Kabanata 38

519 15 0
                                    

Warm hug

May kumukulbit na naman sa akin, pero hindi ko kinikibo. Gusto ko pang matulog, ang kulit ni Nicholas buong byahe lagi niya akong dinadaldal. Hanggang ngayon, kahit natutulog ako.

"Tamara..." Kumulbit ulit siya sa balikat ko, "Tingnan mo yung bintana. Nakikita ko na ang Maldives..."

Tinakluban ko ang tainga ko, ang daldal niya lang kasi talaga. Saka alam ko na nasa Maldives na kami, dahil hindi naman talaga actually na tulog. Kasi paano naman ako makakatulog kung may napaka daldal na katabi ako? At lalaki pa.

He sighed, "I know you're awake, am i disturbing you?"

"Uh-huh..." Sabi ko.

Hindi na siya sumagot, buti naman. Panigurado ay makakatulog na talaga ako, kahit saglit lang dahil pababa na ang eroplano.

Hindi na ako mapakali, dahil na eexcite ako. Umayos na ako ng upo, at saka kinusot ang mga mata ko. Ginala ko ang tingin ko sa paligid, si Nicholas ay tulog? Yung lalaking nasa unahan niya ay tulog rin. Napakunot ang noo ko na napansing nakangiti si Nicholas, inirapan ko siya. Alam kong gising siya, ako pa lolokohin niya? Sino naman kasi ang makakatulog ng ganung kabilis? Tss.

Tumingin na lamang ako sa bintana, napangiti ako at hinawakan ang bintana. Kuya Dylan, please be good to me. Lol, kidding! Gusto ko ng mag swimming, siguro hindi muna ako papasok ng 1 week. Kailangan ko munang mag relax, at mag paganda.

Napabuntong hininga ako, dahil namimiss ko agad ang mga naiwanan ko sa Pilipinas. Wala naman akong pag sisisihan dito sa desisyon ko, dahil alam kong may matututunan ako sa pag alis kong 'to.

May kumulbit na naman sa akin, nilingon ko si Nicholas ng may iritasyon. Nakakairita na kasi! Napaka daldal.

Kinunot ko ang noo ko sa kanya at napairap habang hinaharap siya.

"Ano na naman?" Tanong ko.

Ngumisi siya at nag kibit balikat, "May naisip kana ba na gagawin natin dito?"

Nag kasalubong ang kilay ko. Gagawin namin? Duh, hindi siya kasama no! Feeling close agad. Ay oo nga pala, mag kaibigan na 'daw' kami.

"Wala. Pero para sa sarili ko, may naisip na ako."

Napabuntong hininga siya at napaiwas ng tingin, ginising niya ang kaibigan niya na nasa unahan niya. Alam niyo kung paano niya ginising? Pinisil lang naman ni Nicholas yung ilong nung lalaki. So ang nangyari ay hindi nakahinga yung lalaki, kaya nagising ito agad at nataranta.

Humalakhak si Nicholas habang pinapanood ang reaksyon nung lalaki, kahit ako ay napangisi sa katarantaduhan nitong si Nicholas, yung lalaki naman ay namumula sa galit at kahihiyan. Pasabog siyang tumayo sa harapan ni Nicholas, agad niyang itong pinag susuntok sa braso. Dun ako humagalpak ng tawa, dahil kung makikita niyo lang ang itsura ni Nicholas priceless!

Sinuntok ulit nung lalaki si Nicholas sa braso, "Fuck you! die a fucking virgin!" Sigaw niya kay nicholas.

Wait, virgin? Virgin pa pala si Nicholas, parang hindi na kasi talaga. Nung una ay akala ko hindi na siya virgin dahil ang alam ko ay ang mga American or yung mga nasa ibang bansa ay normal lang na mawala sa kanila ang virginity nila. Kaya nagulat ako ng virgin pa pala ang isang 'to.

Tinulak ni Nicholas yung lalaki, habang ang tainga niya ay namumula sa kahihiyan. Nahihiya siya na nalaman kong virgin pa pala siya. Well, ayos nga 'yon!

Napaupo yung lalaki sa upuan niya, habang patuloy ang pag mumura kay nicholas. Si Nicholas naman ay napataklob ng mukha sa kahihiyan, nahalakhak ako sa kanilang dalawa. Napaka kulit!

The Girl He Never Noticed [AWESOMELY COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon