Tamara's POVIsang oras akong nakatitig sa balcony ko, dahil sa ganda ng umaga.
Kinusot kusot ko muna yung mata ko, nag inat at saka umupo sa kama. Sam, namimiss na talaga kita. Yung mga bonding natin, mga katangahan at kalokohan natin. Bumangon narin ako, pupunta na ako sa banyo at mag mamouthwash saka hilamos.
Pag katapos kong gawin yung mga bagay na yon, bumaba muna ako. Saka 6:15 na, eh 7:00 ang start ng classes namin. Kaya kailangan ko pang mag madali, pero pag punta ko sa dining area, wala si Lola? Si Mommy, tulog yon panigurado. Saka ang tahimik dito sa dining area, nasan si Lola?
"Lola? Lola? Where na you? here na me! Joke. Lola? Nasan ka?" Hanap ko sa kanya,
well, baka nasa kitchen tinutulungan yung cook namin. Kailngan ko na talagang mag madali, kasi malelate na ako! Friday pa naman.Nakita ko na si Lola na may dalang pagkain, yun yung niluto ng cook namin.
"Anak, pasensya kana kung napatagal. Kumain kana, saka bilisan mo para hindi ka malate." Aniya, at saka ibinaba yung breakfast ko.
"Okay lang po yon, hindi po ba kayo kakain? Sabayan niyo ho ako." Tanong ko sa kaniya, pero naka kain na daw siya. Kaya binilisan ko nalang ang kain, para makaligo na ako. Oo, lagi akong late magising kasi sa liwanag lang ng araw ako nagigising! Haha.
Pagkatapos kong kumain, nag paalam na ako kay Lola na maliligo na ako. Pagkatapos kong mag paalam sa kaniya, tumakbo na ako pataas ng kwarto ko para maligo dun sa banyo, sympre sa banyo! Puwede ba namang sa salas? HAHAHAH.
Pag katapos kong maligo at mag bihis, tumakbo narin ako palabas papunta sa driver. Its 6:50 AM, patay buti medyo malapit lang yung Xavier University.
Pumasok na ako sa loob ng sasakyan, nag simula ng umandar ang sasakyang sinasakyan ko. Medyo pinabilis ko, kasi malelate na talaga ako! Wala pang 5 minutes, nakarating na agad kami sa Xavier.
Madami akong nakasabay na studyante, lonely ako ngayon. Wala si Sam e, namimiss ko na siya. Bibisitahin ko siya mamaya, saka ano kayang problema sa kaniya ni shawn? Ugh! Nevermind.
Nag lakad lang ako ng naglakad hanggang sa makapasok ako sa first class ko, kaklase ko nga pala don si Terrence with the two monkeys!
Nakita ko agad si Terrence, Shawn at yung isa. Hindi ko pa kilala yung isa e, napaka tahimik non! Hindi manlang nag babawas ng laway. Natatakot ata! Hahaha. Mag katabi si Terrence at si Shawn tapos katabi naman nung isa ay wala. Ang hot nila swear! Si terrence ang talim ng titig sakin habang naka ngisi, seryoso anong meron? Tapos si Shawn naman, ngiting ngiting nakatingin sakin. Anong meron sa'yo Shawn? Kahapon ka pa ha! Tapos yung isa naman, tahimik lang na nakatingin sa phone niya. Siya yung walang pakielam, tapos yung dalawa nakatitig sa akin. Teka, may mali ba sa suot ko? Naka dress lang naman ako ah. Nevermind.
Teka, dapat si Terrence yung katabi ko. Pero wala na yung upuan ko, alam niyo kung nasaan yung upuan ko? Yun yung inuupuan niya ngayon!
"Terrence? Pwede bang pa adjust? Upuan ko kasi yang inuupuan mo!" Sigaw ko sa kaniya, umiling lang siya pero nakatingin parin siya sa inalisan ko kaina. Napatingin ako kung sino ba yung tinitiningnan niya, napa nganga ako sa nakita ko. Isang magandang babae, maputi, mahaba ang buhok nito at kulot sa ilalim, magaganda ang mata at maganda ang kilay, siya pala yung tinitingnan nila Shawn, hindi pala ako.
Tumingin na sa akin si terrence, pero wala na yung ngisi sa mukha niya.
"Kailangang ako pa mag aadjust? Gustung gusto mo talaga akong katabi no? Dun ka sa tabi ni Lael!" Sigaw sa akin, familiar yung boses niya. Parang.. Wala wala, nevermind.
BINABASA MO ANG
The Girl He Never Noticed [AWESOMELY COMPLETED]
General FictionAlam mo na namang masasaktan ka sa huli ay sumugal ka parin. Alam mo ng niloloko kana nag bubulagbulagan ka parin. Alam mo ng mali ginagawa mo paring tama. Talagang masarap kapag bawal. Pero paano kapag nasaktan kana? Susugal ka parin ba? Masaya par...