Kabanata 4

1.3K 36 20
                                    


Weirdo.

Tamara's POV

Nagising ako sa sinag ng araw, ang sakit ng ulo ko. Kumikirot na hindi maipaliwanag. Bumangon parin ako sa kama ko, kahit masama parin ang pakiramdam ko. Five hard beers ang nainom ko kagabi, i mean four hard beers nalang pala. Kasi diba kinuha nung Mysterious guy yung pang huli kong beer? Basta yon. Kaya four nalang, nabawasan nga e! Ang sakit parin talaga ng ulo ko, may hangover pa ako.

Kinusot kusot ko muna ang mga mata ko bago umupo sa kama ko, tiningnan ko kung anong oras na. Shete! 6:45 na! Late na ako! 7:00 kasi simula ng klase namin. Pero, hindi talaga kaya ng ulo ko yung sakit. Luminga linga ako sa kwarto ko, pero nasa kwarto nga talaga ako. Naiuwi nga niya ako ng Safe and Complete, pero sino kaya si Mysterious guy. Pa Mysterious ka pa kasi e! Pero nagulat ako ng may makitang Letter at food saka mga gamot sa may side table ko.

Lumapit ako papunta dun sa side table ko, hindi ako tumayo ha? Nakaupo parin ako, umisod lang ako.

"Good Morning, i know your head hurts right now. I bought you some food, i hope you eat it. And i also bought you some medicines, please take care. Please forget my confessions see you soon Tamara.

-A."

Yan ang nakalagay sa Letter na katabi lang ng mga pagkain at mga gamot. Sino kabang A ka ha? Nakakainis kasi pa mysterious ka pa. Pero biglang bumilis na naman ang tibok ng puso ko. Dapat kay Terrence lang natibok 'to e, oo na! Mahal ko na si Terrence. Okay lang naman kahit mahalin ko siya sa malayo, kung dun naman siya sasaya e. Edi okay lang, okay lang talaga yon. Kahit masakit, ugh! Naging emotional na naman ako. Maka kain na nga lang.

Binuksan ko yung box ng mga pagkain, may scrambled egg, rice, sushi, chicken, chocolates, pancakes, brownies, cake, cupcakes and pepero. Wow! Ang dami! Hindi naman niya ako patatabain no? Tapos sa tabi naman ng box na yon, may mga gamot pa. Pam patanggal ata ng sakit ng ulo, mamaya ko na 'to iinumin. Lalantakan ko na muna tong mga pagkain na ito.

Iinomin ko nalang bali yung gamot pero natigilan ako, naalala ko kasi yung mga nangyari sa ospital kagabi. Saka nasan na nga pala sina Lola? Tapos yung sasakyan ko nasa Bar, kasi diba hinatid ako nung A? Paano nakauwi si lola at yung driver namin? Well, may mga bodyguards nga pala kaming puwede nilang tawagan o hingian ng tulong.

Ininom ko nalang agad yung gamot tapos bumangon na, hahanapin ko kasi si lola saka yung driver namin na nasigawan ko kagabi. Mag sosorry ako sa kanilang dalawa ni Lola, nasaktan ko kasi silang dalawa kagabi e.

Bubuksan ko na bali yung pinto ng biglang kumatok si Lola at may sinabi, kaya hindi ko muna binuksan. Pinakinggan ko muna siya.

Pero nagulat ako at napanganga ng malaman kung ano ang sasabihin niya sakin.

"Anak? May isang chinitong nag hahanap sa'yo sa baba." Aniya habang kumakatok.

Chinito? Sino yon? Hindi kaya si Shawn? O si Terrence? Joke. Haha! Bakit naman ako pupuntahan ni Terrence?

Tinanong ko kay Lola kung sino yung nag hahanap sa akin sa baba.

"Lola? Sino po yung nag hahanap sakin?" Tanong ko. Sana si Terrence, sana si terrence.

Ng nalaman ko kung sino, nabigla ako. Anong ginagawa niyo dito?

"Shawn Kyle Mendoza kilala mo ba?" Aniya.

Binuksan ko agad ang pinto at nakita kong nabigla si Lola sa lapit ng mukha namin sa isa't isa. Kaya umatras ako bigla, at tumakbo sa may hagdan at tiningnan kung si Shawn nga ang nag hahanap sa akin.

The Girl He Never Noticed [AWESOMELY COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon