9

223 16 4
                                    

Brake's POV

"I'll be home at 7 pm babe. I'm with Jake, tinatapos lang namin ang photoshoot niya. I miss you,"

"I miss you too babe. Text me when you're done, I'll fetch you." Tinapos ko na ang niluluto ko.

Today is our fifth monthsary. I just wanna make it simple that's why I cook her favorite dishes. Sushi, Tempura, Spinach Enchiladas, Kinilaw and Salad. Kahit hindi ko alam kung kakainin niya ba lahat yan dahil sa nagddiet siya.

"Okay babe, I'll hang up now."

Masyadong busy si Ayenna nitong mga nakaraang araw. Hectic ang schedule kaya naman nakalimutan niya sigurong monthsary namin ngayon. It's 22.

Kinuha ko ang laptop ko at binuksan ang facebook ko. I made a new account since I don't have one. Hindi na naman ako nagulat sa napakadaming friend request ko. Hindi ko rin alam kung bakit. Most of them were from LEU.

Naka-private naman ang account ko kaya mga friends ko lang sa fb ang nakakakita ng mga posts ko.

Napatingin ako sa chatbox na lumitaw. Galing kay Ceslie.

Ceslie Candino

Skype.

Binuksan ko naman agad ang skype ko. Anong pang-iistorbo na naman ang gagawin ng magaling kong pinsan.

"What now?"

Naka-upo siya sa sofa habang nasa likod niya si Alvin na pinapatulog ang anak nila.

"Kamusta jan?"

"We're good. How's mom?"

"Malungkot syempre. Wala pa nga kayong tatlong araw dito tapos bumalik na agad kayo jan." Then she rolled her eyes.

"Babawi kami kay mom, don't worry."

"Andyan ba si Ayenna?"

"Nasa trabaho niya pa. Bakit?"

"Wala. I heard babalik ka sa college? Pati rin ba si Ayenna? Maganda na naman buhay niyo ha, bat gusto niyo pa mag-aral ulit? Pwede ka namang kuning model ni Ayenna."

"Yeah, hindi ko lang alam kay babe. Request ni mom, besides ayokong mag-model. Kayong dalawa ba? Wala na kayong balak pumasok?"

"Walang maiiwan kay baby. Besides, naghohome schooling naman kami. Why don't you do the same?"

Kumunot bigla ang noo ko sa sinabi ni Ceslie.

"Bakit parang ayaw mo ko bumalik sa pag-aaral? Tsaka boring kapag nasa bahay lang. Nakakaantok 'yon."

"Pero mas safe,"

"Safe saan?"

"Wala. Sana lang pumayag si Ayenna sa gusto mo."

Maling Pag-ibig [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon