20 (PART TWO!)

218 16 10
                                    

Brake's POV

Ang kaninang tensyon ay tuluyang napalitan nang saya. Kahit ako ay halos maubusan ng hininga kakatawa. 2 down, 8 more to go. May nagpasukat ng boobs at may nagpa-gas ng bike. Ano pa kaya ang susunod?

Pero bukod sa kasiyahan ay hindi ko maiwasang titigan si Korrine. Nakakahawa ang mga ngiti at tawa niya. Parang unti-unti akong nahuhumaling sa kanya. Hindi ko alam pero bigla nalang bumibilis ang tibok ng puso ko kapag napapalapit siya. Sino ba talaga si Korrine?

"Grabe! Dalawa pa lang yun pero sobrang havey na! Power! Thank you so much at walang kj dito! This is the happiest day of my life so far. Hinding hindi ko makakalimutan 'to," sabi ni Jessie.

"Me too. Kawawa naman ang inosenteng boobs ko." Dagdag ni Aeisha habang nakanguso.

"Gusto mo bang gawin kong di inosente yan, Isha?" Kade said.

"No thanks," sagot naman nito.

"Ah, si Matteo lang pala ang pwede."

Biglang naningkit ang mga mata ni Aeisha at binato si Kade ng bote. "Dun ka nga at magpa-gas ng bike mo!"

"Pasukat muna,"

"Gago!" Tapos nagtawanan ulit sila. Nakikinig lang ako dahil halos na kay Korrine ang buong atensyon ko. Hindi ko alam kung bakit pero ayokong nawawala siya sa paningin ko.

Ayokong magsinungaling kay Ayenna, ayoko na parang pinagtataksilan ko siya pero iba ang sinisigaw ng isip ko sa puso ko.

"Next please!"

Mabilis pa sa alas-kwatro na tumayo si Matteo at bumunot.

"Good luck dude," natatawang sabi ni Kade.

Bumunot agad si Matteo at tawang-tawa habang binabasa ang nabunot niya.

"Kingina, ang taba ng utak!" Singhal niya pa. "Game! Akin na ang kutsara."

Napahampas si Korrine sa mesa at tumawa nang malakas. Fahk, I can't help but to smile also.

"Bingo! Galingan mo Matt para naman wala kang mauwing black eye!" Sabi ni Korrine.

"Buti nalang at type kita." Sabay kindat pa nito kay Korrine. Inirapan niya lang ito bago hagisan ng kutsara.

Tumayo naman agad sila at nangunguna pa talaga si Korrine. Hindi naman siya masyadong excited? Kanina pa kami palakad lakad pero wala man lang akong naramdaman na pagod. Dala na rin siguro sa natutuwa ako sa mga ginagawa nila.

Pinagmamasdan ko lang sila ng biglang sumabay si Vince sa paglalakad ko. Tiningnan ko lang siya dahil wala naman akong balak makipag-usap sa kanya.

"Do you like her that much?" Tiningnan ko kung may tao ba sa likod. "I'm talking to you. Tsk," dagdag pa niya.

"What are you talking about?"

"Oo o hindi lang naman sagot."

"Paano ko sasagutin kung hindi ko alam ang tinutukoy mo?" Lakas din pala ng trip nito eh.

"Hindi mo nga ba alam o nagtatanga-tangahan ka lang? Eyes don't know how to lie, dude. I can see it clearly." Sabay lagay niya ng kamay sa bulsa at nauna nang lumakad.

Anong nahithit niya?

Sumunod ako sa kanya kung saan nagtitipon ang iba. Naabutan ko nalang sila Korrine na nagtatawanan habang nakatakip naman ang mukha ni Matt gamit ang kamay niya.

"Buti nga sayo," nakangusong sambit ni Isha.

Tiningnan ko si Korrine na todo ngiti pa rin habang naglalagay ng yelo sa tela.

"Lakas din ng trip ni Korrine eh. Di ko naisip yun ah," sabi ni Kade. "Mang-holdap ba naman ng brief gamit ang kutsara."

"Gago, pakiramdam ko wala na akong labi. Di niyo naman sinabi na security guard pala yung target ko."

"Hindi ka kasi nakikinig! Yan napapala mo!"

"Woah! Chill ka lang Isha, gagaling pa naman bibig nito eh, mahahalikan mo pa to." Pang-aasar ni Kade. Inambahan lang siya ng suntok ni Isha at nag-walk out.

"Gago ka talaga." Ani ni Matt.

"Okay! Enough for the games. Gutom na din ako eh tsaka 1 am na. Kailangan na natin magpahinga dahil maaga pa tayo bukas." Nakangiting sabi ng birthday girl. "Balik na tayo tapos kain. Thank you guys! Nag-enjoy ako sobra! Tsaka hoy Matt, kausapin mo si Isha."

"Bat ko kakausapin?"

"Nag-aalala sayo yun! Sabi ko yan kaya gawin mo, okay?" Umiling lang si Matt habang nakangiti na pinagmamasdan si Korrine. "Brake? Let's go!"

Hinila ako ni Jessie. Sinulyapan ko si Korrine na naiwan kasama ang tatlong ugok. Nakatingin sa akin si Vince kaya nag-iwas ako ng tingin. Bakla ba yun? Nakakarami na yun eh.

"For sure gutom ka na. Sorry ha, masyado kasi kaming nag-enjoy eh."

"It's okay. I enjoyed it too." Sagot ko. "But, how about them? Hindi ba sila kakain?"

"Ah, susunod yung mga yun. Gusto lang ma solo si Korrine." Sabay hagikhik niya. "Ang ganda ni Korrine no? Nagtataka nga ako bakit hanggang ngayon wala siyang boyfriend eh. I mean, nasa tabi niya lang naman lagi si Earl. Tapos bagay na bagay pa sila. Bakit kaya hindi nalang sila?"

I closed my fist. Hindi ko alam pero bigla nalang ako nakaramdam ng selos, which is hindi dapat. Bakit ako magseselos? Engaged na ako. Anong pake ko kay Korrine?

"Wait lang ha, tulungan ko lang sila maghanda." Sabi ni Jessie at iniwan ako sa sala.

Napaupo ako ng biglang sumakit ang ulo ko. Damn it! Napahawak ako sa ulo ko habang iniinda ang sakit. Pati tenga ko sumasakit. Hindi ko alam kung saan kakapit para mabawasan ang sakit. Parang binibiyak ang buong ulo ko—Hanggang sa isang scenario ang nag-play sa utak ko.

Nasa kalagitnaan palang ako ng pagluluto ng may biglang yumakap sakin.

"I love you." Itinabi ko ang hawak hawak kong sandok at humarap sa kanya. Hinawakan ko siya sa mukha at hinalikan sa noo.

"I love you forever my queen."

"I will be always your queen right? Forever and ever! Walang makakapaghiwalay sa atin diba?" She wrapped her hands around my neck. Sinandal niya din ang ulo niya sa dibdib ko habang nag-ssway.

Hindi ko alam ang sasabihin ko sa kanya kaya nanatili akong tahimik. Hindi ko kayang magbitaw ng salita kung bukas mismo, iiwan ko na siya. 

"Diba?" Pangungulit niya sakin.

Hinarap ko siya sakin at nginitian. Hinaplos ko ang buhok niya at tinitigan siya sa mata. Hindi ko man maipangako na hindi kami maghihiwalay, sisiguraduhin ko parin na habang buhay ko siyang mamahalin.

"No matter what happen always remember that i love you."

Hindi ko namalayan ang pagtulo ng luha ko. Kitang kita ko. Malinaw na malinaw.

Ang boses.......

Ang mukha......

Siya din ang babaeng nakita ko noon sa isip ko habang nasa kotse at sinusundo si Ayenna. Kaya pala iba ang nararamdaman ko sa tuwing nakikita ko siya. Malinaw na malinaw na sa akin ang lahat...

"Oh, andito na pala kayo Korrine."

Napadilat ako nang marinig ko ang pangalan niya.

Korrine. Damn. I missed you. I missed you so much, my queen.

Maling Pag-ibig [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon