26

214 11 13
                                    

Korrine's POV

I'm still in shock for what happened a while ago. Kitang kita ng dalawang mata ko ang pag-aalala ni Brake. Malakas ang kutob ko na aware siya sa ginagawa niya. Nag-aalala siya sa akin? Naaalala niya na ba ako?

"I'm sorry. Nagulat lang ako. Nataranta." Naputol ang pag-iisip ko nang may nagsalita bigla sa harap ko.

Nag-angat ako ng tingin at nakita si Brake.

"Brakey boy," sambit ko habang nakatingin sa mata niya. "Hindi mo pa rin ba ako naaalala?"

"Can you please stop? Ayoko sana na bigyan mo ng meaning kung ano man ang nangyari kanina. Hindi ko lang maatim na makita kang mukhang basang sisiw. That's all." Nawala ang konting pag-asa na meron ako. "Sadyang mabilis lang talaga ako umaksyon kapag may mga hindi inaasahang pangyayari."

"I got it. So please, shut up."

Nasasaktan ako kapag pinapamukha niya sa akin na wala lang lahat ng ginagawa niya. Na para sa kanya maliit na bagay lang yun, samantalang para sa akin, isang pag-asa na yun.

"Can you do me a favor?" Hindi ako sumagot. "Can you please.....can you please stop here? Kung ano man ang naging parte mo sa buhay ko, hanggang doon nalang yun."

"Stop."

"Just accept the fact that it's not you anymore. I'm engaged. I'm happy. So please,"

"I said stop. Stop!" I hissed.

"Korrine please! Listen to me! Stop ruining my life. You bothered me so much!"

Nagulat ako sa mga salitang binitawan niya. Hindi ko maalis ang mata ko sa mata niya. May nagsasabi sa akin na nagsisinungaling siya. Hindi iyon ang nakikita ko sa mga mata niya.

"Please. Move on. I don't deserve this."

"You're lying. Alam ko naman na may nararamdaman ka din para sa akin. Alam ko na naguguluhan ka lang. Medyo naaalala mo na ako diba? Nararamdaman mo na mahal mo ako hindi ba? Ako pa din naman diba? Inutusan ka ba ni Ayenna na magsinungaling ha?"

Nakapalibot lang sa amin sina Jessie at nakikinig. Walang may gusto sa kanila na magsalita at makisali sa usapan namin. Alam ko na naguguluhan din sila. Pero this is the right time, I guess. He badly needs to know everything.

"I'm sorry but I don't feel anything special on you."

"You are my boyfriend! We didn't broke up. Nagka-problema lang kaya umalis ka. Nangako ka pa nga na babalikan mo ko eh! Ako ang mahal mo, hindi si Ayenna. Bestfriend mo lang siya at yan ang totoo, Brake. Niloloko ka lang nila!"

"Stop being so delusional, Korrine. We can be friends, so stop doing this."

"I don't need to be your friend! I need you! You are my everything, Brake. Lahat gagawin ko para bumalik tayo sa dati! Kahit pa na sawayin ko ang pamilya ko."

"Enough."

Naikuyom niya ang kamao niya at bumuntong hininga.

"Kung totoo man ang sinasabi mo, wala pa ring magbabago. Buo na ang desisyon ko. Si Ayenna ang mahal ko at hindi ikaw. May amnesia man ako o bumalik man ang alaala ko, si Ayenna pa rin ang pipiliin ko."

Nagulat ako nang bigla nalang siyang suntukin ni Vince.

"Vince!" Awat namin sa kanya.

"Gago." Pagkasambit ni Vince nun ay umalis na agad siya. Hinabol naman siya ni Jessie.

"Are you okay? Masakit ba?" Akmang hahawakan ko ang labi niya nang tinaboy niya ang kamay ko.

"I'm sorry for ruining this night. Hindi na ito mauulit," sambit niya kina Isha at hindi ako pinansin. Tumayo siya at umalis.

Maling Pag-ibig [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon