17

188 15 2
                                    

Korrine's POV

It's friday morning at mamaya na ang alis namin para sa birthday ni Jessie. Actually kabado ako, wala akong kilala doon at hindi ko pa gaanong kilala si Jessie. If I could just bring Earl. Pero isa pa yun, hanggang ngayon hindi parin nagpapakita sakin. Tatlong araw na ha.

Tumambay muna ako sa library para makaiwas sa ingay. Kanina ko pa din nakakasalubong sa labas si Darlene at James na mukhang abala para sa nalalapit na University week.

"Hey,"

Kahit pa tulog ako alam ko na kung sino yun.

"Alone?"

"May nakikita ka bang nakikita ko?" Sagot ko naman agad.

Eto na naman yung puso ko, nagpapasaway dahil sobrang lapit lang namin. Tumingin ako sa paligid dahil baka nakabuntot na naman si Ayenna.

"Oh asan fiancee mo?" Ang sarap sanang sabihin na baliw ang fiancee niya. Lakas din ng loob sabihin na ako ang baliw ha, eh hindi hamak na mas baliw naman siya sa aming dalawa.

"Nasa trabaho. And can you call her Ayenna? She have a name. Besides, you're a fan of her."

Kung naluluwa lang ang bituka, ginawa ko na.

"Excuse me but that was a month ago. So probably, I'm not her fan anymore. I don't idolize people like her."

"And excuse me too but we're talking about my fiancee. How about manners?"

I just rolled my eyes. Gigil ako ng fiancee na yan eh.

"Teka nga, bakit ba panay ang sulpot mo kung nasaan ako? Yung totoo Brake, sinusundan mo ba ko?"

Tiningnan niya lang ako na para bang hindi makapaniwala sa sinasabi ko. Parang gusto niyang isigaw na "Hello? Ang assuming mo ata?"

"Oh ano? Totoo diba?"

"Hindi ko alam kung saan mo nahuhugot ang lakas ng loob para sabihin sakin yan. Sa gwapo kong to? Sa ganda ng fiancee ko, susundan pa kita?"

"At bakit hindi? Di hamak na mas maganda naman ako kay Ayenna."

He laughed. Yung tawang nakakainsulto. Gigil talaga ako ng lecheng 'to.

"Dream on."

Aba. Bastos! Siraulo 'to, hindi niya ba alam kung gaano siya kapatay na patay sa mukhang 'to?!?! Kapag bumalik lang talaga alaala mo Brake sinasabi ko sayo pipitikin ko lahat ng pwedeng pitikin sayo.

"Do you have time? Can we talk privately?"

Bigla akong kinabahan sa seryoso ng tono ng pananalita niya. I felt goosebumps all over my body. I missed his voice, so much.

"S-sure. When?"

"Right now."

Napalunok ako bigla. Hindi ako handa sa kung ano man pwedeng itanong niya pero naeexcite din ako na baka sakaling kapag sinabi ko lahat ay bumalik na ang alaala niya—at bumalik na siya sakin. Gusto ko na ulit marinig yung mga banat niya, yung nakakamatay niyang ngiti at masasarap na halik.

Hindi ako nagdalawang isip at sumama kay Brake.

Nagulat ako kung saan kami papunta ngayon. Parang bumabalik lahat ng alaala ng nakaraan. Kasabay ng bawat punong nadadaanan namin ang pagtulo ng mga luha ko. Naninikip ang dibdib ko at hindi ko mapigilan ang sarili ko sa pag-iyak.

Bakit sa dinami-dami ng lugar, bakit dito pa?

Lahat ng masasayang alaala na kasama si Brake ay nag-flashback sa isip ko. Paano ko naman makakalimutan ang lugar na 'to kung dito nangyari ang isa sa mga pinakamasayang araw sa buhay ko.

Red field.

Ang lugar kung saan ko sinagot si Brake. November 19.

"Are you okay? Is there something wrong? May masakit ba sayo?" Inihinto niya ang sasakyan at nagtanggal ng seatbelt.

Nilapitan niya ako at pinunasan ang mga luhang kanina pa tumutulo.

"Damn, tell me what's wrong?"

I can't even say a single word. Gusto ko lang umiyak at bumalik sa dati. Yung masaya lang kaming dalawa.

Lalo pa akong naiyak nang bigla niya akong yakapin nang mahigpit. God knows how much I want this.

"Shh, don't cry. I'm sorry if I did something wrong."

Forgiven Brakey boy. Forgiven. Just kiss me and tell me you love me. Tell me that everything's gonna be alright. Na babalik din sa dati ang lahat—ang tayo.

"Of all places, why here Brake?" Tanong ko.

"I don't know. Ngayon ko lang din nakita ang lugar na 'to, hindi ko alam kung paano ko nalaman 'to."

"Brake please. Sabihin mo sakin na joke ang lahat nang ito. Sabihin mo sakin na wala kang amnesia, na kilala mo ako. Sabihin mo na ginagawa mo lang lahat nang ito para satin. Brakey boy please, I need you to come back into my life. I need you."

"What are you talking about?"

"Titigan mo ako Brake. Tingnan mo ako sa mata at alalahanin mo kung sino talaga ako. Kung anong meron sa lugar na 'to. Pilitin mo namang makaalala Brake!"

He closed his eyes and let a big sigh. I can't control my tears. Bumigay na talaga pati ang puso ko.

"I really can't remember you. You're just a stranger to me."

"Tangina naman Brake!" I hissed. "I am your fucking queen for heaven's sake! Wake up! Hindi dapat si Ayenna ang fiancee mo! Ako dapat yun Brake, ako!"

Napasabunot ako sa buhok ko. Hindi ko mapigilang magwala. Sobrang sakit.

"Ako yung pinangakuan mo eh. Ako yung mahal mo. Ako dapat yun! Kinalimutan mo na sana lahat maliban lang ako Brake. Iniwan mo na nga ako tapos babalik ka dito na hindi mo na ako kilala? Ang unfair naman nun Brake."

"I don't understand what you're talking about. I don't really get it..."

Naihampas ko ang sasakyan sa sobrang inis. Of all people bakit parang ako lang lagi ang pinaglalaruan ng tadhana?

"Kung talagang minahal kita bakit hindi kita maalala?"

"Aba malay ko sayo! Ako ba ang may amnesia?! Oh baka naman kasi ayaw mo lang talaga alalahanin?"

"You don't know how much I wanted to know everything. You don't fucking know how curiosity kills me. You don't know how I doubt myself, my family and even Ayenna. You don't have any idea how I suffer from this fucking amnesia. So don't tell me that I ain't doing anything just to remember everything."

"Prove it to me Brake. I am worth to remember."

I know it's not his fault. Walang may kasalanan nito, pareho naming hindi ginusto 'to. Pero sana naman gumawa siya ng paraan. Sana naman hindi siya magpaloko kay Ayenna na patuloy ang paglason sa utak niya.

"Fix yourself. Ihahatid na kita." Sambit niya.

Pinunasan ko ang luha ko nagtanggal ng seatbelt.

"You don't have to. I can handle myself and besides, may lalakarin pa ako."

I was about to open the door when he suddenly hold my wrist.

"Ihahatid kita."

"I said I'm fine. I'm just a stranger​, remember? Hindi mo dapat hinahatid ang estrangherong katulad ko."

Without saying a word, bumaba ako sa sasakyan niya. Hindi dapat ako nagagalit sa kanya dahil wala naman siyang ginagawang masama pero shit lang, ang sakit eh.

Sino ba ang nagpausong bawal mahalin ang pinsan at sasakalin ko. Kahit kailan hindi naging kasalanan ang magmahal. May sinabi ba sa bibliya na dapat ganito, ganyan lang ang mamahalin? Nasa sampung utos ba ng diyos na huwag magmahal ng pinsan? Sadyang tao lang ang nagpapakomplikado ng lahat.

Pero mas masasakal ko ang nagsabi na pinsan ko si Brake. Kung hindi dahil sa kanya, hindi kami aabot sa ganito.

Maling Pag-ibig [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon