Kabanata 48

628 12 0
                                    

Sunset

Naka bikini ako sa loob, habang naka crop top at shorts. Pero ngayon ay tinatakpan ni Lael ang legs ko, naka busangot ang mukha ko habang nag lalakad papuntang dalampasigan.

Tinatakpan ni Lael ang legs ko gamit ang tuwalya niya, "Damn, your legs..."

"Baby. Ano bang gusto mo? Mag gown? Really?" Pagalit kong tanong.

Nag angat siya ng tingin sa akin, "Diba ayoko nga ng may ibang nakakakita ng balat mo?" Tumingin siya sa paligid, "See? May mga nakatingin na."

Sinamaan kos iya ng tingin, kaya lang naman may natingin ay dahil tinatakpan ni Lael ang legs ko! Para siyang tanga noon. At ako naman ay nahihiya dahil malapit ang mukha niya sa puson ko.

"Baby. Kaya sila nakatingin ay dahil sayo, mukha kang tanga diyan." Sabi ko.

Tiningnan niya ako, "Ano naman?"

Inirapan ko siya at nginusuan, "Para ka lang tanga."

Napa buntong hininga siya, "Ayos lang kahit mag mukhang tanga, wag lang may makakita ng legs mo."

"Ang kulit mo."

Hindi na siya kumibo, tinuloy ko lang ang paglalakad hanggang sa maramdaman ko an ang tubig sa aking paa.

"Baby. Pwede ka ng lumayo." Sabi ko.

Lumayo na siya doon, habang ginugulo ang buhok. Wala siyang suot na shirt, naka hubad lang. Tapos naka board shorts. Ang muscles niya ay nag fe-flex tuwing gumagalaw siya. Damn

"Turuan mo ako mag surf!"

Nag cross arms ako, "Hindi mo na kailangan mag paturo. Ramdam kong marunong ka."

Ngumuso siya na oara bang nag pipigil ng ngiti, "Fine."

Agad kong hinubad ang crop top ko, naka bikini nalang ako ngayon at shorts. Tatanggalin ko narin bali ang short ko ngunit hinawakan ni Lael ang kamay ko, pinipigilan na naman niya ako.

"Pinayagan na kitang tanggalin ang crop top mo. Kapag tinanggal mo pa yang shorts mo ay ipapasok kita sa Hotel sa kwarto mo."

Hinawi ko na ang kamay niya sa kamay ko, tinaas ko ang kamay ko sa kanya, "hindi na po."

"Good. Lumangoy kana, manonood ako."

Napaawang ang bibig ko,"Hindi ka mag lalangoy?"

Umiling lang siya at humalukipkip.

Ano kayang gagawin ko para lumangoy ito? Tatanggalin ko ang shorts ko?

Lumayo kayo ako sa pwesto niya dahil mahuhuli niya ako, ng nakapunta ako sa tamang pwesto ay agad kong hinubad ang shorts ko. Kita ko ang pag igting ng panga niya sa malayo, kumaway ako sa kanya at ibinato sa kanya ang shorts ko, nasambot niya naman iyon.

"DENISE! YOU'RE SO STUBBORN!" Sigaw niya.

"WHATEVER!" Sigaw ko oabalik.

Tumakbo siya papalapit sa akin, kumaripas ako ng takbo palayo sa kanya. Shit, ang bilis niya kita ko ang ngisi sa kanyang labi. Ako naman ay nakaramdam ng kaba, maabutan na niya ako. Ang ginawa ko ay tumakbo sa dagat, lumangoy ako papunta doon.

The Girl He Never Noticed [AWESOMELY COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon