Kabanata 29

486 22 6
                                    

I hate...

Lumakas na ng lumakas ang ulan, kailangan ko ng umuwi. Ang tarantadong 'yon, hindi manlang ako inihatid! Napaka walang hiya!

Niyakap ko ang sarili ko habang umuulan, nilalamig na kasi ako. Grr, nakakainis. Naisahan niya ako! Naiiyak parin ako habang nag lalakad pauwi.

Tiningnan ko ang suot ko, yung pencil skirt ko napaka bigat na. Basang basa na kasi, pwedeng pwede itong malaglag. Yung white top ko, medyo okay pa. Makapal ang tela nito at soft, kaya walang problema. Yung Sandals ko, puro putik na.

Tumingala ako habang nag lalakad, "Fuck you, Terrence! Hayop ka!" Sigaw ko.

Alam kong walang makakarinig sa akin, maliban sa sarili ko.

Ibinalik ko na ang tingin ko sa dinadaanan ko pauwi, nilalamig na talaga ako. Panigurado mag kakasakit na naman ako, badtrip!

Nanginginig na ako sa lamig, kaya binilisan ko na ang lakad ko. Ayokong tumakbo, dahil pagod na ako. Pagod na pagod, kukulangan lalo ako ng lakas kapag tumakbo pa ako.

Sinisipon na ako agad, kaya pinupunasan ko ng pinupunasan ang ilong ko. Pati ang mga mata kong walang tigil sa pag iyak!

Ng naaninag ko na ang ilaw sa gate ay dun na ako tumakbo, nagulat sa itsura ko yung Guard.

"S-senyorita, ayos lang po--"

"Oo."

"Mag papayong pa po--"

Tiningnan ko siya ng matalim,"PAYONG?! BASA NA AKO, MAG PAPAYONG PA? NAG PAPATAWA KABA?" Humalakhak ako ng sarkastiko.

Napayuko naman ang Guard namin, napailing naman ako. Walang utak! Basang basa na nga ako, bibigyan pa ng payong? Anong use noon.

Napansin kong hindi niya parin binubuksan ang gate, hinarap ko siya sa guard house.

"Hello? Hindi mo paba bubuksan?! Basang basa na ako dito!"

Agad siyang natuliro, agad siyang mag madali at may pinindot ng button. Kaya agad bumukas ang Gate, napailing na lang ako sa katangahan ng Guard na ito.

"Pasensya na po."

Hindi ko siya nilingon pero kinawayan ko na lamang siya, isa lang ang ibig sabihin noon. Manahimik siya, alam kong ramdam niyang may nag bago sa akin.

Ganito ako kapag emotional, napapagbuntungan ko lahat. Kapag galit ako sa isa, damay damay na lahat.

Binuksan ko agad ang pinto ng bahay, 'mansyon' namin.

Nakita ko si mommy na kakababa pa lang sa hagdan, nalaglag ang panga niya noong nakita niya ako.

Si Lola ay kakalabas lang ng kusina, ay nalaglag rin ang panga noong nakita ako ng ganito ang itsura ko. Mag aalala agad sila, kaya wala pang ilang segundo ay agad silang tumakbo papunta sa akin.

"Oh my God! Anong nangyari say--"

Umiling ako at napayuko, habang winawagayway ang kamay ko sa harapan nilang dalawa.

Hinawakan ni lola ang balikat kong naginginig sa galit, sakit at sa lamig.

"Anak, saan ka nanggaling at basang basa ka?"

Inangat ko ang mukha ko, at doon bumuhos ang mga luha ko. Akala ko wala ng lalabas pa, madami pa pala.

Nanginginig parin ang balikat ko,"I-im fine." At nag thumbs up.

Umiling ang dalawa at agad akong niyakap, parehas nialng hinaplos ang likod ko.

Doon ako sakanila umiyak, doon ko nilabas lahat ng luhang mailalabasa ko pa.

"Shhh, tahan na..." Haplos ni Mommy sa mukha ko.

Napangiti ako, pero pilit. Kahit nangiti ako ay tuloy parin ang pag tulo ng mga luha ko, ang sakit parin pala. Akala ko kaya kong maging malakas, hindi pala.

Kinalas ni Lola ang yakap niya sakin, basa narin siya dahil sakin. Si mommy rin ay basa narin, agad akong tumakbo palayo sa kanilang dalawa. Ayokong madamay sila dahil sa akin, ayoko na.

Agad akong umakyat sa hagdanan at diretso akong tumakbo papasok sa aking kwarto, kahit hinahabol ako ni Bones.

Hindi nakapasok si Bones, dahil napag sarahan ko na siya ng pinto.

Napasabunot ako sa sarili ko, "Estupida, Tamara!"

Umiyak lang ako ng umiyak hanggang sa makapunta ako sa kama ko, nakaluhod ako sa kama ko, habang pinatong ko ang dalawa kong braso at doon ko pinatong ang ulo ko. Doon ako umiyak, humihikbi na ako at hirap ng umiyak.

Basang basa parin ako ng ulan, naka aircon parin dito. Kaya lalo akong nilamig, narinig kong kinakatok ako ni Lola at ni Mommy. Wala na si Sam, bago pala nakapunta dito si Terrence ay nakauwi na siya.

"Tam, baby..." Katok ni mommy.

"Anak, buksan mo ang pinto." Katok naman ni Lola.

Huminga ako ng malalim at inilabas ulit ang mga hinanakit, yun ay mga luha.

Inangat ko ang ulo ko, at napaupo sa gilid ng kama ko. Pinunasan ko ang mata ko, napatawa ako ng wala sa oras. Napaka miserable panigurado ng itsura ko, nakakahiya na ang sarili ko.

Hindi ako maka indian sit, dahil mahirap. Naka pencil skirt ako, at basang basa pa ito.

Tiningnan ko ang sahig ng kwarto ko, puro putik narin pala. Dahil sa Sandals ko, napaka rumi ko na.

Nag pasya akong maligo, agad rin naman akong nakatapos. Nag bihis narin ako, naka pajama ako at naka white shirt.

Umakyat ako sa kama ko, kahit basang basa parin ang buhok ko. May sipon narin ako agad, mugto parin ang mata ko. Hindi parin ako tapos umiyak, naiyak parin ako. Hikbi parin, kahit nung naliligo ako. Hindi naman ito tumigil e, lalo pa ngang lumala.

Napahawak ako sa dibdib ko, habang inaalala ang nangyari kanina.

Dumapa ako sa kama ko at niyakap ang unan ko, doon ako umiyak.

"Ang galing niyang mag panggap, napaniwala niya ako. Napaniwala niya kaming lahat, tangina niya. Hayop siya, matapos ko siyang pag katiwalaan? Matapos kong mahalin siya ng totoo at ng lubos? Laro lang pala ang lahat! Buti hindi ko siya sinagot! Hayop siya. Hayop siya. Walang hiya..."

Humihikbi parin ako, pinikit ko ang mata ko. Gusto ko na muna mag pahinga, pagod na akong umiyak. Nakakasawa, nakakasawa rin pala na kahit ilang beses niya akong sinaktan noon. Ay nagawa ko parin siyang patawarin, wala e. Mahal ko, may magagawa ba ako?

Ngayon ko lang na realize, na ang tanga ko pala talaga. Nag bulagbulagan ako, kaya pala kahit ilan ang sabihin niyang mahal niya ako, ay hindi ko talaga ramdam! Kaya pala...

Naramdaman kong nag vibrate ang cellphone ko, napahilamos ako ng mukha dahil kakaayos ko lang ay mukha na naman akong kahiyahiya.

Umiling ako at saka dinampot ang cellphone ko, doon ko nakita ang isang mensahe. Isang mensaheng nag padurog ng puso ko.

Terrence

I love you, babe.

Alam kong hindi ako tinutukoy niya, kaya nanikip ang dibdib ko. Tangina! Bakit sakin pa niya naisend?! Hayop!

Agad rin naman niyang dinugtungan ang nitext niya sa akin, at yun mismo ang nag durog ng puso ko.

Terrence

Im sorry, na wrong send. Para kay Abby 'yan, im sorry. :D

Lalong bumuhos ang luha ko, lalo na ng alam kong nang aasar siya. Binato ko ang cellphone ko, at nakita kong tumama ito sa dingding ko. Wasak ang Iphone 6 ko, pero wala akong pakielam! Hayop kay terrence.

May pa smiley smiley face ka pa!

From now on, i'll hate boys! I hate boys! Argh!

The Girl He Never Noticed [AWESOMELY COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon