He's here
Isang linggo ng dumaan, pero may isa pang linggo bago bumalik si nicholas. Nakakausap nila Kuya si Nicholas, minsan lang ako mag pakita sa kanya kasi naguiguilty ako sa nangyari bago siya umalis.
Tumingin ako sa bintana ng coffee shop na ito, malaki at malinis dito sa loob. May mga breads, cookies, brownies, milk, pancakes, cakes and cupcakes at marami pa. Ang sarap nga ng mga iyon, natikman ko na lahat.
Amoy na amoy dito sa loob ang bango ng kape, napapapikit ako at rinaramdam ang bango ng kape dito sa loob ng coffee shop na ito. Dinilat ko ang mga mata ko habang nasa bintana parin ang atensyon ko, kita ko ang labas. May mga couples na nag lalakad, masayang nag uusap. Mga sasakyan, pero hindi crowded.
Ginala ko ang tingin ko sa loob ng shop na ito, white and yellow ang kulay ng mga dingding dito. Ang mga mini tables ay hugis bilog at may dalawang upuan iyon, pang dalawang tao lang talaga. Ang sahig nila ay gawa sa kahoy, simple lang talaga ang disenyo. Dahil doon ay kita mo ang linis dito, at nakakagaan ng loob ang kulay ng mga dingding.
Kinuha ko ang kape ko at hinigop iyon, habang nakatingin sa ipad ko na nakapatong sa mini table.
Inilapag ko muli ang kape sa mini table, at kinuha naman ang ipad ko. Ni-open ko iyon at nag laro ng kahit na ano doon, para naman may magawa ako dito sa shop. Ayoko oang umuwi sa bahay, aasarin lang ako. Kaya napag isipan naming tatlo ni kuya at ni adrian na mag beach ganon, kahit wala si nicholas.
Kinuha ko muli ang kape ko at hinigop iyon, habang nakatuon ang buong atensyon ko sa aking ipad. Masaya na ako sa ginagawa ko ngayon, hindi ko alam kung bakit.
To tell you honestly, mas gusto kong tumira dito sa Maldives. Pero kailangan ko paring umuwi sa Pilipinas, dahil may mga naiwan naman ako doon.
Iniwan ko talaga si Shawn at si Lael, dahil connected silang dalawa kay terrence. Ramdam kong naka move on na ako, pero hindi pa iyon sapat para maniwala ako sa nararamdaman ko.
May lumapit sa akin na matanda, isa siya sa nga nag titinda dito sa loob ng shop, sinalubong niya ako ng ngiti. Nginitian ko rin siya ng matamis.
"Sweetie, are you fine with your coffee?"
Tumango ako,"Yes, thank you."
Tumango naman yung matanda at ngumiti pa sa akin bago niya ako tinalikuran, nilagay ko na uli ang atensyon ko sa aking ipad at pinag patuloy ay pag lalaro.
Pag katapos kong ubusin ang kape ko ay inayos ko an ang ipad ko at inilagay iyon ng maayos sa aking herschel na bag, pag katapos kong ayusin ang mga iyon ay nag pasya na akong tumayo at nag lakad palabas ng coffee shop.
Pag tungtong ko palang sa labas ay dumampi agad sa aking balat ang malamig at sariwang hangin dito sa Maldives, excited na ako sa outing naming tatlo!
Nilibot ko ang tingin sa paligid, ang daming couples. Nakakainggit, nahh hindi pala. Mag hihiwalay rin yang mga yan, tss.
Umiling ako at ginulo ang buhok kong mahaba na, nag simula na akong mag lakad. Gusto kong pumunta sa park nila dito, namimiss ko na ang park sa subdivision namin e.
Alam kong malapit lang iyon dito, kaya mabilis akong makakapunta roon. Hindi naman sa pag mamayabang ay halos mabali na ang leeg ng mga lalaki kakatingin sa akin, nasa dugo ko talaga ang 'Lim' yung iba ay sumisipol pa, iniirapan ko sila. Mga bastos! Tss.
Hindi rin nag tagal ay nakapunta na ako sa park, puro puno naman dito. Mas madaming puno ng coconut dito kesa sa park ng subdivision namin, malamig rin dito kesa sa amin. Marami ring mga batang nag lalaro sa playground, marami ring mga couples na nag pipicnic. May mga mag papamilya rin na nag pipicnic, masasaya silang nag kakasaluhan.
BINABASA MO ANG
The Girl He Never Noticed [AWESOMELY COMPLETED]
General FictionAlam mo na namang masasaktan ka sa huli ay sumugal ka parin. Alam mo ng niloloko kana nag bubulagbulagan ka parin. Alam mo ng mali ginagawa mo paring tama. Talagang masarap kapag bawal. Pero paano kapag nasaktan kana? Susugal ka parin ba? Masaya par...