19

194 14 5
                                        

Korrine's POV

"I'm sorry kung natagalan ako. May dinaanan pa kasi ako eh, are you ready na ba?" Jessie asked.

Naka-ponytail siya while wearing white t-shirt and short. I must admit na maganda siya. Anong kabobohan kaya ang tumama doon sa ex niya at niloko siya?

"It's fine. Yeah, actually kanina pa nga." Napasapo siya sa noo nang marinig ang sinabi ko. "Pero ayos lang, 'no ka ba, masyado ata akong excited."

"Sorry, really. Akin na yan, ilalagay ko na sa sasakyan." Pag-aalok niya ng tulong.

Nginitian ko lang siya at ako na mismo naglagay ng gamit ko. Mukha na rin kasing pagod si Jessie. Naging hectic ata ang buong araw niya.

Habang nasa byahe ay ako lang mag-isa ang gising. Tulog si Jessie, as expected. Nakasalpak sa tenga ko ang earphones habang nakikinig ng tugtog. Hindi ko maiwasang isipin si Earl habang nasa byahe. Kamusta na kaya 'yong mokong na yun? Kanina ko pa siya tinext na may lakad ako ngayon pero wala pa rin reply.

Bigla namang tumunog ang phone ko. Speaking of. I got a text from him.

'Take care wherever you are. I'm not around so always watch for yourself. Call me if something bad happens.'

May kung anong nagtulak sa mga labi ko para ngumiti. Aaminin ko naman na namiss ko talaga siya. Having Earl by my side is such a good thing. Kahit kailan hindi niya ako hinayaan, tho nakakainis talaga siya madalas, hindi minsan.

Nakarating kami sa resort by 11:00 pm. May tatlong sasakyan na ang nakaparada doon at pang-apat ang sinakyan namin. I guess konti lang talaga ang mga kaibigan na inimbita niya. Pero mabuti naman kasi konti lang din ang kailangan 'kong pakisamahan.

"I'm sorry Korrine, tinulugan pa kita sa byahe. Nabored ka no? Hayaan mo dito hindi ka mabobored. Tara sa loob, ipapakilala kita sa mga kaibigan ko." Nakangiti at punong-puno ng galak na sambit ni Jessie.

Wala naman akong nagawa nang hilahin niya ako papunta sa loob. Mga maleta agad ang unang sumalubong sa amin. Wow lang sa dami.

"Hi guys!" Pagkuha ni Jessie sa atensyon nila.

Binitawan ako ni Jessie at nakipag-beso at yakapan sa mga kaibigan niya.

"I want you to meet my newest friend." Sabay hagikhik pa ni gaga. "So guys, this is Korrine."

Ngumiti ako ng medyo awkward.

"Hi," tanging nasabi ko.

"Korrine this is Aeisha. Isha for short," turo niya sa naka-hoodie na pink at naka-short. May nakasalpak din na earphones sa tainga niya. "Mukha lang siyang walang pake sa mundo pero mas makulit pa sakin 'to. You know, looks can be deceiving."

"Hello Korrine! Isha at your service," sabay beso niya sakin.

"Hi, nice meeting you." Sambit ko.

"At my right naman is Giovanni Carl, you can call him Gio, GC or Carl wag lang Vanni. Allergy siya dun dahil sa ex niya." Natatawang sambit ni Jessie habang matalim na tingin lang ang sagot ni Carl. Tumingin siya sakin at kumaway. "That one who's wearing a red cap is Jacee. Wag na wag mo siyang papakantahin kung ayaw mong biglang bumagyo. Yung naka-gray t-shirt naman na katabi niya ay si Xackie, my best friend. Wag ka mag-alala kasi mababait naman kaming lahat."

Wala akong naisagot kundi isang tango. Okay.

"And of course, yung tatlong itlog na nasa sofa ay sina Vince, Matteo and Kade. The three idiots and also playboys."

"Kakakilala palang namin pero sinisiraan mo na agad kami. Wag ganon," kunwaring nagtatampong sabi nung isa. Actually hindi ko matukoy kung sino sila sa sinabi ni Jessie. "Hi, ako nga pala si Matteo. Matt nalang para sayo," kumindat pa ang loko.

In fairness naman sa mga kaibigan niya, ang guguwapo.

"Kade over here," sigaw naman nung lalaking naka-puti at mukhang babaero talaga.

So ang naka-pula na may hikaw sa kaliwang tenga ay si Vince.

"Woah, hello." Ani ko. "Nakakatuwa naman na makakita ng mga bagong mukha." Sambit ko sa sarili ko.

Halos sila Darlene lang din kasi kaibigan ko. Hindi na ako nag-abala na magdagdag pa kasi sila lang sapat na. Pero ngayon na may nakilala ulit akong bago? Sobrang saya sa pakiramdam. Nakakaexcite kasi mukhang masasaya sila kasama just like Jessie.

"Are you okay?" Tanong sa akin ni Jessie. Tumango naman agad ako. "Don't worry too much, I assure you naman na mag-eenjoy ka dito and besides masaya kasama ang mga kaibigan ko. Makukulit pero mapagtyatyagaan mo naman siguro sa loob ng dalawang araw."

"Ano ka ba, ayos lang. Masaya nga ako at may nakilala akong bagong mga tao. Sa LEU din ba sila nag-aaral?"

"Actually nope. Sa Bleazy University sila. Kaibigan ko na sila grade school."

"Oh, okay. Kaya naman pala ang solid ng samahan niyo. Nakakatuwa naman na pati ako nakasama dito."

"Syempre naman no, you saved me remember?" Sabay ngiti niya nang malapad.

"Tama na nga at baka magtanong pa ko tungkol sa ex mo." Natatawang sambit ko. Napansin ko naman ang biglang paglungkot ng mga mata niya. "Sorry, sabi ko nga di ko na dapat binaggit."

"It's okay, wala kang kasalanan dun." Napatingin kaming dalawa ng may narinig kaming tunog ng sasakyan sa labas. "Oh gosh, sorry to tell you na may isa pa pala akong bisita. Actually kaibigan ng ex ko 'to and luckily they're enemies na kaya newest friend ko na din siya. Pareho kayo," sabay kindat niya sakin.

Ang gaga may balak pa ata akong ibenta.

"Sige, dito nalang ako. Medyo sumakit din yung paa ko eh." Sabi ko.

"Okay, wait for us or you can join them na. Naghahanda na sila para sa kakainin natin. Xackie! Pakikuha naman si Korrine oh," sigaw niya sa best friend niya.

Kahit na nakakahiya dahil inistorbo niya pa yung kaibigan niya eh wala na akong nagawa. Gigil din ako ni Jessie eh.

"Hi Korrine! Tara doon. Ngayon na lang din kasi kami ulit nabuo kaya ganyan sila kagulo. Pero hayaan mo, hindi ka naman ma-oop dito. Friendly kaya kami," Sambit niya habang hinihila ako papunta sa pwesto nila.

Malayo palang kami ay nakatingin na agad sakin si Matteo. Okay, kahit gwapo siya masasapak ko siya oras na bastusin niya ako. Aba, basagin ko pa lahat ng pwedeng basagin sa kanya eh.

"Hi Korrine! Gusto mong mag-bake?" Tanong ni Aeisha. Umiling namana agad ako. Ayokong makadagdag sa trabaho nila.

"Ako ba gusto mo?" Namilog ang mga mata ni Aeisha at sinampal ng cookies ang bibig ni Matteo. "Aray!"

"Tumigil ka nga! Wala talagang pinipili 'yang kalandian mo." Naiinis na sambit ni Aeisha. Uh-oh, something's fishy.

"Selos ka lang eh," bulong ni Xackie na rinig ko naman tapos ngumiti siya.

"Pagpasensyahan mo na sila ha, ganyan talaga yan eh." Dagdag naman ni Jacee na naghihiwa ng sibuyas. "May gusto ka bang gawin?"

"Hindi sige okay lang. Baka kasi makadagdag lang ako sa trabaho." Sagot ko naman. Tutulong nalang ako mamaya sa pag-aayos ng pagkakainan. Sila ang may mas alam sa gagawin eh, alangan namang magpabibo ako like duh.

"Gio paabot nga ng plato."

Habang abala sila sa pagluluto ay nakatayo lang ako sa may gilid. Hindi naman ako nagmumukhang kawawa dahil sumasali din naman ako sa tuwing nagtatawanan sila. Totoo nga, masasaya sila kasama. Habang nagluluto kasi eh hindi nila maiwasan na mag-asaran o kaya magkulitan. Nakakatuwa lang panuorin. Namiss ko tuloy bigla mga kaibigan ko.

"Guys! Guys!"

Naagaw ni Jessie ang atensyon naming lahat.

"Pahabol. I want you to meet also my other newest friend."

Pinunasan ko ang kamay ko at inabangan ang pagpasok ng bago niya ding kaibigan. Buti na din yun, at least hindi ako nag-iisa.

"Hi,"

Napatigil ako sa pagpupunas nang marinig ko ang boses mula sa pwesto ni Jessie. Ilang beses ata akong napalunok...No! Don't tell me it's him. No way....

"Guys, this is Brake. Brake, they're my friends."

FAHK.

Maling Pag-ibig [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon