2

446 24 19
                                    

Korrine's POV

Nagpasama sakin si Darlene sa isang coffee shop para kitain si Kevin. Manliligaw niya.

Gosh, kapag nalaman talaga ni James na may pumuporma na naman sa girlfriend niya panigurado hindi lang 100 push up at 4 laps na paglangoy sa pool ang ipapagawa niya. Well, advantage naman talaga maging president ng class namin. Kontrolado niya lahat ng section.

"Hi Darlene," he was about to hug her ng bigla kong iharang ang kamao ko. "Woah, here's the amazona again."

"Move." Sambit ko.

Itinaas niya ang kamay niya tsaka umiling, "Chill. Wala naman akong balak gawin na masama so stop acting like a bodyguard."

"What?!"

Tumawa ng mahina si Darlene kaya sinamaan ko siya ng tingin. Traitor.

"What did you just say? I am what?"

I put my bag down while walking towards him. Bibigyan ko lang to ng kotong de kalimot. Bodyguard pala eh.

"Stop it. Para kayong mga bata," humila siya ng upuan at tsaka umupo. "Kevin let's talk bago pa ako hanapin ni myloves at makita ka."

Kinuha ko ulit yung bag ko at isinukbit sa balikat ko. Wala naman akong plano makinig sa pambubusted ni Darlene.

"I'll wait outside, I don't want to see Kevin crying." Tapos inirapan ko siya.

May malapit na national bookstore dito kaya doon nalang ako magpapalipas ng oras habang hinihintay si Darlene. Titingnan ko din kung published na ba dun yung magazine ni Ayenna.

Ayenna was a famous designer. I really like her styles. Since last year, naging fan na talaga ako ng mga gawa niya. I just hope na makita ko siya soon.

"Legit?!"

"Yes! Ayenna will have a fan meeting here! I heard kasama niya ang fiancé niya! Omo omo, who's the lucky guy kaya?"

Napangiti agad ako sa narinig ko. Kung totoo man na pupunta si Ayenna dito then mygosh! I am so happy! Sana legit.

Tiniklop ko agad yung hawak kong libro at nag-browse sa internet kung totoo ba at kung kailan ang fan meeting ni Ayenna. I want to see her badly.

"Woah, it is really real. Next week?"

I was about to look for her magazine when Darlene came.

"Sabi na eh, andito ka na naman. Tara na, hinihintay na ako ni myloves." Aniya habang nakatingin sa phone niya.

"You go first, dito na muna ako."

"Huh?" Tinaas ko yung hawak kong magazine tsaka ngumiti. "Ah, okay okay. Just to remind you, pupunta ka pa kina Earl. Magtatampo na naman sayo yun pag di ka sumipot,"

"Whatever. Ibabagsak niya padin naman yung exam kaya useless lang din."

Naiinis lang ako sa tuwing naiisip ko si Earl. Such a pain in the ass. Kung alam ko lang na tatagal ng ganito sana hindi nalang ako pumayag. Argh!

"Yieeee," sabay sundot niya sa tagiliran ko. "Ayaw ka kasi niyang mawala."

"Stop it."

"Why? What's wrong with Earl ba at hindi mo man lang siya mapansin pansin? Gwapo naman, mabait, sweet hindi nga lang matalino."

"Pwede ba? Hindi niya naman ako gusto. Malakas lang talaga siya mantrip, wag ka nga magpapaniwala dun." Ani ko habang patuloy sa paghahanap ng magazine ni Ayenna.

"Nah. You're still waiting for Brake kaya ganun. Hindi mo na nabibigyan ng pansin yung ibang tao kakahintay sa taong di na naman dadating." Napahigpit ang hawak ko sa mga magazine dala ng sinabi niya.

Maling Pag-ibig [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon