11

237 14 9
                                    

Earl's POV

I was busy staring at Korrine's face when she suddenly open her eyes. Mabilis akong nagkunware na nagbabasa ng mga notes ko. Nakatulog na siya kanina dala na rin siguro ng pagod. Ayoko na nga sanang turuan niya ako ngayon kaso mapilit ang isang 'to.

"Anong oras na? Nakatulog ako, di mo ko ginising!" Pagmamaktol niya habang nakanguso.

What a temptation.

"Tumulo na kasi laway mo, nakakahiya naman kung istorbohin kita." Seryoso kong sambit.

Nakatanggap ako ng malakas na hampas galing sa kanya. Kung hindi ko lang 'to mahal, ibinitin ko na 'to patiwarik.

"Leche! Di mo 'ko katulad no! Ikaw nga laging tulo laway eh, dugyot! Ano nalang sasabihin ng mga nagkakagusto sayo pag nalaman nila yun?"

"Still hot as fxck."

"Woah grabe! Baka lumubo ka sa sobrang daming hangin dyan sa katawan mo ha. Magkaibigan nga talaga kayo ni Brijell."

Speaking of Brijell. Kamusta na kaya yung ugok na 'yun? Wala na akong masyadong balita dun. Naging busy na ng tuluyan kay Kirstin.

"Ingay mo. Gutom ka na ba?" Past 8 pm na din kasi. Kaninang 3 pa kami dito at wala pang kain ang isang 'to.

"Ayaw. Gulay na naman," nakasimangot na sabi niya.

"Tss, fine. Let's eat meat." Tiniklop ko ang mga notes ko at nilapag sa mesa. "Ano? Di ka ba gagalaw dyan?"

"Weh?! Seryoso?!" Pinanlakihan niya ko ng mata bago tumayo. "May sakit ka no? Omg, mamatay na ba you?" Sabay hipo niya sa noo ko.

"Tsansing," pang-aasar ko sa kanya. Hinanda ko na ang buo kong katawan sa pananakit niyang muli.

And.......bingo! Isang masarap na kotong ang nakuha ko.

"Bwiset ka kahit kailan! Tara na nga at gutom na ako. Gusto ko rin ng leche plan, lasagna tsaka choco mousse. Thanks," excited na sambit niya bago tapikin ang balikat ko at iwan ako dito.

Husay talaga ng babaeng 'to pagdating sa libre.

Dinala ko siya sa malapit na restaurant samin. Inorder ko lahat ng gusto niya dahil baka magtampo. Hindi ko na mabilang kung ilang beses na siyang nagtampo sakin dahil lang hindi ko inorder ang gusto niya.

"Alam mo......feeling ko mahal parin ako ni Brake. Pakiramdam ko hindi niya parin ako nakakalimutan," ani niya na may malapad na ngiti sa mukha.

I love it every time she smile, but I hate the reason behind it. Bakit hindi nalang tuluyang nawala si Brake?

"Paano mo naman nasabi?"

"Feeling ko lang. Malakas talaga ang kutob ko na ako parin. Kailangan ko lang talaga gumawa ng paraan para maalala niya ako." Masayang sabi niya. "What if halikan ko siya? Tingin mo?"

It hurts seeing her like that. She's hopeless.

"Wala ka sa fairy tales. Tigilan mo ko sa kiss na 'yan,"

"Asus. Selos ka lang,"

"Why would I? Ang dami ko namang pwedeng halikan. Sexy pa, hindi payatot tulad mo."

Napasigaw ako ng bigla niyang apakan ang paa ko. Damn....grabe kung manakit 'tong babaeng 'to. Hindi na talaga siya katulad dati na isang asar ko lang, iiyak na siya.

"Gago ka ha! Edi dun ka na! May Brake din naman ako. May abs, matalino plus pogi!!! Duh!!!"

I laughed. I laughed even if it feels like killing me. Being compared was the thing I hate the most. But it's fine, it's fine as long as Korrine is happy. Her happiness was also my happiness.

Maling Pag-ibig [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon