa. Dahil pinapalayo na siya ng pamilya niya sa akin, sa akin lang. Dahil daw sakin ay lagi tumatakas si Nicholas tuwing ipapakasal na siya doon kay Nathalie.
Kaya rin umalis si Nicholas ng dalawang linggo ba yon? Or isa? Dahil iyon sa pag aayos
Ng papers para ipakasal siya doon sa babaeng hindi naman niya mahal. Pero sabi niya sa akin, iparamdam ko lang sa kanya na mahal ko siya kahit pag papanggap lang. Ang gusto niya lang ay maranasan kung ano ang pakiramdam ng mahalin karin pabalik. Kahit isang beses lang..."Dumapa ka sa board..." Utos ko.
Sinunod niya ang utos ko, dumapa siya habang ako naman ay naka upo parin sa aking surfboard.
"Tapos yung braso mo ay ilagay mo sa tubig, yan ang mag sisilbing paddle mo."
Ginawa niya ang sinabi ko, ni-try niya rin gamitin iyon kung komportable ba siya o hindi.
"Alam mo na? Tara!" Yaya ko.
Dumapa narin ako sa aking surfboard, nag simula narin akong mag paddle.
"See? Ang dali lang! Kaya halika na dito..."
Nag paddle narin papunta sa akin si Nicholas ng may mga ngiti sa kanyang labi, napangiti narin ako dahil sa malinis na ngiti niya. Nakakahawa.
Hanggang kailan kaya tatagal yung ngiting iyon sa kanyang labi? Dahil mamimiss ko iyon. Yung pag ka cheerful ng mukha niya, yung mga nakakagaan ng loob na ngiti na meron siya. Sa lahat... Hanggang kailan iyon tatagal? Sana ay matutunan niya ring mahalin iyung magiging asawa niya...
Nag paddle ako palayo sa kanya, dahil may nakikita na akong malaking alon na paparating sa aming direksyon. Napangisi ako, dahil na eexcite na ako agad.
Narinig kong sumigaw si Nicholas, hindi ko na siya nilingon.
"DENISE, WAIT FOR ME!"
Tinaas ko ang kanang kamay ko at winagayway iyon habang nakatalikod parin ako.
"Sanay na ako dito, Nicholas..." Nilingon ko siya, "Watch and learn..."
Inalis ko na ulit ang tingin ko sa kanya, dahil minadali ko na ang pag papaddle ng aking braso sa ilalim ng tubig.
Ng nakalapit na ako sa alon ay agad akong tumayo sa aking board, ng may balanse. Dahil kung wala ay maari kang tumumba, at mahulog sa tubig...
Inantay kong lumapit sa akin at kainin ako ng alon, ni-focus ko ang sarili ko sa alon. Kailangang makita at mapanood ni Nicholas ang ganda ng pag susu-surf. Well, surfing is my passion.
Ng nakalapit na sa akin ang alon, hinayaan ko ang sarili kong mag padala doon. Hanggang makapaunta ako sa ginta noon, sa loob mismo noon. Binalanse ko pa lalo ang katawan ko para hindi ako matumba. Napangisi ako habang inilalahad ang aking kamay sa alon, para mahati iyon habang nasa loob ako.
Ng nakita ko si nicholas na nakalaglag panga na nanonood ay hindi ko mapigilan ang sarili kong mapangisi lalo. Kinawayan ko siya, at sinigawan."SEE? ANG GANDA DIBA?"
Tumango siya habang nakalaglag panga parin ang panonood sa akin, naramdaman kong nag init ang pisngi ko.
Hindi ko na siya nilingon at tiningnan pa, dahil baka mawala ako sa aking balanse ay mahulog ako sa dagat. Mag papasikat ako, sana hindi ako pumalpak.
BINABASA MO ANG
The Girl He Never Noticed [AWESOMELY COMPLETED]
General FictionAlam mo na namang masasaktan ka sa huli ay sumugal ka parin. Alam mo ng niloloko kana nag bubulagbulagan ka parin. Alam mo ng mali ginagawa mo paring tama. Talagang masarap kapag bawal. Pero paano kapag nasaktan kana? Susugal ka parin ba? Masaya par...