18

209 11 5
                                    

Ayenna's POV

Habang sinasamahan ko si Jake sa photoshoot niya ay hindi mapanatag ang loob ko. Kung pwede lang sana hatiin ang katawan, ginawa ko na para lang masamahan si Brake. I missed him so much.

Hindi ko alam kung anong magagawa ko oras na sabihin ni Korrine ang totoo. Hindi niya ba talaga naiintindihan ang sitwasyon na hindi nga sila pwede at para kay Brake naman itong ginagawa namin? I'm not being selfish here, I just want the best for my bestfriend. And that's me.

"Are you okay? You look so downcast. Is there something bothering you?" Jake asked.

I just shrugged. Walang alam si Jake sa sitwasyon kaya hindi ako pwedeng mag-kuwento sa kanya.

"Where's Brake? Tagal ko na siyang di nakikita ah. Busy ba sa pag-aaral?"

"Yeah. Kinda."

"Cheer up, A. Gusto mo uminom?"

I rolled my eyes, "Makakainom pa ba tayo sa dami ng trabahong nakatambak? Sorry kung pati ikaw kailangan mag-adjust dito sa davao ha. Hindi ko kasi mapilit si Brake eh, masyadong matigas ang ulo."

"Himala ata yun," ani niya at umupo sa tabi ko. "Parang dati isang salita mo lang sumusunod na agad siya. Baka may iba na yan," pagbibiro niya.

"Subukan niya lang at makikita niya ang hinahanap niya."

He laughed, "Hindi yan. Ikaw na papakawalan niya pa? Ang swerte niya nga eh,"

"Asus. Nambola ka pa! Bumalik ka na nga dun nang matapos na tayo ng maaga."

"Totoo nga. He's very lucky to have you. Kaya nga di ka niya dapat pakawalan kasi hindi niya alam kung gaano karami ang nag-aabang para lang makuha ka."

It's very nice to have Jake. Lagi niyang pinapagaan ang loob ko. The way he talk is full of sincerity. Walang halong kaplastikan. Nakakataba lagi ng puso. Sabayan mo pa ng napakapogi niyang ngiti. Mabuti nalang talaga at may Brake na ako or else baka nainlove na 'ko sa mokong na 'to.

"Thank you Jake. Bat ba wala ka pang girlfriend? Swerte din ng magiging girlfriend mo no! Sa six pack abs mo pa lang, parang nanalo na siya sa lotto."

"Kasi may hinihintay ako." Nakangiting sambit niya.

"Really?! Omg! Alam niya ba na hinihintay mo siya?" Kinilig naman ako bigla. May napupusuan na pala 'tong lalaking 'to hindi man lang nagsasalita.

"Hindi nga eh." Nakangiti pero bakas sa tono ng pananalita niya ang lungkot.

"Bakit hindi mo ipaalam? Don't tell me torpe ka? Gosh, hindi dapat ganyan! Tsaka kailan pa? Eto naman, halos araw araw tayong magkasama pero 'di mo man lang nakukwento sa akin."

"I can't tell her. She's inlove with someone else. All I can do is to watch her imagining her future with him. We're so close yet so far."

Nalungkot naman ako bigla. Akala ko walang pinoproblema ang isang 'to. Paano naman kasi, lagi nalang nakangiti. Ni hindi mo nga siya makikitaan ng kahit anong lungkot eh. Sadyang ngayon lang talaga.

Nilapitan ko siya at niyakap. Alam ko yung pakiramdam na yun dahil naranasan ko na din yun nung mga panahong si Brake at Korrine pa. Yung wala din akong magawa kasi masaya yung bestfriend ko sa kanya.

"Ganyan talaga siguro ang pag-ibig. Minsan kung ano pa yung gusto natin, yun pa ang hindi pwede. May mga bagay kasi talaga na pinagtagpo pero hindi naman itinadhana. Pero malay mo naman, sayo pala talaga ang bagsak niya diba? You just have to wait for the perfect timing. God's plan is the best."

Nagulat ako ng yakapin niya din ako pabalik. Para akong naging bato sa kinauupuan ko. Hindi ko alam pero pakiramdam​ ko sobrang safe ko sa loob ng mga bisig niya.

Maling Pag-ibig [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon