22

226 14 20
                                    

Brake's POV

Nagising ako nang tumunog ang alarm ko. Parang wala pa atang sampung minuto nang pinikit ko ang mata ko. Inabot na ako ng umaga kakaisip sa nangyari.

Mukhang naguluhan lang siya sa ginawa ko. Damn. Kung bakit ba kasi hindi ko napigilan ang sarili ko.

"Wala ka bang balak patayin 'yang alarm clock mo?" Nagulat ako ng bahagya dahil may nagsalita na lang bigla.

Inabot ko naman ang phone ko at tinurn-off ito.

"Wala ba kayong balak bumangon?" Sagot ko naman.

Tumayo ako at lumabas ng kwarto. Bumungad naman agad sa sala si Jacee na nanunuod ng tv. Ngumiti siya sa akin at ngumiti naman ako pabalik.

Sinalubong ako ni Jessie na mukhang abala sa paghahanda ng almusal.

"Goodmorning Brakey. Asan sila?" Napakunot ang noo ko sa sinabi ni Jessie. "Oh, bakit?"

"Anong tinawag mo sakin?"

"Huh? Brakey?" Nakakunot noo na tanong niya din. "May mali ba sa sinabi ko? Pasensya ka na, Brakey kasi pangalan ng aso ko. Medyo match din naman sa Brake mo diba?" Sabay angat niya ng kilay.

"Ah. Oo naman,"

Gusto ko sana sabihin na wag niya ako tawaging Brakey dahil si Korrine lang ang tumatawag sa akin ng pangalan na yun. Pero ayokong sumama ang loob sakin ni Jessie. Wala naman siyang alam. Besides, dapat kinakalimutan ko na yung mga bagay na yun dahil nabubuhay ako ngayon bilang may amnesia.

"Teka lang ha, gisingin ko lang sila. Kailangan natin sulitin ang araw!" Masiglang sabi nito at pinasok na ang kwarto namin.

Napailing nalang ako sa kakulitan nila.

Hinanap ko naman agad si Korrine. She's not around. Tulog pa kaya siya?

"Goodmorning Ja," bati ni Gio. Ngumiti naman sa kanya nang pagkatamis-tamis si Jacee.

How I wish I could do that too.

"Dude, yung phone mo kanina pa umiilaw. May tumatawag ata." Pagkasabi na pagkasabi ni Kade ay mabilis akong umakyat at kinuha ang phone ko.

Shit! Muntik ko na makalimutan si Ayenna. Damn!

Mabilis ko siyang tinawagan at sumagot naman agad ito.

"Hello babe. I'm sorry, I'm really sorry. Hindi ko namalayan na tumatawag ka. Nawala din sa isip ko, sorry."

Nagulat ako ng bigla na lang siyang umiyak. Parang may kumukurot sa dibdib ko.

"I missed you so much, babe. I need you. I really wanted to see you."

Napahawak ako sa batok ko. Damn!

"Babe, stop crying. I'll be home tomorrow. Wait for me, okay? And I missed you too."

Huli na nang mapansin ko na nasa may pinto pala si Korrine at mukhang nakikinig sa usapan namin. Bakas sa mukha nito ang pagseselos. Damn it! Really, damn it!

I wanted to hug her and comfort her pero hindi pwede. Kailangan kong panindigan na may amnesia ako hindi dahil ayoko na sa kanya. Gusto ko lang na gawin ang tama at para hindi na siya mapahamak. Ayos na sa akin na nakikita at nakakausap ko siya. Besides, hindi ko na mababawi na engaged kami ni Ayenna.

"Thank you babe. I love you. Please, umuwi ka na agad."

"I will. I love you too," I said while looking at Korrine.

Mahal ko pa rin si Korrine. Alam ng Diyos na si Korrine lang ang mahal ko. Pero hindi maaari dahil kahit ipilit ko, bawal ang nararamdaman namin. Masyadong madaming tao ang masasaktan.

Maling Pag-ibig [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon