1

1K 28 15
                                    

Korrine's POV

"Korrine!"

Napahinto ako sa paglalakad ng makasalubong ko sa daan si Darlene. May hawak hawak siyang sandamakmak na papel. Iniwas ko naman agad ang tingin ko at nagkunwaring walang nakita.

"Yah! Korrine!" Lumakad ako ng mabilis habang tinatakpan ang mukha ko. "Mamaya ka talaga sakin! Sasabunutan kita ng bongga!"

"Whatever!" Tapos tumawa ako.

Alam ko namang gusto niyang tulungan ko siya. Kaso masyado akong dyosa para pagbuhatin niya ng mga papel. Perks of being officer.

"Hi Korrine!" Nginitian ko si Treschia at George na naglalambingan sa gazebo. Saludo ako sa dalawang to dahil hanggang ngayon sila padin.

Hanggang ngayon napapangiti parin ako sa tuwing naiisip ko na lumipat si Treschia sa LEU para lang mabantayan si George. Kids nowadays.

"Where's James?" Tanong ko kay George. "Nakita ko si Darlene pero hindi niya kasama si James."

"Nandyan lang yan sa tabi tabi. Alam mo naman, class president."

Yep. Class president na namin si James. Kahit ako nung una hindi makapaniwala. Sobrang laki kaya ng responsibilidad ng class president. Hassle.

Nagpaalam naman na ako sa kanila dahil ayokong masira ang moment nila. Pumunta muna ako sa may locker para ilagay ang mga libro ko. Masyadong mabigat sa balikat ang tatlong libro.

"Bulaga!"

"Oh my gosh!" Nabitawan ko ang libro at napahawak sa dibdib ko. "What the hell Earl!"

Hinampas ko siya sa dibdib niya habang tumatawa siya. Pinulot niya naman agad ang mga libro at tsaka pinasok sa locker ko.

"I told you not to drink too much coffee."

"Wag mo sisihin ang kape. Sadyang nakakagulat lang talaga yang face mo." Tapos inirapan ko siya.

It's been a year and masaya naman akong sabihin na nagiging malapit na kami ni Earl tho minsan nantitrip parin siya. Pwede na, napagtyatyagaan ko na. It's been a year and a lot of things had changed. Nanganak na si Ceslie last year and it was a baby girl. Pinangalanan nila iyong Chelsie Alliyah. Masayang masaya si Alvin dahil finally, Daddy na talaga siya. Masaya din naman kami for them. George and Treschia is still going strong, same goes to Darlene at James. Yanie and Brix is complicated. I don't even know the reason. Mag-bff padin 'daw' si Eka at Yanie pero iba na ngayon, awkward na. I don't know kung anong nangyayari sa kanila. Eka is still on abroad. Brijell, Kirstin and Xherie was not here anymore. I heard some rumors that they already left Davao. Wala naman akong napapala kay Earl dahil hindi naman siya nagkukwento. Well, Earl and Euge is fine. Medyo nakaka-usap ko na si Euge since nagtututor ako kay Earl, pero minsanan lang dahil busy na tao si Euge. See? Ang dami nang nagbago. I've met a lot of people. But there's only one thing that didn't change...

"Korinaaaaaaaa!"

Sa sobrang gulat ko na-out of balance ako at muntik na akong matumba. Mabuti nalang at nahawakan ni Earl ang kamay ko.

"Kanina pa ako nagsasalita dito pero lutang na lutang ka. What's the problem?"

"H-huh?"

"Ha my butt. What's bothering you?" Kunot noong tanong ni Earl.

"Wala. May narealize lang ako." Tapos ngumiti ako sa kanya. "Oh! Teka nga, may klase ka pa diba? Anong ginagawa mo dito?"

"I know. Mga nagtatrabaho nga may pahinga eh, tayong mga estudyante pa ba?" Aniya at sumandal sa may locker.

Maling Pag-ibig [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon