Kabanata 36

521 23 0
                                    

Halik

Napahawak ako sa cart ng mga bagahe ko, nandito na ako sa airport. Tumingin ako sa mga bintana dito sa loob, kitang kita ko ang ganda ng panahon. Nakakalungkot rin pala na may maiiwan ako dito sa Pilipinas, pero alam kong may matututunan ako sa pag alis kong 'to.

Tiningnan ko naman ang paligid dito sa loob, madaming tao rin ang paalis.

"Tam, bakit ka pa kasi aalis?" Naiiyak na saad ni Samaya.

Nginitian ko siya at saka inilapit ang sarili ko para mayakap ko siya.

"This is for my dreams, wag ka mag aalala dun ka muna tutuloy sa bahay sabi ni Mommy." Hagod ko sa likod niya.

Kinalas ko na ang yakap ko sa kanya, ngumiti siya pero umiiyak parin. Inalis ko sa kanyang tingin ko, tiningnan ko si Mommy at si Lola. Agad akong lumapit kay Mommy, niyakap ko rin siya ng napaka higpit.

"Baby, Ingat ka doon ha? Alam mo namang basagulero ang pinsan mo doon." Hagod niya rin sa likod ko kahit hindi ako umiiyak, "Binilhan narin kita ng condo mo, kaya it's up to you kung saan ka tutuloy."

Kinalas ko na ang yakap ko sa kanya, at niyakap naman si lola. Mamimiss ko talagang silang tatlo.

"Lola, kayo muna ang bahala kay Sam habang wala ako ah? Mamimiss ko kayo!"

Hinagod rin niya ang likod ko, naramdaman kong basa ang balikat ko. Dahil iyon sa kanilang tatlo, umiiyak silang tatlo. Ako lang ang hindi, dahil pinipigilan ko. Ayokong maging mukhang mahina, baka mag bago pa ang isip ko. Baka hindi na ako tumuloy kapag nakipag iyakan rin sa kanilang tatlo.

"Oo Anak, ako bahala. Mag ingat ka roon."

Tumango ako ng dahan dahan, at agad kinalas ang yakapan. Ayoko na ng ganitong eksena, nakakapagod at nakakasakit ng damdamin. Dahil maiiwanan ko sila, pero alam kong maiintindihan nilang tatlo nilang lahat ang dahilan.

Lumapit na ako sa cart ko na may mga lamang bagahe ko, habang tinitingnan silang isa isa.

Ngumiti ako sa kanila at kumaway sa kanila, na ibig sabihin ay kailangan ko ng umalis.

"Mamimiss ko talaga kayong lahat."

"M-mag iingat ka, Tam. Kahit patanga tanga ka lagi, mag iingat ka parin." Ani Sam.

Napahalakhak ako sa sinabi niya, atleast bumalik narin siya sa dati. Hindi na yung malungkot, saka may Skype naman.

"Oo na! Salamat ha?" Halakhak ko.

Ngumiti parin si si Sam habang humihikbi, parang dinudurog ang puso ko. Habang pinapanood sila ng ganito.

"Baby, take care of yourself. Araso!?" Ani Mommy.

Tumango ako sa kanya habang natatawa, "Opo..."

Tumingin naman ako kay Lola, naiiyak narin pala siya. Pinupunasan niya ng panyo ang kanyang mga luha na lumalandas sa kanyang pisngi, pangiti ako ng hilaw.

"Anak, sana kapag nakabalik kana ay maayos kana."

Tumango rin ako ng dahan dahan sa kanya, at saka nag flying kiss sa kanilang tatlo.

Si Sam naman ay oarang nadidiri pa ang itsura sa flying kiss ko, inirapan ko siya habang natatawa sa reaksyon niya. Nakakainis, aalis na nga ako ganyan parin siya. Lol, pero gusto ko ng ganon. Hindi na siya masyadong umiiyak, magaan na ang loob niya. Samantalang si Mommy at si lola ay todo punas sa kanilang pisngi, dahil sa luha nilang dalawa.

Tiningnan ko ang relo ko, according to Kuya Dylan. 10:00 AM ang oras ng take off ng eroplano. Pero 9:30 AM pa naman, kaya may time parin ako para sa kanilang tatlo.

The Girl He Never Noticed [AWESOMELY COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon