27

193 13 11
                                    

Earl's POV

Pinapaikot ko ang ballpen sa daliri ko habang malalim na nag-iisip. Hindi ko alam kung aksidente lang o talagang may maling nangyayari na.

Pagdating sa acads, tinatamad ako mag-isip. Pero kapag mga ganitong sitwasyon, lalo na kung involved si Korrine ay ganadong ganado ako. Sobrang patay na patay na ata ako sa babaeng yun.

"Bro,"

Napalingon ako kung saan nanggaling ang boses. It was Mr. President.

"Yo, what's up Mr. President,"

"Kulang kami ng isang player para sa U-week. Baka gusto mong sumali? Ah, mali, kailangan mo palang sumali. Utos ni Korrine."

Napatawa ako nang mahina. Now she has the guts to tell me what to do. Well at least kahit papaano naiisip niya pa din ako. Sapat na yun.

"Sige ba. Sino ba kalaban?"

"Abangan mo nalang sa mismong laban. Para naman may thrill," sabay upo niya sa tabi ko.

"Para namang hindi kakalat sa school kung sino ang mga maglalaro. Tsk. Kahit kailan talaga hindi ka nag-iisip. Paano ka ba naging president?"

Sinamaan niya ako ng tingin.

"Gusto mo bang takbuhin ang oval ng dalawang oras?" May halong pagbabanta sa tono ng pananalita niya. "Bakit hindi mo kasama ngayon si Korrine?"

Nakakapanibago na marinig mula sa kanya ang pangalan ni Korrine. Nasanay na ako sa babe niya.

"Hindi ko din alam,"

"Hindi mo ba talaga alam o hindi mo inaalam?" Nakakunot ang noo ko nang tingnan siya. "Why are you here instead of taking her away from Brake? Why are you letting her to break her heart again and again? You have a lot of opportunities to take advantage bro, but it seems like you're not aware."

Napatingin ako sa itaas kung saan punong puno nang ulap. Ganitong oras sana natutulog ako, kaso may isang nilalang na nanggugulo.

"Kasi wala ako sa posisyon para gawin yun. It's not my decision that matters, it's her. Kapag ginawa ko yung bagay na yun, sa tingin mo sasaya siya?"

"Pero mahal mo siya. Hindi mo dapat siya hinahayaan."

"At mahal niya si Brake." Ngumiti ako. "Kung mamahalin niya ako, mamahalin niya ako. Hindi ko kailangan ipilit sa kanya yun. Handa akong maghintay. Hihintayin ko siya hanggang sa maging handa siyang bitawan si Brake."

"Ang labo mo. Ang dami na sanang pagkakataon para makuha mo siya. Hindi mo ba alam na dahil sa labis na pagmamahal niya kay Brake, sinusuway niya na ang pamilya niya? Kulang nalang piliin niya si Brake. Lahat handa niyang talikuran para sa gagong 'yun."

Bakas sa mga mata niya ang galit at pag-aalala. Naiintindihan ko si James pero naiintindihan ko din si Korrine.

"Wala namang mali sa pagmamahal eh. Pero sana naiisip niya yung mga tao sa paligid niya, ang pamilya niya at lalong lalo na ang sarili niya." Dagdag pa nito.

"Let's understand her. She needs it. Wag niyo iparamdaman sa kanya na para bang kalaban niya ang mundo. Alam kong hindi niya din naman gusto ang nangyayari. Nahihirapan din siya katulad nating lahat." Tinapik ko siya sa balikat. "Wag kayo masyadong mag-alala. Alam niya ang ginagawa niya."

"I hope so."

Alam ko na hindi hahayaan ni Korrine na masaktan ang pamilya niya. Alam ko kung gaano niya sila kamahal kaya malabong ipagpalit niya ito kay Brake.

Nagagawa niya lang naman lahat ng ito dahil sobrang mahal niya si Brake. Gusto niya lang bumalik ang lahat sa dati—ang maalala siya ni Brake at ang maging sila muli. It wouldn't be that easy but knowing Korrine, she'll do everything. But I hope she won't regret any of it.

Maling Pag-ibig [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon