Kabanata 21

629 22 0
                                    

Mahal mo pa ba?

---Lael---

Nakita ko ang nakangangang si Kyle sa harapan ko ngayon, tila ba na may nasabi akong nakakagulat noong tulog pa ako. Wala naman akong nasabi, 'di ba?

Tumunghay ako at tinaasan ng kilay si Kyle na nakanganga parin sa akin.

"Dude, what're you doing? You're creeping me out." Sabi ko.

Dahil sa sinabi ko, bumalik na siya sa reality. Parang tanga ba naman, kakaiyak lang rin nito. Bakit naman iiyak 'to?

Umupo si Kyle sa tabi ko at saka umorder ng dalawang Jack Daniel's. Tig-isa ata kami, hard beer ito. This is the hard beer im drinking a while ago.

"Sir, ito na po." Aniya ni Carbine at saka ibinigay sa amin ang Jack Daniel's.

Pag katanggap ni Kyle nito ay agad niya itong binuksan at nilagyan ang kanyang baso, ngunit pinag laruan niya muna ito. Nakatingin lang siya sa baso niya habang nilalaro niya ito, may problema ito. Ramdam ko.

"Dude, what's your problem?" Tanong ko sa kanya.

Nag angat siya ng tingin sa akin at saka ngumisi.

"May dapat ba akong malaman, Lael?" Kindat niya sa akin.

Napaisip ako sandali, ano naman ang sinasabi ng mokong na ito? Hindi ko siya maintindihan, lasing ata ito.

"H-huh? Wala naman." Iwas ko ng tingin.

Agad kong nainom ang Jack Daniel's na nasa baso ko na, naubos ko agad yung nasa baso. Bigla kasi akong nakaramdam ng kaba, sa gusto niyang malaman.

"Tss, wala talaga? Pero napapaginipan mo si Ta--" aniya Kyle.

Hindi ko na siya agad napatapos dahil nagulat ako, naibagsak ko pala yung baso na kakalagay ko lang ng alak. Nalaglag ito sa sahig, at saka nabasag. Napatingin ako agad sa mukha niyang may pag tataka. Paano niya naman nalaman ang tungkol doon?

"Paano ko nalaman? Simple lang, nag sleep talk ka kanina lang. Kaya ginising kita, para itanong sayo kung anong meron don." Aniya Kyle.

Shit! Nanaginip pala ako kanina, damn it! Nakakahiya. Pangalan pa ni Tamara ang nasabi ko.

Nag iwas ako ng tingin sa kanya at saka tumingin kay Carbine, humingi ulit ako ng bagong baso.

Nilagyan ko ulit ng alak yung baso, sabay inom.

"Dude, bakit hindi mo sinabi sa amin ni terrence?" Tanong niya sa akin.

Napatingin ako sa kanya. "Paano ko sasabihin? Hindi mo ba alam na nililigawan niya si Tamara? Mahal siya ng babaeng mahal ko. Anong laban ko sa kanya? Walang wala ako, kung itatanong mo pa kung bakit ayoko mag sabi kay tamara? Nag confess na ako, kaso Spanish ang ginamit ko. Oo torpe ako dude, wala kang magagawa. First time kong ma inlove, kaso palpak pa." Iling ko sabay inom ng alak.

Naramdaman ko sa lalamunan ko ang lakas ng tama ng Jack Daniel's sa lalamunan ko, kaya napangiwi ako.

Nakatitig lang ako sa baso kong pinag lalaruan ko ngayon, kinakabahan ako.

"Dude, siguro alam mo na namang bet lang 'yong ginagawang panliligaw ni terrence kay Denise diba? Pwede mo namang sabihin kay Denise na pinag lalaruan lang siya ni terrence. Bakit hindi mo magawa?" Aniya ni Kyle.

Napatingin ulit ako sa kanya at napangisi sabay iling.

"Ayokong sabihing bet lang ang ginagawa ni Terrence, ayokong masira ang image ni Terrence sa kanya. Ayoko ring masaktan si Tamara, saka kung sakaling balaan ko naman siya, maniniwala ba siya sa akin? Diba hindi naman? Saka magagawa rin namang mahalin ni Terrence si Tamara, dahil hindi naman siya mahirap mahalin. Ako nga napagawa niyang mahulog sa kanya, si Terrence pa kaya? Ako ang pinaka malala pag dating sa pakikipag laro sa kababaihan, pero nagawa niya akong magkaganito sa kanya." Sabi ko.

The Girl He Never Noticed [AWESOMELY COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon