Kabanata 44

467 11 0
                                    

Broken hearts

Pagkatapos ng nangyari kahapon, yung mga nangyari sa restaurant. Ay hindi parin ako nakakalabas ng kwarto, kailangan kong makapag isip ng magandang gawin para pasayahin at iparamdam sa kanya ang salitang 'pagmamahal' na gusto niyang makuha at matutunan sa akin. Kahit ngayon nalang, ang huling araw namin dito sa beach. Ang huling araw na makakapag usap kami ng maayos at ng komportable, ang huling araw na malaya niyang maipaparamdam ang pagmamahal para sa akin. Na hindi ko kaya ibalik sa kanya...

Nandito ako sa balcony, habang kagat-kagat ang aking earphones. Pinapanood ko ang sunrise, na palabas pa lang ngayon. Oo, maaga pa nga. Inagahan ko ang gising ko para sa plano ko, para kay nicholas.

Hinugot ko ang aking phone sa aking bulsa, ni-on ko iyon at ni-click ang camera. Ni-focus ko na iyon sa magandang view ng sunrise. Kumuha ako ng kumuha ng magagandang litarto non.

Pagkatapos kong ni-picture ang sunrise, ay pinadausdos ko ang phone ko sa aking bulsa habang hindi inaalis ang tingin sa sunrise na malapit na matapos. Na malapit ng tumaas...

Actually mas gusto ko ang sunrise kaysa sa sunset. Dahil ang sunrise ay panibagong alaala o magsisimula palang, ang sunset ay tapos na at wala na.

Inalis ko na ang tingin sa langit, dahil tinalikuran ko na iyon at pumasok na sa loob. Iginala ko ang tingin sa loob ng kwarto na ito, mayaman nga talaga si Nicholas. Ang mga 'Gray' kakaiba.

Nag lakad lang ako ng naglakad hanggang sa makapunta ako sa kama, humilata ako doon. Dahil wala parin akong maisip na magagawa para sa last day ni Nicholas. Ito na ang huling araw, ang huling araw na malaya niya akong makakausap. Na malaya niyang maipaparamdam ang pagmamahal na gusto niyang ibigay sa akin.

May kumatok sa pinto, "Tamara?" Kumatok pa siya muli.

Napabangon ako ng wala sa oras, si Kuya Dylan ang kumakatok. Dahil siya na lamang ang nag iisang tumatawag sa akin ng 'Tamara' dahil nasanay na si Nicholas at si Adrian na 'Denise' ang tawag sa akin.

"Bakit, Kuya?" Pasigaw kong tanong.

"Gusto lang kitang makausap..."

Tumayo ako sa kama, at lumayo doon. Nag lakad ako patungo sa may pinto, pero hindi ko pa iyon binubuksan. Gusto ko lang munang pakinggan ang gustong sabihin ni Kuya sa akin.

Inidikit ko ang tainga ko sa pinto, rinig ko ang nasa labas. Pero hindi maayos ang pagkakarinig ko, hindi ako sigurado sa mga naririnig ko sa labas.

"Tamara? Alam kong makulit ka. Kaya hindi mo ako pag bubuksan ng pinto...pero alam kong nakikinig kana ngayon."

Kilala na niya talaga ako, alam niyang hindi ko siya pag bubuksan ng pinto.

"Ang gusto kong sabihin sayo ay pasayahin---"

Agad kong binuksan ang pinto. So, alam niya ang hiningi ni Nicholas sa akin? Alam niya? Sinabi sa kanya ni nicholas ang about doon?

"Kuya..." Inilahad ko ang kamay ko sa kanya, "Kuhanin mo."

Agad niya namang kinuha ang nakalahad kong kamay sa kanya, alam niyo kung bakit ako nag lahad ng kamay sa kanya? Kasi nung binuksan ko agad ang pinto ay nakasandal pala siya doon. Dahil sa pagkakasandal niya ay agad siyang natumba, dahil nawala na ang pinagsasandalan niya.

The Girl He Never Noticed [AWESOMELY COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon