3

367 22 14
                                    

Korrine's POV

"What?! Did he really confessed to you?"

"Wow, gulat na gulat?"

Kinuha ko si Chelsie sa kanya at nilaro gamit ang daliri ko. Andito ako ngayon sa bahay nila Ceslie. Kahapon pa ako hindi mapalagay dahil wala akong mapagsabihan sa nararamdaman ko. Darlene and I were not in good terms.

"Of course! Imagine, it's Earl! Jackpot bes, pogi niya kaya tapos ang pogi ulit."

"So you're telling me na mas jackpot ako kay Earl kesa sa sarili mong pinsan?" Napatigil siya sa pag-aayos ng table sa sinabi ko.

Sanay na naman ako sa ganyang reaksyon ni Ceslie. Mas sensitive pa siya sakin kapag napag-uusapan si Brake. Maybe because she missed him so bad. They were close back then though so I understand her.

"Ah....do you want some drinks? Water or juice?" Is it just me or nag-iba talaga ang aura ni Ceslie?

"No need. Hindi rin naman ako magtatagal since may klase pa ako. I ditched my class earlier just to see you and Chelsie. Anyway, where's patotie?"

"Yah! Stop calling him patotie! He's my husband already and we have a baby! You bitch," tapos pinandilatan niya ako ng mata.

"Ohhhh, chillax. Nasanay lang naman ako since kababata ko siya tapos first lo—oh, hehe joke."

Nag-peace sign nalang ako dahil bigla niyang binuka 'yong gunting at sinamaan ako ng tingin. Ang tagal na nila ni Alvin pero parang hindi man lang nabawasan yung katamisan nilang dalawa, in fact lalong naging obsessed si Ceslie sa kanya. Lol.

"Siguro kaya ka pumupunta dito para lang makita siya. Gosh, may balak ka bang maging kabit ng asawa ko ha?!"

"Maybe?"

"WHAT?! ARE YOU FREAKIN' SERIOUS?!"

Sinamaan ko agad siya ng tingin nang biglang umiyak si Chelsie. Thanks to her super oa mother.

"Omg, sorry baby. Si Tita mo kasi Korrine eh," aba sinisi pa ako. "Bruha ka, umalis ka na nga at pumasok. Earl is waiting for you, ayieee,"

"Stop it. Gah, you just gave me a reason not to attend school today. It makes me want to stay here and wait for Alvin."

"You bitch!"

Mabilis akong tumayo at dinampot 'yong sapatos ko.

"Eww, do you really love him that much? Mygosh, kinain na kayo ng sistema."

"Pakain ka na rin, para naman maranasan mo yung feeling."

"No thanks. Sa isang tao ko lang naman yan mararanasan, and hep, tanging kay Brake lang. Brake okay? Not Earl."

"If you say so. Go shooo, make sure na papasok ka ng klase mo at hindi tatambay sa plaza or mall."

Awww, she's acting like an old sister again.

"Whatever you say, Ate." Tapos lumapit ako sa kanya at nakipag-beso. Hinalikan ko rin si Chelsie sa cheeks bago ako umalis.

Dumiretso na ako sa LEU para pumasok sa next class ko. Dumaan muna ako sa library since kailangan kong hiramin yung libro na gagamitin namin mamaya. Hassle nga eh since hindi siya available sa bookstore, so every tuesday kailangan kong pumunta dito. Minsan unahan pa.

Nang makarating na ako sa second floor mabilis akong pumunta sa pangatlong shelf. Luckily may isa pang natira,

But. . .

"Gotcha,"

Inunahan ako ni Earl sa pagkuha ng libro. Nakangisi pa ang loko at animoy nanalo sa lotto.

Maling Pag-ibig [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon