Kabanata 3

1.4K 36 29
                                    


Mysterious guy

Tamara's POV

Pauwi na sana ako ng bahay namin ng nakita ko doon sa si Samaya na naka upo sa sofa. Ano kayang meron at narito siya? Wala naman akong nasabi sa kaniya na may bonding kami ah. Like, movie marathon, sleep over or whatever. May problema kaya siya?

Tatanungin ko na sana siya, pero naunahan niya ako.

"Tammy, nasan si Tita?" Tanong niya sa akin, bakit niya kailangang hanapin si Mommy? May problema nga ata si Samaya, kung pera lang naman ang kailangan niya ulit. Bibigyan ko nalang, pero bakit kailangang kay Mommy pa?

"Kakarating ko lang diba? Sympre hindi ko alam! HAHAHAHA. Utak naman Sam!" Sagot ko sa kaniya, sarcasm ang sagot ko sa kaniya! HAHAHAH. Pero imbis na tumawa siya katulad ng dati, lumungkot lalo siya. Ano ba kasi talaga ang problema?

"Sam? Bakit hindi kana tumatawa sa sarcasm ko? Ano bang problema? Bakit ka nga pala napapunta dito sa bahay namin? Ano bang problema? Just tell me!" Tanong ko sa kaniya, lalo akong kinabahan ng umiyak siya.

Niyugyog ko na siya sa kaniyang balikat at tinanong ko ulit.

"Sam? What's the problem ba kasi? Im getting nervous na e. Please, wag ka ng umiyak. Nasasaktan ako e, ano bang problema?" Tanong ko ulit sa kaniya. Humihikbi parin siya hanggang ngayon. Sam, ano bang problema? Nasasaktan na ako kapag nakikita kitang umiiyak, lalo na kapag hikbi na.

Nagulat ako ng sumagot na siya, habang humihikbi. Medyo pautal utal pa siya.

"T-tammy, m-may s-sabihin a-ako s-a'y-yo." Aniya.

Kinakabahan ako Sam, feeling ko may problema ka. Kinakabahan ako. Nasasaktan na ako.

"Sam? Ano bang problema? May ikwekwento pa ako sa'yo, yung leader ng tatlong pogi! Nakakainis! Sobra!" Tanong ko sa kaniya. Medyo, pinagaan ko muna ang pakiramdam naming dalawa, kahit alam kong walang epekto yon. Sa ibang salita, iniba ko ng konti ang usapan.

Mas lalo na ulit akong nabahala ng humihikbi parin siya.

Tatanungin ko na sana siya, pero nagulat ako ng bigla siyang nahimatay. Nataranta na agad ako, Sam ano bang nang yayari sa'yo? Nahimatay kana naman. Sa sobrang pag panic ko, tinawag ko na si Lola. Yung lolang tinutukoy ko ay isa sa mga maid na nag palaki sakin. Simula pag ka bata, siya na ang nag palaki sakin. Kasi si Mom, minsan ko nalang makasama. Busy siya sa business namin.

"L-lola! T-tulong! si S-samaya p-po n-nahimatay!!!" Sigaw ko sa bahay namin.

Kung tatanungin niyo kung ano ang pwesto ni Sam sakin, yung ulo niya ay nakapatong sa hita ko. Hinihimas himas ko parin ang buhok niya, nag aalala na ako sa'yo Sam. Gumising kana, alam kong natutulog ka lang. Alam kong pagod lang kung bakit ka nahimatay, wala ng kung anu ano pa. Inaantok ka lang, oo yun nga yon wala ng iba!

Biglang dumating si Lola, hinihingal siya. Tinakbo niya siguro ang kusina papunta sa salas namin. Medyo malaki kasi itong bahay namin, kaya nakakapagod lalo na kapag tinakbo mo.

"Ano bang nangyari Tammy? Anong nangyari kay Samaya? Tara na dalhin natin siya sa ospital tatawagin ko na yung driver. Tara na Tamara!" Aniya.

Medyo natakot ako, kasi ngayon lang ako nasigawan ni Lola. Nakakatakot!

"S-sige p-po Lola"sagot ko sa kaniya. Ng itatayo ko na si Sam, tinulungan na ako ni Lola. Napansin niya atang nahirapan ako, Sam alam kong pagod ka lang kaya ka nahimatay ulit. Pang ilang beses mo na 'to.

The Girl He Never Noticed [AWESOMELY COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon