37

258 11 4
                                        

Brake's POV

Nagmadali akong pumunta sa bahay nina Korrine. Nasa kalagitnaan na ako ng byahe nang tumawag si Mom.

Hindi ko na sana papansin pero nakaka-sampung missed call na ito.

"Yes mom?"

"Where are you?!"

"I'm sorry mom but I'm busy right now. I'll call you back later."

"Ayenna is missing! Her parents are looking for her and your dad is really mad right now! Bakit hindi mo siya binantayan? What if she tried to kill herself again?! What will you do?!"

"Mom please!"

"Look for her Brake. Now! Wala nang mas importante pa kesa sa fiancee mo."

"We're not going to get married mom. I won't marry Ayenna and she won't marry me. Tell dad that it's his damn fault!"

"What are you talking about?"

"I'll talk to you later mom. I'm driving."

"Son please, I'm begging you. Hanapin mo si Ayenna. Hindi pa siya okay at delikado dahil anong oras na. Pwede mo naman siguro ipagpabukas yan diba? Please, para sa best friend mo."

Pumreno ako at pinagsususuntok ang manibela. Bakit ngayon pa kung kailan kailangan na kailangan ko maka-usap si Korrine? Damn it!

Binabaan ko si mom at mabilis na tinext si Earl. I don't think papansinin ni Korrine ang message ko kung sakaling siya ang itext ko. Sinabihan ko si Earl na kailangan na kailangan ko maka-usap si Korrine ngayon kaya hintayin niya ako bago siya matulog.

Iniliko ko ang sasakyan ko at sinubukan tawagan si Ayenna pero cannot be reach siya. Dumiretso ako sa hospital pero wala din siya dun. Inikot ko lahat nang malapit na pwede niyang puntahan doon pero hindi ko siya nakita. Ilang oras na akong paikot-ikot at tumatakbo pero hindi ko talaga siya mahagilap.

Tinawagan ko ulit si mom kung may balita na ba pero wala pa din daw.

"Damn it!" Sigaw ko at pumasok ulit sa sasakyan.

Iikot pa ulit sana ako nang maalala ko si Jake. Tama. Baka sakaling sa kanya pumunta si Ayenna.

Pinuntahan ko siya sa condo niya. Naka-ilang doorbell ako bago niya ako pagbuksan.

"Andyan ba si Ayenna?" Tanong ko sa kanya.

Nakahinga ako nang maluwag ng buksan niya ang pinto. Pumasok kaagad ako at naabutan ko si Ayenna na mahimbing na natutulog sa kama ni Jake.

"You should've called me, Jake! Kanina pa kami nag-aalala sa kanya." Inis na bulyaw ko.

"Ayenna doesn't want you to know."

Napabuntong hininga na lang ako. Sumasakit na ang ulo ko at hindi ko na alam kung ano ang dapat kong unahin.

"Bakit siya pumunta dito?"

"Tumakas siya sa parents niya. Nabalitaan niya na inaayos na nila ang kasal niyo. Hindi ko alam kung bakit nagbago ang isip niya at ayaw ka na niyang pakasalan. May ginawa ka na naman ba?"

"Labas ka na dun." Tugon ko. "Everything happens for a reason."

"Yes, everything happens for a reason. But don't use that as an excuse as to why you make stupid decisions."

Pagkasabi niya nun ay lumabas na siya ng kwarto. Sinulyapan ko si Ayenna na may bakas pa ng luha sa mukha. Umiyak na naman siya.

"No matter how good or bad you think life is, wake up each day and be thankful for life. Someone somewhere else is fighting to survive. Don't be like this, Ayenna."

Maling Pag-ibig [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon