6

250 20 7
                                    

Korrine's POV

Hindi ko ininda ang pananakit ng paa ko dahil sa ngalay at sa haba ng paglalakad ko. Mas nangingibabaw ang sakit sa puso ko.

Hanggang ngayon ba naman ako parin ang gustong paglaruan ng tadhana? Deserve ko ba talaga lahat ng to?

"Korrine," tawag niya sakin ng makaalis na si Brake. Agad ko siyang sinampal dahil sa tindi ng galit na nararamdaman ko.

"Fiancée? Ikaw? How on earth..."

"Korrine listen to me okay? I know how you feel but please, listen to me." Aniya habang sinusubukang hawakan ang kamay ko.

"What happened to Brake? Bakit hindi niya na ako kilala?!"

"Dahil nakalimutan niya na lahat. I don't know how to start this pero Korrine, kahit anong gawin mo hindi ka na niya maaalala. I'm sorry,"

"W...what?"

Hindi ko alam kung nagsasabi ba siya ng totoo o pinaglololoko niya lang ako. Anong hindi na maalala? Iniwan niya na ako tapos ngayon hindi niya pa ako maalala?

"Naaksidente siya noon sa Manila kakaisip sayo. He wants to see you. Walang araw na hindi ka niya binabanggit. Gabi gabi siya umiinom at nakikibasag-ulo dahil sa hindi ka niya makita. He's a mess that time, at sobrang awang awa kami sa kanya. Bilang bestfriend niya sinubukan kong gumawa ng paraan para makalimutan ka niya. Madami akong nireto sa kanya pero ni isa sa kanila, wala siyang nagustuhan."

Lalong bumigat ang pakiramdam ko sa mga naririnig ko.

Maling Pag-ibig [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon