Kabanata 23

551 19 0
                                    

Sasama ba ako?

'Alam mo ng wala ng pag-asa, pero minahal mo parin.'

---Shawn Kyle---
I need to rest, nakakapagod rin kasing mag habol. Alam kong mahal niya parin ako, pero mas ginusto na niyang bumitaw. Siguro napagod narin siya, napagod na siyang intindihin ang pwesto naming dalawa.

"I hate Warriors!" Bato ni Lael ng controller.

Nag lalaro kami ng  Ps4 namin dito sa bahay, nakaka boring kasi kung ako lang ang mag lalaro diba? Tutal parehas naman kaming sawi ni Lael, damayan na namin ang isa't isa.

Galit pa kaya si Terrence?

"Bro, nasa nag lalaro kasi 'yan." Ngisi ko.

Tiningnan niya ako ng masama, kaya napahalakhak ako. Napaka bilis ba namang mapikon nito, parang hindi tropa e.

"Pogi parin naman ako." Tanggol niya sa sarili.

Napangisi ako. "Ulol!"

Kinuha niya ang controller sabay halakhak, "Round 7!" Yaya niya.

Napailing ako, dahil hindi talaga niya magawang manalo sa akin. Bulok!

"I WON! I FUCKING WON, DUDE!" Sigaw ni Lael.

Pumalakpak ako at saka umiling, na bang pinapakita kong 'first time mo?' HAHAHAHA. Nakakatawa ba naman ang reaksyon ni Lael, pagka shoot niya tapos pagka panalo niya e nag tatalon siya. Tapos pinag susuntok niya yung unan sa sofa, tang ina! Mahal yung unan.

"Bro, mahal yung unan! Tang ina mo!" Sigaw ko.

Tiningnan niya ako, pero kita mo sa mukha niya yung saya. (-,-)

"Sorry, dude. Ayoko na, tinatamad na ko." Singhap niya.

Binato ko nalang rin ang controller ko, tinatamad narin kasi ako mag laro ng NBA2k17.

Naka upo kami ngayon sa carpet, well ako lang pala. Si Lael kasi naka upo sa Sofa ko, oo maarte yung gunggong na 'yon.

"Dude, ano na nangyari sa inyo ni Ate Elysse? I saw her yesterday." Kagat niya sa tsitsirya.

Agad akong napatingin sa direksyon niya, tuwing naririnig ko ang pangalan niya laging bumibilis ang tibok ng puso ko. Ewan ko ba, pero ang lakas talaga ng epekto niya sakin.

Napataas ako ng kilay, "Saan mo nakita?" Inom ko ng Jack Daniel's

"Sa ospital, bibisitahin daw niya si Tamara."

Napaawang ang bibig ko, "Paano niya nakilala?"

Biglang nag iba ang mood ni Lael, para bang may nasabi ako mali. Siguro? Pero bigla akong nakaramdam ng guilt, kasi kanina lang ang saya saya niya. Ngayon hindi na, bigla kasing bumagsak yung tingin niya sa kinakain niya.

"Dahil kay Terrence." Aniya ni lael, sabay bato ng unan sa TV ko.

"HOY! MAHAL RIN YON!" Sigaw ko.

Mahal ang TV ko, hindi ako magastos. Maingat ako sa gamit, dati hindi. Si Elysse ang nagturo sa akin kung paano pahalagahan ang isang bagay, pinahalagahan ko na ang lahat ng bagay. Lalo na siya, kaso nawala parin.

Kinuha ni Lael yung Yakult ng walang kibo, napataas ako ng kilay dahil paano nagka Yakult sa center table ko. Kanina kasi wala, saka bakit namana ko bibili ng Yakult? Eh hindi ko naman alam na pupunta siya dito, nevermind. Baka hindi ko lang napansin na nag dala siya.

Agad siyang tumayo at diretdiretsong pumunta sa kunsina, anong gagaiwn niya doon?

Napatayo ako para tawagin siya. "Dude! Where are you going?"

Nilingon niya ako ng may nakataas na kilay, "Do you have straws?" Tanong niya sakin.

Ay oo nga pala! Kapag nag yayakult yang ulagang 'yan, ay ginagamitan pa niya ng straw. (-,-) napaka arte, akala mo babae. Dinaig pa pala babae. (-.-)

"Nasa kabinet, sa taas sa kanan." (-.-) <----- ganyan talaga ang itsura ko ngayon sa kanya.

"What's with the face?" Tanong niya ulit.

"Hindi ba obvious? You're so dumb! Napaka arte mo, dinaig mo pa babae."

"Ulol! Pogi parin." Talikod niya saakin.

Umupo na lang ulit ako at hinayaan siya, baka masuntok ko pa.

Kinuha ko ang cellphone ko at nag open ng Facebook, napakadaming friend requests sa akin. Wala e, pogi kasi ako. Napaka dami ko ring messages, yung iba mga naka one night stand ko. Halos lahat pala, HAHAHAHA. Alam ni Elysse abaout doon, kaya nga kami nag aaway e.

Nag scroll lang ako ng nag scroll sa feed ko, hanggang sa nakita ko ang post ni Joshua.

Joshua Andrei Medina
8 minutes

'Kaway kaway naman ang mga naka puting damit diyan!'

Likes • Comments • Shares
1.3k         2.8k           9.7k

Yan ang nakita ko, kaya...

"Dude, bakit ka nakaway sa Phone mo? Para kang tanga ay hindi pala, tanga kana nga pala." Iling niya, sabay higop ng yakult sa straw niya.

"Napaka bobo mo no? Hindi mo ba nakita yung status ni Joshua? Kumaway daw ang naka puti ngayon, edi kumaway ako. Naka puti kasi ako, bobo mo talaga." Iling ko.

Naging poker face ang mukha ni Lael, aba! Sabi kasi ni Joshua kumaway daw ang naka puti ngayon. Edi kumaway ako, masama bang sumunod? Tssk.

"Napaka uto uto mo, bro." Aniya ni Lael.

Pumunta na siya sa Sofa ko, ayaw niyang umupo sa carpet ko. Madumi daw kase, napaka arte.

Ininom ko ng ininom ang Jack Daniel's, kahit napapangiwi ako sa sobrang lakas ng tama nito sa lalamunan ko.

"Dude, alam mo ba na mas nakaka gwapo daw ang maka Diyos." Sabi ni Lael.

"..."

"Tapos yung lagi daw nag sisimba tuwing Sun---"

"Dude, wag ka ngang maingay! Nag NONOVENA ako dito!" Sigaw ko.

Napahalakhak naman siya sa kalokohan ko, ano namang nakakatawa doon? Nag sasabi naman ako ng totoo! Nag nonovena talaga ako ngayon.

"Nag nonovena? Eh ang hawak mo ay Jack Daniel's. Ulol! HAHAHAHA. Tanggapin mo ng mas gwapo ako sayo." Asar niya.

Pinanliitan ko siya ng mata, nang aasar talaga ito.

"Dude may ikwekwento ako." Sabi ni Lael.

Napatigil naman ako sa pag lalaro ng shot glass ko, agad akong napatingin sa kanya.

"Ano?"

"Ang sakit pala kapag nag mahal ka ng buo, pero pagbalik naman niya sayo ay kulang." Turo niya sa dibdib niya. "Yung tipong binigay mo na lahat pero kulang parin? Napaka sakit." Higop niya ng yakult gamit ang straw. Pangalawang yakult na nga pala niya 'yon.

"Oh?" Asar ko.

Hindi kasi ako makasagot sa sinabi niya, naka relate rin kasi ako. Bull's eye pa, ramdam kita Lael. Ramdam na ramdam kita.

"Tangina mo, Kyle. Im fucking serious."

"Kwento mo sa unggoy." Ngisi ko.

Napatigil siya sa paghigop ng Yakult at tinitigan ako ng seryoso, "Kaya ko nga kinikwento sayo."

Agad siyang humalakhak habang pinag mamasdan ang mukha kong bugnot na bugnot sa kanya.

Agad akong tumayo sa carpet at dumiretso sa kwarto ko, dinabog ko ang pinto nito. Yung tipong rinig mo talaga ang dabog hanggang baba. Tang ina Lael! Nadali mo na naman ako sa kalokohan mo! Tsssk

Naramdaman kong nag vibrate ang phone ko sa bulsa ko, agad ko 'tong kinuha at binuksan. Doon ko nakita ang message ni Lael. (-.-)

Lael Sy
Oy, tanga! nag text sa akin si Terrence mag babakasyon daw tayo. Next week pa naman, susunduin daw tayo.

Yan ang nabasa kong text message, agad bumilis ang tibok ng puso ko. Parang may mali, parang kapag sumama ako ay gulo? Ewan.

The Girl He Never Noticed [AWESOMELY COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon