33

234 12 8
                                    

Jessie's POV

Andito ako ngayon sa bahay ni Korrine pero wala siya dito. Ang wrong timing naman.

"Myloves kasi, ang harot!" Napalingon ako kung saan nanggagaling ang boses. "Sawayin mo nga 'tong kuya mo George!"

"May kasalanan yan kaya ganyan." Sagot naman nung lalaki. I assume siya si George. He's cute.

"Teknik mo lang yan pinapasa mo pa sa akin. Sinasabi ko sayo Tres, madaming babae 'yang itlog na yan."

"Wag ka lang papahuli sakin, loves. Ihahampas ko sa mga mukha nila lahat ng skateboard mo." Napangiti ako sa usapan nila. Ang cute.

"Don't forget to call me. I'll fetch you." Naagaw naman ang atensyon ko sa kakarating lang na kotse. May maganda at maputing babae ang bumaba.

"Yes kuya. Don't forget to eat okay? Be careful when you're driving! See you later." Ngumiti ito at nag-wave sa kuya niya.

Umalis din agad ang kotse. Napatingin sa akin ang babae at ngumiti.

"Hey, I know you! Hello!" Pagbati niya sa akin. "I'm Erica. I think I saw you sa welcome party ko."

"Oh! Ikaw pala yun? Sorry, medyo hindi kasi maganda nangyari sakin that night. Hehe."

"It's okay po. Anyway, why are you here? Ah! Si Ate Korrine ba?"

She's very cheerful.

"Yes. Sadly, she's not here." Sabi ko.

"Ah, baka may pinuntahan lang. Bakit hindi ka muna pumasok?"

"It's okay, paalis na din ako eh." Tapos ngumiti ako sa kanya. "Andito na pala yung sundo ko. Mauuna na ako ha," paalam ko sa kanya.

"Okay! Take care!"

"Thank you," sambit ko at pumasok na sa loob ng sasakyan.

Napairap naman agad ako nang makita si Kade. Nakasuot pa ng shades, akala mo naman kung saan ang punta eh susunduin lang naman ako.

"San tayo?" He asked.

"Himala ata at di ka busy ngayon. Akala ko kasama mo na naman mga chakababes mo eh. Di ka pa naman nabubuhay kapag wala yung mga 'yon." I said. "Kina Jacee tayo. Andun daw sila."

"Mabubuhay ako kahit wala sila."

"Ohhh, wag nga ako." Tinaasan lang ako nito ng kilay at umiling. Ngumiti naman ako sa kanya.

Mabilis kaming nakarating sa bahay nila Jacee. As usual, sweet na naman sila ni Gio. Wala atang araw na hindi ako nauumay sa  kanilang dalawa. Hmp.

While Matt and Isha at bumalik sa ligawan stage. Thankfully, naayos nila ang dapat ayusin. While Xackie and me, pasulyap sulyap nalang kay Vince. Pero nahahalata ko na mas nagiging close pa silang dalawa. Pinaaandaran kasi ng mga hokage moves ni Xackie eh. Tsk, napag-iiwanan ako.

Nagulat ako nang bigla akong sinubuan ni Kade ng marshmallow. Sinamaan ko ito ng tingin.

"Ang lalim na naman ng iniisip mo."

Inirapan ko siya at sinubo nang maayos ang marshmallow. Naisip ko tuloy bigla si Korrine. Kamusta na kaya siya? Gusto ko na siya maka-usap. I hope she's okay.

Tumabi ako kay Kade at kinuha ang phone ko para maglaro.

I'll wait for Korrine to text me back.

Earl's POV

Maaga akong nagising dahil may kailangan akong ayusin ngayon. Bagay na hindi ko na dapat palampasin pa.

Maling Pag-ibig [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon