Kabanata 42

463 11 0
                                    

Last time

"Nag alala kami sayo Tamara! Saan kaba kasi nag punta?" Tanong ni Kuya.

Kinusot ko ang aking mga mata, ibinaba ko ang tingin sa pagkain na nakahanda dito sa loob ng sasakyan. According to Kuya and Adrian ay wala na daw maupuan sa loob, kaya napag isipan nalang nilang dito nalang sa sasakyan.

Tinapik ni Nicholas ang balikat ko, kilala niya pala si Lael...

Inangat ko ang tingin sa kanya, kita ko sa mga mata niya ang pagka lito. Nakita niya ba yung kanina? Pero panigurado nakita niya na umalis si Lael sa table nila kanina. Pero sana hindi niya nakita at narinig ang pinag usapan namin ni Lael dito sa likod ng sasakyan.

"Bakit?" Tanong ko.

"Wag kana umiyak..."

Kinusot ko pa muli ang mga mata ko, mugto ito ngayon. Kanina pa nila akong tinatanong kung bakit ako naiyak, pero hindi ako nakibo. Ngayon ay sinusubukan kong kumain kung kaya ko, kung may lakas parin ako ngayon.

"Gusto mo subuan pa kita?"

Tiningnan ko siya at nginitian, "Naku, hindi na kailangan."

Tumango siya sa akin at tiningnan nalang ang kanyang pagkain, nag simula na siyang kumain ng hindi na nag sasalita. Napangiti ako ng mapakla, hahabulin ko si Lael. Hindi ako papayag na sa siya mapapunta. Akin lang siya, akin lang...

Inalis ko ang tingin sa kanya, ibinaba ko narin ang tingin ko sa pagkain na ngayon ay nasa hita ko. Nag simula narin akong kumain. Habang si Kuya ay nakain narin pati si Adrian, nakain na kaming lahat.

Pagkatapos naming kumaing lahat ay nag abutan kami ng Coke, pag kaabot sa akin ni Nicholas ng Coke ay agad ko iyon nilagyan ng straw. Agad ko rin itong nilantakan.

Napapikit ako at napasandal sa upuan, napatingin ako sa bintana ng sasakyan. Habang nasa bibig ko parin ang straw. Kinakagat ko nalang ito ngayon.

"Tamara! Alam mo ba hinahanap ka naming lahat kanina! Tapos maabutan pa namin na umiiyak ka dito sa likod ng sasakyan!" Matigas na utas ni kuya.

Iniharap ko siya at nginitian. Hindi ko pa kayang sabihin sa kanila, ayoko pa. Sa akin muna ang ito. Lalong ayokong ipaalam kay Nicholas ang problema ko. Dahil panigurado ay gagawa siya ng paraan para sa amin ni Lael. Pero ayokong isipin ni Lael na wala akong kwenta, na wala akong nagagawa para makuha siya.

"I'm sorry..."sabi ko.

Napahilamos si kuya habang humaharap sa manibela, ni-start na niya ang sasakyan. Habang si Nixholas ay tahimik rin na nakatingin sa bintana. Si Adrian ay panigurado nakatingin rin sa bintana.

"Fine! Pero sana huwag mo ng gawin pa ulit yon..." Nilingon niya ako, "Alright?"

Tinanguan ko siya, ngumisi siya sa akin at iniharap na muli ang kalsada. Tumingin nalang rin ako sa bintana. Sinimulan na ni Kuya ang mag maneho ng sasakyan. Sabi niya ay malapit na raw kami, siguro mga tatlong oras pa daw.

Tumingin ako sa langit, maaliwalas ang panahon. Maganda ngang mag beach ngayon. Pero sana huwag mag 'skinny dipping' si Kuya. Nakakadiri! Tss.

Inalis ko muna ang tingin sa bintana, iginala ko naman ang tingin ko dito sa loob ng sasakyan. Hinahanap ko ang Phone ko. Nasaan kaya iyon? Itetext ko si Lael! Kukulitin ko siya. Alam kong sa akin lang siya, siya pa mismong nag sabing mahal niya ako!

"Ito ba ang hinahanap mo?"

Napatingin ako kay Nicholas, hawak hawak niya ang phone ko. Napataas ako ng kilay, sa kanya habang binabalik balik ang tingin sa kanya at s aphone ko. Paano niya nakuha yon? At saan niya nakuha?

The Girl He Never Noticed [AWESOMELY COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon