35

210 11 8
                                    

Brake's POV

Wala akong nagawa kundi ang pagmasdan si Korrine na tumatakbo palayo sa akin. The pain is killing me. I wanted to run away with her but I can't. I am really a jerk, I know. But what can I do?

Natigil ang pag-iisip ko nang tumunog ang phone ko.Tumatawag si mom. I was about to reject it nang biglang lumabas ang text ni Jake.

Jake: We're in hospital. Ayenna tried to kill herself.

Tiningnan ko ang tumatakbong si Korrine. I'm sorry for hurting you so much. I'm sorry kung wala akong magawa kundi ang mag-sorry.

I hope after this, magiging okay na siya. Alam ko hindi madali pero sana—sana maintindihan niya na ginagawa ko 'to para sa kanya. Sana makita niya ang magandang dahilan kung bakit mas pinili kong itigil nalang namin 'to. Sadyang may nga laban lang talaga na dapat nang sukuan para hindi na lalong masaktan.

Pumunta ako sa parking lot at dumiretso sa hospital. Anong naisipan ni Ayenna at ginawa niya  sa sarili niya 'yon? We're okay. Anong dahilan?

Naabutan ko si Jake na naka-upo sa labas.

"How is she?" Bungad ko sa kanya.

"She's okay. Luckily, naisugod agad siya sa hospital."

Napapikit ako habang nakahawak sa sentido. Kanina si Korrine, ngayon naman si Ayenna.

"Do you really love her?" Seryosong tanong ni Jake. "You know you are so lucky to have her. Hindi mo alam kung gaano kadami ang gustong pumalit sa pwesto mo kaya sana naman, pahalagahan mo siya. Mahalin mo siya kagaya nang pagmamahal niya sayo. She deserves all the love, bro."

Tumayo siya at tinapik ang balikat ko.

"I need to go. Nauna na din ang mom mo, mukhang may lakad. Please take care of her."

Tumango ako at pinihit ang doorknob. Mahimbing na natutulog si Ayenna. Umupo ako sa tabi niya at hinawakan ang kamay niya.

"I'm sorry. Pati ikaw nasasaktan dahil sa akin. Kung pwede ko lang akuin lahat nang sakit na nararamdaman mo, ginawa ko na." Pinagmamasadan ko ang mala-anghel niyang mukha. "Don't do this again, Ayenna. Nothing will change. I told you I'm going to marry you so please, don't hurt yourself."

Alam ko naman na hindi niya din ginusto na mangyari 'to. Wala siyang ibang intensyon kundi ang mapabuti ako at si Korrine.

"Brake..."

"Babe, how are you? May masakit ba? Should I call the doctor?" Umiling ito at ngumiti.

"I'm sorry." She said.

"It's okay. Wag mo na uulitin 'to babe, nag-alala kami masyado. Please,"

Umiling ulit ito at hinawakan ang kamay ko. "I'm saying sorry for lying. For making you choose me and for hurting you more. I'm really sorry for loving you."

I wiped her tears. Nakikita ko na naman ang magaganda niyang mata na umiiyak. It really breaks my heart.

"You don't have to. It's not your fault, walang may gusto sa nangyari. And besides, para din naman sa ikakabuti ng lahat 'to. Wala kang kasalanan."

"No." Pagpupumilit niya. "Dapat hindi nalang ako pumayag na maging fiancee mo. Hindi ko nalang sana sinubukang palitan si Korrine sa buhay mo. She's right, there's really no proof that you two were cousins. Brake, you should fight for her."

"Ano bang sinasabi mo?"

"I tried to kill myself because I was so ashamed. It's all my fault. I should help you to be happy because I am you bestfriend but look what I have done. Sinaktan lang kita lalo. What kind of person I am?"

Maling Pag-ibig [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon