Kabanata 28

570 23 2
                                    

Estupida, Tamara

Isang linggo na ang nakalipas matapos 'yon, ang tagal na pala talagang nanliligaw ni Terrence sa akin. Pero habang tumatagal, nakakaramdam ako ng pag dududa. Kasi parang naguiguilty siya sa ginagawa niya, minsan nga gusto niya akong kausapin ng masinsinan. Kaso, hindi na tutuloy.

Nilibot ko ang paningin ko sa wall clock ko, 4:58 PM na pala ng hapon.

Nag vibrate ang cellphone ko, agad ko itong kinuha at tiningnan kung sino ang nag text.

Napaupo ako agad sa kama ko, si terrence ang nag text! Omg!

Terrence

Are you free tonight?

Date kaya ito? Shit, kinikilig agad ako habang iniisip ko.

Agad akong nag type.

Ako

Of course! :D

Nag intay pa ako ng sampung minuto bago siya nakapag reply, yes. Matagal siya mag reply, minsan lang rin siya mag text

Terrence

Okay, i'll fetch you at 7:30. Is that okay with you?

Huminga muna ako ng malalim at saka nag type.

Ako

Alright. Yes, of course it's fine! See you at 7:30! :D

Ni-off ko na ang phone ko, alam kong hindi na siya mag rereply. Natuto na ako, sa tagal ba naman niyang nanligaw sa akin? Sino pa ang hindi masasanay doon?

Napahiga na lamang ulit ako sa kama ko, nakakapagod. Saka pasukan na bukas, hay. Feeling ko kasi ang pangit ko kapag tanned ang kulay ng kutis ko. Nag babad ako sa dagat e, sympre naging morena. Yung sobrang puti kong kutis na mala snow white, naging mala kulay kahoy ang kulay. Hindi naman literal na kahoy na kulay, basta morena na ako.

Makapag pagupit narin kaya? Er, ayoko. Mag mumukha akong Dora.

Nag pagulong gulong ako sa kama ko, wala akong magawang kahit na ano. Nabobore ako, gusto ko ng mag hapon, para makaalis na kami ni Terrence bebe.

Umupo na lamng ako sa kama ko, at ginulo ang mahaba kong buhok.

"Wala akong magawa! Hmp!"

Tumayo ako at pumasok sa walk in closet ko, makapag dress up nalang. Wait no, nakakatamad rin pala.

Kung matawagan kaya si Sam? Para samahan ako mag mall?

Agad akong lumabas sa walk in closet ko at lumapit sa kama ko, kinuha ko agad ang cellphone ko at agad nidial ang number ni Sam.

Nilagay ko sa tainga ko ang cellphone, hindi parin niya sinasagot.

Limang minuto siguro bago niya nasagot. Tss

"Hello?"

Napairap ako, dahil halatang kakagising niya palang.

"Sam, sama ka?"

Humikab muna siya, "Saan?"

"Mall? Tara?" Yaya ko.

"Anong gagawin doon?"

Napairap ako sa ka slow ni Sam.

"Mag shashopping."

Napabuntong hininga siya sa kabilang linya.

"Okay, basta libre mo ha? Sige, mag aayos na ako."

"Sig--"

"Eng"

The Girl He Never Noticed [AWESOMELY COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon