Kabanata 25

577 22 1
                                    

Vacation 2

Tamara's POV

Ang init ng araw ay nararamdaman ko sa aking balat, malakas na humahampas ang alon sa harapan ko. Ang buhangin naman ay nadikit sa basa kong mga binti, ang ganda dito.

Nakaupo ako dito sa buhangin, habang pinag mamasdan ang ganda ng islang 'to.

"Hey..." Sabay tabi sa akin.

Nilingon ko ang nag salita at hindi nagulat sa nakita ko, papansinin ko ba? Sympre. Mahal ko e, hindi ko naman siya natitiis.

"It's okay, Terrence." Iling ko sabay ngiti.

Diretso lang akong nakatingin sa dagat, habang siya ay nasa tabi ko lang. Ramdam kong nakatingin siya sa akin, pinag mamasdan niya ako. Pero hindi ko alam kung ano ang iniisip niya ngayon.

Nagulat ako ng hinawakan niya ang baba ko at nilingon sa pwesto niya, pilit niyang hinahagip ang mga mata ko.

"Hey, im sorry." Sabay hawi sa takas na buhok ko.

Tiningnan ko na siya sa mata at saka siya nginitian, "It's okay, you're so cute!" Sabay pisil ko sa pisngi niya.

Im a good pretender, i can pretend as long as i can. Even it hurts, i can hide it.

"Hindi kana galit?" Ngisi niya.

Kinuha ko ang kamay niya habang nakatingin sa kanya ng diretso, "Hindi na, alam mo kahit nasasaktan mo ko ng hindi mo alam---"

Napataas ang kilay niya, "Nasasaktan kita? Im sorry..." Iling niya sabay yuko.

Napangiti naman ako sa inasal niya, para siyang batang nag sosorry sa mommy niya. Binitawan ko ang kamay niya at hinawakan ang magkabilang pisngi niya saka inangat sa akin.

"Okay nga lang, napag handaan ko na naman 'to. Sabi ni Mommy, kapag mag mamahal tayo, ihanda na natin ang sarili nating masaktan. Dahil normal na daw 'yon, pero kapag sumobra na. Itigil na, pero pag dating sayo? Kahit mapagod man ako? Hindi ako titigil, mahal kita e." Sabay ngiti ko sa kanya.

Napangisi naman siya at hinawakan ang dalawa kong kamay na nakahawak sa magkabila niyang pisngi. Wala akong naramdamang kuryente, bakit ganon?

"Im really sorry, sagutin mo na kasi ako." Kindat niya.

Agad kong tinaggal ang pagkakahawak sa pisngi niya at agad siyang hinampas sa braso niya.

"Nag papatawa kaba?" Tanong ko.

Agad siyang naging seryoso at tinitigan ako, "Im not kidding, im not good at joking."

Naging seryoso rin ako sa sinabi niya, nakaramdam agad ako ng kaba.

"Mag i-intay ka m-muna--"

"Kaya kong mag hintay kahit ganung katagal, hindi kita minamadali. First time kong manligaw, dahil lahat ng mga babae ay flings lang. Wala ng iba, sex lang talaga ang habol nila sa akin. Ikaw ang napili kong ligawan dahil, gusto kita. Kaya sorry kung minamadali kita, hindi lang talaga ako marunong." Sabay yuko niya.

Napangiti ako, "Mahihintay mo naman ako, 'di ba?" Tanong ko.

Agad niyang inangat ang tingin niya sa akin, "Of course, i can."

"Yun naman pala, eh." Ngisi ko.

"Pero kapag sinabihan mo ako ng 'I love you' tayo na." Kindat niya.

Napawi ang ngisi ko, dahil natawa ako.

"Are you serious?" Halakhak ko.

"Im serious, im not good at joking." Kindat niya.

The Girl He Never Noticed [AWESOMELY COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon