Kabanata 15

655 23 0
                                    

Ligawan stage

Tamara's POV.

Naka upo parin ako ngayon dito sa garden, hindi ako makapaniwala! hindi ba ako nanaginip?!

Kinurot ko yung braso ko.

"Aray!" sigaw ko, ang sakit pala. Pero ibig sabihin lang non ay TOTOO!!! hindi ako nananaginip!!

Nagulat ako ng palapit sa akin si Sam ng may mga ngiti sa kaniyang labi.

"Hoy! bakit ka nakangiti?"

Umupo na siya sa tabi ko at saka ako tiningnan. Naka ngiti parin siya.

"Wala lang, bakit masama bang maging masaya para sa kaibigan ko?" Aniya at kindat niya sa akin.

"Tigilan mo nga ako." Sabi ko at napangiti ng wala sa oras.

"Talaga lang, huh? ngingiti ngiti ka nga e." Sabay sundot niya sa tagiliran ko.

Pinanliitan ko siya ng mata.

"Tumigil ka nga, hindi kaya ako nakangiti." At inirapan ko siya.

"Tsk, tanggi pa. Namumula nga mukha mo kanina e, hindi naman namula ang tainga mo. Kaya kinikilig ka nga talaga. HAHAHAHA." Sundot niya ulit sa tagiliran ko.

Nilingon ko siya ng may ngiti sa labi.

Oo totoo, kapag kasi namumula ang tainga ko. Nahihiya ako or kakahiyan ang naramdaman ko kapag ganon, tapos kapag mukha naman ang namula sa akin. Iba ng usapan 'yon, kinikilig na nga ako non.

Tinuro ako ni Sam.

"Ayun oh! nakangiti na naman!" Turo niya sa akin.

Inirapan ko nalang siya at saka tumayo.

"Hoy! hindi pa tayo tapos mag usap!" Sigaw niya sa akin.

Nilingon ko siya ng naka ngiti.

"Pwede naman sa loob ng bahay diba? nilalamok na ako e. HAHAHAHA, bahala ka diyan." Tawa ko at saka tuluyang pumasok sa loob ng bahay.

Naabutan ko si Mommy at si lola na nakangiti. Wait, don't tell me alam nila?!

Lalapitan ko bali sila ng may nakita akong bisita.

"A-anong ginagawa mo dito, Terrence?" tanong ko sa kaniya, oo si Terrence nga ay nandito na ulit.

Pero hindi lang siya ang nandito sa loob ng bahay, may dala siyang roses at chocolates.

MANLILIGAW NGA!!

Tumayo siya at saka nag salita.

"Nandito ako para ligawan ang babaeng matagal ko ng p-pinapangarap." Aniya at nag iwas ng tingin sa akin.

Nahihiya ba siya?

Napalunok ako sa kaba, at saka napatingin sa Mommy at lola ko ngayong naka taas ang kilay sa akin at naka ngiti.

Kinausap ni Mommy si Terrence.

"Oh hijo, nabihag ka pala ng panget kong anak. Charot! bakit mo naman naisipang ligawan ang anak ko? paano ko malalaman na totoo ang nararamdaman mo para kay Tam? sige nga." Aniya at nag taas ng kilay.

Kinakabahan ako para kay Terrence, inalis ko naman ang tingin ko kay Lola at kay Mom.

Inilipat ko naman ang tingin ko kay Terrence na ngayon ay napalunok narin.

Ngumiti siya at saka nag salita.

Sa akin siya nakatingin, sa akin lang.

"Gagawin ko po ang lahat lahat, kahit mahirapan ako. Ipaglalaban ko si Tamara hanggang sa humihinga pa ako, hinding hindi ko papabayaang mawala ang katulad ni Tamara. Mahal na mahal ko po si T-tamara kaya hinding hindi ako susuko, hihintayin ko ang kaniyang ma-matamis na o-oo." Aniya kay Mommy at saka ngumiti ng malapad.

The Girl He Never Noticed [AWESOMELY COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon