30

192 12 22
                                    

Korrine's POV

Nagulat ako sa biglaang paggalaw ng labi niya. Gusto ko na sanang tumigil pero may nagtutulak sakin para hindi huminto. Ramdam ko sa bawat halik niya ang pangungulila at pagkasabik.

God. I missed this so much.

"Okay—oops!"

Napabalikwas kami pareho nang may biglang pumasok sa loob. Ang ending, natumba kami pareho sa upuan.

"Oh my God!" Shock na sabi ni Jessie. "Wala akong nakita. Wala akong nakita. Wala akong nakita. As in wala akong nakita."

Nakayuko ako sa sobrang hiya dahil nakita pa ni Jessie ang hindi niya na dapat makita! Pakiramdam ko sasabog na sa sobrang init ang pisngi ko at sobrang kabog ng dibdib ko.

Bakit ko ba kasi siya hinalikan eh! Kasalanan ko 'to eh!

"Oh my God talaga! Eto susi oh! I think I need air!"

Hinagis niya samin ang susi ng posas. Kinuha naman iyon ni Brake. Hindi ko pa rin magawang tingnan siya dahil sa sobrang hiya! Bakit parang wala akong mukhang maihaharap sa kanya?

"I'm sorry." Ani nito. Nagulat pa ako ng konti dahil sa biglaan niyang pagsalita.

"Ha? Ano, okay lang." Huli na nang mapagtanto ko ang sagot ko.

"Okay lang?" Tanong niya pa. Pakiramdam ko nakangisi na ang isang 'to.

"Bilisan mo na nga! May rehearsal pa ako!" Pag-iiba ko ng topic dahil gusto ko na talaga makaalis dito.

Hindi sana nakakahiya kung hindi lang ako ang naunang humalik! Idagdag mo pa na nakita ni Jessie ang nangyari. Aish! Panigurado aasarin ako nun! Tapos baka ikwento niya pa kina Isha yun! Omg patay na patay ako!

Mabilis akong tumayo nang matanggal na ang posas naming dalawa. Kaso nakalimutan ko na nakatali pa pala ako kaya ang ending ay sumubsob ako kay Brake.

Nasalo niya ako at nakahawak siya sa bewang ko. Sobrang lapit na naman ng mga mukha namin kaya mabilis ko siyang tinulak. Ayokong ma-tempt ulit! Sobrang nakakahiya na ang nangyari kanina.

"Aish!"

Tinaggal ko iyong nakatali sa akin nang hindi man lang tinatapunan ng tingin si Brake. Isa lang talaga ang gusto ko mangyari ngayon! Ang makaalis dito!

Pero teka nga...

"Akala ko tulog ka?!" Inis na tanong ko sa kanya.

"Tulog nga." Kampanteng sagot niya. "Kaso naramdaman ko na parang may humahalik sa akin. Akala ko si Ayenna kaya tumugon na lang din ako. Yun pala, ikaw..."

"Ah, so disappointed ka pa?!"

"Sakto lang. Nagulat lang ako na kahit pala tulog ako, kamanyak-manyak pa din ako."

Naubo ako sa sinabi niya. Ang hangin!

"Excuse me pero hindi kita minanyak!"

"Ano lang?" Naka-angat ang isang kilay nito na para bang siguradong sigurado siya na minanyak ko siya.

"Ano, kasi, may langgam sa bibig mo!" Pagpapalusot ko.

"Langgam?" Natatawang sambit niya pa. Aish! Maniwala ka nalang! Wala na nga akong ibang maisip na pwedeng idahilan eh!

Kasalanan 'to ng langgam ni Earl eh! Ayan tuloy, nadamay pa pati ang inosenteng langgam.

"Oo. Concern lang naman ako kasi masyado silang madami...Baka kasi pumasok sa bibig mo kaya ano, tinanggal ko gamit bibig ko! Yun lang yun!"

"Ah. Masyado kasing tempting ang labi ko na pati langgam gusto akong manyakin?"

"A-aba malay ko!"

Maling Pag-ibig [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon