Kabanata 35

492 23 0
                                    

Owned

"Mukhang hindi na yata ako makakapunta pa sa inyo, Lael. I need to pack my things, I'm sorry." Sabi ko.

Lumingon siya sa akin habang nag mamaneho, kita parin sa mukha niya na nahihirapan siya. Bakit ganyan ka, Lael? Bakit ka ganito sa akin? Motibo na naman ba? Pustahan na naman?

Umaawang ang bibig niya at agad niyang ginulo ang buhok niya, "Sa tingin mo, okay lang sa akin na aalis ka for a two fucking years? Are you kidding me?" Sabi niya at mahigpit na hinawakan ang manibela. "Tapos kung makapag salita ka, parang wala lang kaming lahat sayo. Parang napakadali lang sayo ng gagawin mo." Habang nipark ito sa kung saan, siguro kaya niya ito ginawa ay para makapag usap kami.

Napalunok ako, at nag iwas ng tingin. Bakit siya ganito? Hindi siya ganyan umasta 'noon', ano bang problema niya? Tss.

"Lael, my decision is final. Wala ka ng magagawa p--"

Agad niyang hinampas ang manibela, kaya agad akong napatingin sa direksyon niya. Kitang kita ko ang malalalim niyang paghinga. At ang panginginig ng kamay niya na nakapatong sa manibela. Doon palang ay alam mo ng galit siya, pansin ko rin ang pamumula ng leeg niya. Gusto ko makita ang mukha niya! Dahil alam kong mas gwapo siya kapag galit.

"L-lael?"

Napatingin siya sa akin, OH MY GOD! He's so gorgeous! Sabi na ba mas gwapo siya ngayon! Pero hindi ako pwedeng mag kagusto sa kanya kahit Infatuation lang. Tss, pagod na ako at sawa na.

"Wala na akong magagawa!? Paano kung hindi kita hayaang makapuntang Airport!? Ano?!"

"L-lael, ano bang nangyayari sayo? This is for me and for my dreams!" Sabi ko kahit hindi naman totoo na para sa dreams ko ang gagawin ko.

"Do you think I'm stupid?" Hinampas niya ulit yung manibela, "I know this is all about Terrence! Bullshit! Tamara, i know you can move on while staying in here... With me... Hindi mo na kailangan pang umalis!"

Napahawak agad ako sa bibig ko, dahil nagulat ako sa narinig ko. Paano niya nalaman ang about doon? Napaka talino niya talaga! Kahit mas matalino sa kanya si terrence.

"Hindi yan yung dahilan! Bakit ba ganyan ang iniisip mo!? Tungkol na ito sa mga pangarap ko, Lael! I need to study! At sa Maldives ang gusto ko, gusto ko ng bumalik doon sa Maldives." Umiling ako, "Ayoko na dito, hindi mo ba napapansin? Nasasaktan na ako sa posisyon ko."

Pumungay ang mga mata niya at natahimik, parehas kaming natahimik. Pinalibutan na naman kami ng katahimikan, ayoko nga ng tahimik! Pero ayoko na muna mag salita, hahayaan ko muna siya ang mag salita.

Nakatingin lang ako sa unahan, hindi parin naandar ang sasakyan. Naka park parin kami kung saan.

"Tamara..." Tawag niya.

Hindi ko siya nililingon, nag kibit balikat ako. Habang humuhugot ng hininga, nahihirapan akong huminga dito. Lalo na kasama ko dito si Lael, ang awkward.

"Tamara... Look at me..."

Hindi ko parin siya kinikibo, bakit ko siya kikibuin? Baka dahil sa kanya hindi pa ako pumunta sa Airport.

Nagulat ako ng iniharap na naman niya ako gamit ang index finger niya, napalunok ako ng nakita siyang nahihirapan rin.

"Look at me..."

Tiningnan ko siya, dahil inutos niya. Hindi ko alam kung bakit sinusunod ko na parang aso ang inuutos niya.

Pumikit siya ng mariin at huminga ng malalim, "I'm sorry, hindi ko lang kasi talaga tanggap na mawawala ka ng dalawang taon!"

The Girl He Never Noticed [AWESOMELY COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon