23

248 11 23
                                    

Korrine's POV

Natapos ang araw na hindi kami nag-iimikan ni Brake. Pagkatapos namin mag jet ski ay humiwalay na ako sa kanya. Marami pa kaming ginawang water activities kagaya nalang ng Windsurfing, Waterskiing, Parasailing, Kayaking, Scuba diving, Snorkeling, and Diving.

Ngayon naman ay nagbihis na kami dahil sasakay kami sa yacht. Napakasaya ng birthday celebration ni Jessie. In fact hindi niya alam na may surprise sa loob ng yacht, ang akala niya lang sasakay kami.

Simpleng short at sando lang ang suot ko. Pinaibabawan ko lang ng jacket dahil for sure malamig mamaya sa dagat.

"Korrine, yung phone mo." Sabay nguso ni Isha sa phone ko.

"Thanks,"

It was Earl. Wow, medyo, medyo lang, namiss ko siya.

"Yes?" I said.

"So, how's my friend? It's been a long day and I missed you so much,"

"Stop it Earl. Kainis to," sambit ko.

"Aminin mo, kinilig ka. Sabi na eh, may epekto din ako sayo kahit papano. Patay tayo dyan, baka gusto mo na ako?"

I rolled my eyes. "Kapal mo. Asa ka pa."

"Malay mo. Walang imposible sa mundo lalo na kay Earl Clint Alonzo." Tapos tumawa siya. "De, I was just kidding. So, how are you?"

"I'm good. Nag-eenjoy naman ako dito since madami dami din kami."

"I'm sure you're really happy now since you're with Brake."

Nagulat ako sa sinabi niya.

Paano niya nalaman? Sigurado naman ako na hindi ko sinasabi sa kanya at wala pa akong pinagsasabihan kahit na sino.

"Ayenna told me na may birthday na pinuntahan daw si Brake. Then she asked me kung asan ka, accidentally nasabi ko na umattend ka din ng birthday. Kaya ayun, nagwala at sinampal pa ako."

"What?! Ano namang trip niya at pati ikaw sinampal niya?! She's really getting into my nerves!"

"Oh, relax. Pogi pa din naman ako,"

"It's not funny Earl! Hindi na nakakatuwa si Ayenna. Sino ba siya sa tingin niya? Nakakainis! Sising sisi na talaga ako naging fan niya ko."

"Hayaan mo nalang. Nagseselos lang yun."

"Wala naman siyang karapatang magselos in the first place. Wala siyang karapatan kay Brake."

"But they're engaged now."

And that hit me.

"Korrine? Still there?"

"Ha? Ah oo," sabi ko. "Earl, sorry."

"For what?"

"I really can't wait for the right time. I really wanted to tell him everything. I don't care anymore about the consequences, I just wanted him to know that I am his girlfriend. I know you won't agree about this. I know it's wrong pero hindi ko na kaya eh. Nasasaktan na ako masyado,"

"Mababawasan ba yung sakit pag sinabi mo sa kanya ang totoo? Tingin mo may magbabago?"

"Of course! Who knows? He might remember me. I am being selfish again right? Hindi ko na naman napapanindigan yung mga sinasabi ko. Ewan ko ba, dahil lang sa isang yakap nagkakaganito na ako."

"Yakap?"

"Yes." Kinagat ko ang ibabang labi ko. I shouldn't let Earl know about this kasi masasaktan lang siya. Pero lintek na bibig naman kasi! "Pero si Ayenna naman yung iniisip niya nung mga oras na yun."

Maling Pag-ibig [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon