Kabanata 32

529 21 1
                                    

His arms

Nag aayos na ako ng buhok ko sa harapan ng salamin, hinayaan ko lang na laglag ito. Dahil may kulot naman sa tips ng buhok ko, bumalik narin pala ito sa pagka itim. Kaya  pag iisipan kong magpakulay ulit, kaso sa weekend na lang.

"Yan, okay na."

Ngumiti pa ako sa harapan ng salamin, kailangan ko ng self support.

Napabuntong hininga ako habang kinukuha ang bag ko, hinawi ko ang bangs ko."Kaya ko 'to, kakayanin ko..."

Binitbit ko na ang bag ko at nag martsa papunta sa pinto ng kwarto ko, tiningnan ko ang braso ko. Dahil nandoon ang watch ko, "6:00 pa lang pala."

Binuksan ko ang pinto at lumabas dito, agad ko rin namang isinara 'yon. Nag martsa narin ako pababa ng hagdanan, mag brebreakfast pa kasi ako.

Ng nakababa na ako ng hagdanan ay dumiretso na agad ako sa dining area, doon ko naabutan si Lola at si mommy. Parehas silang nag kakape, kaya amoy na amoy ko ang bango.

Nilanghap ko ang bango ng kape, "Ang bango talaga ng kape..."

Parehas nilang hinigop ang kape nila, at tumingin sa akin. "Sympre, kumain kana."

Tumango ako sa kanilang dalawa, agad akong umupo sa upuan. Saan paba ako uupo? Sa lamesa? Tss.

Napangiwi ako ng nakita ang plato ko, "Lola? Ikaw na naman ba ang nag lagay ng mga pagkain na 'to sa plato ko?"

Binaba ni Lola ang mug niyang may kape at tinaasan ako ng kilay,"Oo, bakit?"

Nginiwian ko siya, "Ang dami kasi ulit..." Napalunok ako, "Ginagawa niyo ba akong, baboy?"

Napahalakhak naman silang dalawa ni Mommy, "Anak naman, kapag hindi mo maubos edi wag mo. Saka baka malate ka pa, kaya kumain kana lang diyan."

Tinaas ko ang dalawa kong kamay,"Lola, kalma." Iling ko habang ngumingisi.

Umiling lang siya habang hinihigop ang kanyang kape, napangiti nalang ako.

Kumain lang ako ng kumain, pero hindi ko naubos. Ang dami kaya! Hay, napapansin ko lang na ginagawa nila akong biik.

Tumayo na ako sa pag kaka upo ko, at nag paalam na sa kanila. Hinalikan ko sila sa pisngi at nag paalam na, dumiretso na ako sa pinto palabas.

Lumabas narin ako hanggang sa makapasok na ako sa loob ng sasakyan, hindi ko pinapansin ang driver. Dahil, lalaki ito. Basta alam niya na kay Sam na bahay ang susunod na pupuntahan, tapos sa Xavier na.

Tumigil na kami sa tapat ng bahay nila Sam, sinabi ko rin sa Driver namin na sunduin si Sam sa loob. Dahil tinatamad akong lumabas, alam kong mag papaulan iyon ng mga tanong. Kaya hanggang wala pa siya, nag hahanda na ako.

Pumaosk na ulit sa loob ng sasakyan si Manong, sumunod rin si Sam. Katabi ko na si Sam ngayon, umaandar narin ang sasakyan papaunta sa Xavier.

Nakatuon lang ang atensyon ko sa bintana, kitang kita ko sa labas na maaliwalas ang panahon.

Kinulbit ako ni Sam, "Hoy."

Nilingon ko siya ng naka busangot ang mukha, "Ano?"

Nag kibit balikat siya, "Anong problema mo? Namatayan kaba? Ano?"

Napairap ako sa tanong niya, "Wala akong problema, bakit mo naman nasabi 'yan?"

Napahawak naman siya sa baba niyang matalim, "Alam ko na umiyak ka no! Tss, saka apat na araw kang hindi kumai--"

Tinaas ko ang dalawa kong kamay,"Just..." Pumikit ako ng mariin. "Forget about it, okay?"

Napabuntong hininga nalang siya, ako naman ay ibinalik ang atensyon sa bintana. Pinapanood ko lang ang mga punong nag sasayaw sa hangin, yung mga batang nag lalakad papasok sa eskwelahan. Napangiti ako ng mapakla, gagaiwn nila ang lahat. Makapag aral lang, hay.

The Girl He Never Noticed [AWESOMELY COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon