Kabanata 33

512 20 9
                                    

Nakakakilabot

"Tamara, iuuwi muna kita sa bahay. Hindi kita hahayaan na uuwi ka na ganyan ang itsura mo..." Umiling siya at napapikit ng mariin, "Ayoko..."

Medyo bumuti na ang pakiramdam ko, nakakagalaw na ako. Medyo naiinitan narin ako, pero masakit parin ang katawan ko. Dahil sa mga bruises, at ang ulo ko ang sakit dahil sa pananabunot sa akin ni Abby.

Itinayo ako ni Lael, napabuntong hininga ako at saka inilahad sa kanya ang leather jacket niya. "Salamat diyan."

Napatingin siya sa katawan kong basang basa parin, pero hindi na naman malamig kaya hindi na nanginginig ang katawan ko.

Hindi ko pinansin ang tingin niya doon, dahil saglit lang naman.

Napaiwas siya ng tingin at saka napalunok, "Isuot mo, bilisan mo..."

Napataas ako ng kilay saka ngumuso, "Hoy, ayoko nga! Kunin mo na 'tong jacket mo!"

Bumigat ang hinga ni Lael, ramdam ko. Dahil sa pag hinga niya ng malalalim. Pumikit siya ng mariin ng hindi sumusulyap sa akin. "ISUOT MO! KITA KO ANG BRA MONG PINK!" Sigaw niya sa akin.

Nangatog ang binti ko, napatingin ako sa dibdib ko. At kitang kita nga! Napa ekis ang braso ko, nakakatangina!

Nabitawan ko ang jacket dahil sa pag kakabigla ko at ang pag ekis ng braso ko sa dibdib ko, nakakahiya! Naramdaman kong nag init ang mukha ko.

Nag squat si Lael para pulutin ang Jacket niya, agad niya itong inilahad sa akin ng nakatitig sa dibdib ko!

"PERVERT!"

Napaiwas naman ng tingin si Lael, na naka nguso. Nag pipigil ng ngisi, kaya nakanguso!

"Ito na, isuot mo. Mag mumukha kang tanga, naka ekis ka pa diyan. Kita parin naman..." Lahad niya ng jacket, "Isuot mo na, o ako pa mag susuot sayo?"

Napalunok ako at agad kinuha ang jacket sa kanya, agad kong rin tong isinuot sa sarili ko.

"O-okay na."

Napatingin na sa akin si Lael, na nakanguso parin. "Ang ganda ng bra---"

Sinapak ko ang dibdib niya, manyak!

"Hayop ka! Tss." Suntok ko sa dibdib niya.

"Ow!" Haplos niya sa dibdib niya.

Napairap ako sa pagka manyak ng isang 'to, tiningnan ko ang relo ko. Nalaglag ang panga ko, 8:30 na! Absent ako sa isang subject! Hindi 'to pwede!

Nag martsa na ako palayo sa kanya kaso hinablot na naman niya ang braso ko, kaya napatingin ulit ako sa kanya na naka kunot ang noo ko.

"Saam ka pupunta? Ihahatid nga k--"

Hinawi ko ang kamay niyang nakahawak sa braso ko, "Papasok pa ak---"

Huminga siya ng malalim, "Mag kakasakit ka pa kapag nag patuloy ka..."

Nag aalala kaba Lael? Ano na naman ba ito? Pustahan na naman ba? Kasi ako? Pagod na pagod na ako kakatiwala sa maling tao. Sana hindi siya ganon, sana hindi siya katulad ni terrence. Pero mag kakaibigan silang tatlo, kaya may posibilidad na mag kakasabwat sila. Pati rin yung tatlong babaeng nanakit sa akin.

Tinaasan ko siya ng kilay at nag kibit balikat, "Ano naman sayo, yon?"

Ginulo niya ang kanyang buhok, na halatang frustrated.

"K-kaibigan mo ko, kaya natural na mag aalala ako." Aniya at nag iwas ng tingin.

"Tss, sige na papasok parin ako. Bahala kana diyan." Tinalikuran ko na siya.

Lumabas na ako doon sa locker room, at doon ko nalaman na recess pala. Kaya pag labas ko palang ay madaming nakatingin sa akin, niyakap ko angjacket na suot ko.

May mga sumisipol pang mga hinayupak, inirapan ko sila. May mga babae naman na nakatingin lang at nakataas ang kilay, may iba naman na naaawa sa akin. Napailing ako sa mga reaksyon nila, nag simula lang ako sa pag lalakad hanggang sa ...

Binuhat ako ni Lael na parang bridal style, sinuntok ko ang dibdib niya. Pero alam kong wala lang iyon sa kanya, dahil malaki ang katawan niya.

Nag pumiglas ako ng nag pumiglas, pero hindi ako makawala!

"Lael! Ano ba? Nakakahiya! Ibaba mo ko!" Piglas ko.

Napabuntong hininga siya, inangat ko ang tingin ko sa kanya. Kita ko sa mata niya na napapagod siya, pinag papawisan siya. At ang init ng katawan niya, anong nanagyayari sa kanya?

"Tamara, wag kang malikot!"

Napalunok ako, at tinuloy parin ang pag piglas. Gusto ko ng bumaba! Ang dami ng nakatingin sa amin! Nakakahiya na.

"Bitawan mo ko! Lael!" Piglas ko.

Nararamdaman ko ang malalalim na paghinga niya, kaya napatingin ulit ako sa kanya. "Tamara, nahihirapan ako..." Pumikit siya ng mariin, "Kaya wag kang malikot!"

Tinampal ko ang mukha niya, nag pumiglas parin ako. Kahit ang mga paa ko ay tinadyak tadyak ko.

"I said stop wriggling!" Sigaw niya sa akin.

Tiningnan ko ang paligid, halos mabali na ang leeg ng mga estudyante kakatingin sa amin. Lalo na ganto ang posisyon namin, nakakahiya na talaga! Lalo na yung pag tili ko, dahil natatakot ako na mahulog.

Humigpit pa lalo ang hawak niya sa tagiliran ko at sa likod ng mga tuhod. Natigilan ako sa pag galaw. Tiningnan ko ang mukha niya, pumungay ang mata niya na kanina ay galit na galit. I suddenly noticed how tired he is... Wait, tired of what?

"Don't move, im feeling something else. Kaya pag hindi ka tumigil, lalo akong mahihirapan." Napapaos niyang sabi.

Napalunok ako sa narinig, "What is it?"

Kumalabog agad ang puso ko, may ideya ako pero hindi ako sure. Kapag naiisip ko ay kinikilabutan ako, lalo.

Nag lalakd parin siya hanggang sa makita naming dalawa ang Gate ng Xavier, malapit palang kami doon. Pero nagulat ako ng yumuko siya at inamoy ang buhok ko.

Nanlaki ang mata ko at sinuntok siya sa dibdib, "What the fuck are you doing, Lael!?" Nag pumiglas lalo ako. "Put me down!"

"Tamara.... stop moving...don't worry... It's for your own good..." Mala husky ang boses niya, kaya kinilabutan ako papunta sa likod hanggang sa batok.

Kahit may ideya parin ako, ay hindi ko iniisip 'yon. Ayokong mag assume, saka alam kong imposible ang naiisip ko.

"B-bakit ba k-kasi?"

Inamoy niya parin ang buhok ko, "Shh..." Bumaba ang mukha niya sa tainga ko at bumulong, "Let me calm down, please..."

Nanghina ang tuhod ko sa ginawa niya, saka kinilabutan pa lalo! Ano ba 'tong ginagawa niya sa akin? Napakagat rin ako ng labi, dahil alam ko na talaga ang nangyayari sa kanya ngayon. Uminit ang pisngi ko, kaya tumigil ako sa pag galaw. Pero bakit ganon? Bakit parang mas lalo ko pang gustong ilapit ang sarili ko sa kanya?

Pag katapos ng ilang minuto ay nasa Gate na kami ng Xavier. Kung pwede lang talagang mabali ang leeg, ay madami ng patay ngayon. Jusko, mga chismoso at chismosa.

Huminga ng malalim si Lael, at tumingin sa akin gamit ang mga mapupungay at pagod na mga mata. Napalunok at napa iwas ng tingin.

"Put me down..."

"Ayoko, mas gusto ko ng ganito..." Aniya ng may malambing na boses.

Doon lang bumilis ang tibok ng puso ko, no... Hindi pwedeng mahulog ang loob ko sa kanya, hindi pwede.

The Girl He Never Noticed [AWESOMELY COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon