Special Chapter

1.1K 26 4
                                    

Dahil walang book 2 ito, lalagyan ko nalang ng Special Chapter. :)

___________________________________

Special Chapter

Seven years later...

"Baby, CR lang ako. Saglit lang to, promise."

Tumango ako sa kanya, so pag iintayin niya ako? Sabagay, kasama ko naman si Samaya.

Hinalikan ako ng mabilisan ni Lael sa aking noo, "I love you, baby." Kumindat siya sa akin.

"Umalis kana, go!"

Tumawa siya, pero bakit ganito? Biglang bumilis ang pag tibok ng puso ko kahit yung simple niya lang na pag tawa. Damn it, napaka lakas ng epekto niya sa akin.

Mag lalakad na sana siya, ngunit nagulat ako ng may iniabot siya sa 'king red na box. Maliit lang iyon, parang box na ng singsing!

"L-lael?"

Tiningnan niya ako, kinunutan niya lang ako ng kilay at biglang lumuhod! What the hell!? Ito na ba ang hinihintay ko? Mag po-propose na ba siya? Pero ang pangit naman, sa Mall niya gagawin? Pero wala na akong pakielam!

Napahawak ako sa aking bibig habang tinitingnan siya na nakaluhod sa aking harapan, halos malaglag ko ang red na box sa kamay ko dahil sa pangingnig. Pero ang pinag tataka ko ay bakit siya naka yuko?

"YES! YES, LAEL! YOU CAN MARRY ME---"

Agad siyang nag angat ng tingin sa akin, pumula ang mukha niya at nakanguso siya na para bang nag pipigil ng tawa. Anong nakakatawa?

"Bakit ka nag pipigil ng tawa? Diba nag po-propose ka?"

Agad siyang humagalpak ng tawa, ako naman ay nag init sa galit! Pinag titripan na naman ba niya ako?

Tumayo siya at pinakita sa akin ang sapatos niya, "Babe, nag sintas ako ng sapatos--- OW! Tama na babe! A-aray!" Pinag hahampas ko siya, pati yung box ma red ay ibinato ko sa kanya

Napahawak siya sa kanyang ulo habang nag pipigil ng ngisi, ako naman ay tinalikuran na siya. Sumama na ako kay Sam, god. Pati ba naman si Sam nakikitawa?

Mabibigat ang bawat hakbang ko palayo sa pwesto ni Lael, habang siya'y sigaw ng sigaw ng pangalan ko. Ngunit, hindi ko siya pinapansin. Bahala siya sa buhay niya, pinaasa banaman ako?

Nakakainis rin kase siya, lagi nalang niya akong inaasar---

"ARAY!!" Sigaw ko, ng halos mahalikan ko ang sahig ng Mall

Nakatapak kasi ako ng mabasa basa sa floor, kaya agad akong lumagapak sa sahig. Si Sam ay napahawak sa kanyang bibig, hindi ko alam kung naawa ba siya sakin o natatawa! Napaka malas ko naman ngayon!

Agad akong tumayo sa pagkaka lagapak ko, lumingon ako sa pwesto kung saan ko iniwan si Lael. Pero wala na siya doon, mabuti nalang! Kundi tatawanan rin ako non, kainis

Tinawanan ako ni Samaya nung lumagapak ako sa Hallway ng Mall. Grabe, Seven years narin pala ang nakalipas, ang tagal na namin ni Lasl. Pero ang ikinalulungkot ko ay bakit hindi parin nag po-propose si Lael? Kailan kaya magkakaroon ng totoong proposal?

Tinapik ni Samaya ang balikat ko habang humahagalpak ng tawa,

"Tam, ayos kana ba? Wag kasing araw-araw ang pagiging tanga!"

Inirapan ko na lamang siya at tsaka ngumuso. Bakit ba wala parin si Lael ngayon? Naiirita na akong kasama tong si Samaya! Pano ba naman kasi, hindi manlang maka move on sa pagkalagapak ko.

"Masaya kana niyan?"

Humagalpak siya ng tawa habang napapahawak sa kanyang tiyan, fine ako na nga ang tanga.

The Girl He Never Noticed [AWESOMELY COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon