Vince's POV
Kasalukuyan akong naka-upo habang naghihintay ng tawag mula kay Korrine. I texted her to call me when she's free but I guess she's too busy.
Habang pinaglalaruan ang phone sa kamay ko ay naagaw ng atensyon ko ang pamilyar na sasakyan na tumigil sa tapat ng bahay. Pinagmasdan ko sila habang bumababa ng sasakyan hanggang sa pumasok sa bahay.
Umilaw ang phone ko at lumabas ang pangalan ni Jessie.
Come down. Sabi niya sa text.
Tumayo naman ako at bumaba. Naabutan ko sila sa sala na prenteng naka-upo habang naghihintay.
"Siya ba gustong kumausap sa akin?" Tanong ni Brake habang nakatingin sa akin. "Why?"
"I'll just talk to someone. Maiwan ko muna kayo. Nasa labas lang ako," paalam niya kay Brake at nginitian ako.
Umupo ako sa tapat niya.
"Gusto mo ba ng alak?" Alok ko sa kanya. Tumango naman ito kaya binuksan ko ang nakahandang alak sa mesa. Tinulak ko papunta sa kanya ang baso bago nilagyan.
"I'm sorry if I was a bit late." Pagsisimula ko. "Masyadong malakas si tito para kalabanin."
"What are you talking about?"
"Your dad." Ani ko. "He is my uncle." Walang ligoy ligoy na sambit ko.
"Is that so?" Sagot naman niya. "Then we're cousin? Kaya pala mukhang pamilyar ka sa akin. What's up?"
"But that's not the point." Sambit ko.
Kumunot naman ang noo nito. I sighed. Eto lang naman ang dapat niyang malaman eh, hindi ko na dapat patagalin pa.
"Korrine and you aren't relatives. She's not your cousin."
Nabigla siya sa sinabi ko at napaawang ang bibig. Kinuha ko naman ang pagkakataon na 'yun para magsalita.
"Plinano ng dad mo lahat mula sa papel na nagsasabing pinsan kayo hanggang sa maging fiancee mo si Ayenna. He did it on purpose. Gusto niya na kay Ayenna ka mapunta dahil hindi naman natin maikakaila kung gaano ka-impluwensya ang pamilya nila. He did his best para mapaniwala si tita at ang mama ni Korrine sa kasinungalingan niya."
"Bakit ngayon lang?"
"Nung araw na narinig ko siya na may kausap at nalaman ang totoo ay ang araw na dapat sasabihin ko kay tita ang nalaman ko. Pero nahuli niya ako at pinagbantaan. Wala akong choice kundi ang makinig sa kanya. Pero ngayon hindi ko na kayang manuod nalang na masira kayo ni Korrine. Hindi ko hahayaan na umiral ang kasakiman ng dad mo."
"He's crazy."
"I know. Ngayon na alam mo na ang totoo, wag mo na hayaan na mawala nang tuluyan sayo si Korrine. I did my best na ibalik kayo sa dati pero masyado kang matigas kaya hindi din gumana."
"What do you mean by that?"
Pumasok bigla si Jessie at umupo din sa tabi ni Brake. Ngumiti pa ito nang pagkalawak-lawak.
"He planned all those unexpected pagkikita at pagsasama niyo ni Korrine kuno! Your cousin is really cool, right?"
"Tss," angal ko.
"He did?" Tapos tumingin sa akin. "Akala ko pa naman may gusto kay Korrine ang isang 'to,"
Tinaasan ko naman siya ng kilay. "I'm sorry but she's not my type." Sagot ko.
"Gago ka ba?!" Reklamo pa niya. "Gaano ba kababa standards mo?" Then he smirked.
"Okay, okay! Enough! So now, what's your plan Brake?" Tanong ni Jessie.
BINABASA MO ANG
Maling Pag-ibig [Completed]
Genç KurguBOOK TWO OF BAWAL NA PAG-IBIG. Started: July 22, 2016 Ended: October 7, 2017.