10

269 17 9
                                        

Korrine's POV

Nakatulala ako sa kawalan habang nakatayo sa labas ng classroom namin. Ako palang ang tao dito. 7 am pa ang class namin pero 5:50 palang, andito na ako. Excited na kung excited pero gusto kong simulan ang araw na 'to na si Brake ang una kong makikita.

Napansin ko ang pagbukas ng ilaw sa auditorium. Sa sobrang excited ko na baka si Brake ang andun ay mabilis ako na pumunta roon. Tapat lang naman ng building na kinaroroonan ko ang audi.

Dahan dahan akong pumasok sa loob at pumwesto sa may bandang dulo. Biglang bumilos ang tibok ng puso ko ng makita ko ang likod ng isang lalaki na naka-upo sa may stage at nakayuko. Hindi ko siya gaanong maaninag dahil madilim sa may pwesto niya.

Mukhang hindi naman si Brake. Aalis na sana ako ng bigla siyang kumanta. . .

Matagal ko nang itinatago
Mga ngiti sa munti kong puso
Batid kong alam mo nang umiibig sayo

Bakit di mo pansin itong aking paggtingin
Ba't di mo ramdam ang tibok nitong dibdib
Kaibigan lang pala
Ang tingin mo sa akin

Nanatili siyang nakayuko habang nilalaro sa sahig ang bag niya. Ramdam na ramdam ko sa boses niya ang pagkalumbay.

Kung ako ba siya
Mapapansin mo
Kung ako ba siya
Mamahalin mo

Dahan dahan akong lumapit sa pwesto niya. Kung kanina halos hindi ko siya makilala, ngayon sigurado na ako. Siya nga ang taong 'to. Si Earl.

Ano bang meron siya
Na wala ako?
Kung ako ba siya
Iibigin mo...

The way he sing the song breaks my heart. I can feel the pain.........the sadness.......na kahit kailan hindi pinaramdam sakin ni Earl.

"Oh shit!" Nabitawan ko ang phone ko sa sobrang gulat. "Damn! Kanina ka pa ba dyan?"

Nakatayo sa stage si Earl habang nakatingin sakin. Nginitian ko siya bago tumango at dinampot ang phone ko.

"Langya, edi narinig mo maganda kong boses? Nako Korina, sige lang, ayos lang sakin kung aaminin mo na din na gusto mo ako. Ayos lang talaga."

Grrr! Annoying af.

"Neknek mo! Bwiset ka, ang aga aga."

"Aga lang." Tapos tumalon siya papunta sa harap ko. "Anong ginagawa mo dito? Ang aga pa ah,"

"Wala lang. Ikaw? Anong nakain mo at ang aga mo pumasok? O pumasok ka lang talaga para mag-senti?" Panunukso ko sa kanya.

"Anong senti? Nagpapractice lang ako." Ani niya tsaka ngumisi. Practice daw psh, asa namang maniniwala ako. Eh kung makakanta siya, damang dama niya pa na para bang nasa isang music video siya.

Umupo ako sa stage habang nakasandal naman siya. 6:15 palang, masyado pang maaga. Mamayang 6:50 pa dumadagsa ang mga estudyante sa LEU. Hindi ko ba alam sa mga taong yun kung bakit ang hihilig magpalate, tapos sisisihin ang traffic.

"Hinihintay mo siya no?" Nakangiting tanong sakin ni Earl.

Lalo lang ako nakokonsensya sa ginagawa niya. Kahit naman hindi niya sabihin, nararamdaman ko. Bwiset din talaga 'to eh, gustong gusto ang nasasaktan.

"Kumain ka na ba? Grabe gutom na ako! Nakalimutan ko kumain sa bahay eh. Kain tayo? Libre mo."

"Bakit naman kita ililibre? Hindi porket gusto kita eh libre ka na. Maliban nalang kung gulay ulit."

Maling Pag-ibig [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon