24

207 11 9
                                    

Korrine's POV

"What are you doing?" Brake asked.

Nakayakap pa rin ako sa kanya at hindi ko na napigilan ang pag-iyak.

"Brake, listen to me okay? Listen carefully. Bawat salitang sasabihin ko ay importante kaya makinig ka."

"What?" Naguguluhang sabi niya.

"Brake, I am your girlfriend."

Narinig ko ang pagsinghap nila. Alam ko na nagulat sila sa sinabi ko.

"Stop talking nonsense Korrine. Are you really that crazy?"

"I am telling you the truth! Titigan mo ko sa mata Brake. Ako 'to, yung mahal na mahal mo. Nagka-amnesia ka lang at ulo lang ang apektado nun, alam ko na nasa puso mo pa rin ako."

Napapikit si Brake at binitawan ako.

"Kung alam ko lang na mangyayari 'to hindi nalang sana kita sinayaw."

"Korrine, ano bang sinasabi mo? He's engaged." Sabi ni Jacee.

"I told you Brake, listen to me! You know—"

Naputol ang sasabihin ko nang biglang tumunog ang telepono niya. Mabilis niya naman itong sinagot at biglang nanlaki ang mga mata niya.

"What?! Where are you?! Saang hospital yan?!"

Dali daling pinuntahan ni Brake ang nagpapaandar sa yacht at pinabalik sa resort. Pinagpapawisan na din siya at mukhang alalang-alala.

"Brake, what happened?!" Tanong ni Jessie.

"Fuck! Damn it! It's my damn fault! Hindi ko dapat iniwanan si Ayenna. Damn!"

It's all about Ayenna again.

"Bakit? May nangyari bang masama sa fiancee mo?" Nag-aalalang tanong naman ni Xackie.

"She got into a car accident. I'm really sorry Jessie for causing trouble on your birthday but I need to go back now, I'm sorry."

"No, no, it's okay. I understand naman, hindi mo naman 'to ginusto. I just hope she's okay. Please take care on you way."

"Thank you." Ani ni Brake at mabilis na bumaba sa yacht. Hindi niya man lang ako binalingan ng tingin.

Damn it. Ganito pala yung pakiramdam na mabalewala at hindi piliin ng mahal mo. Ganito pala yun kasakit. Kulang nalang tumalon ako sa dagat at magpalunod.

"Are you okay?" Vince asked.

"Do I look like I am?"

"That's why I'm asking."

"Why do you keep on asking when it's freaking obvious that I'm not?"

"Am I not allowed to ask?"

I rolled my eyes.

I'm not really in the mood right now. Kahit na wala si Ayenna dito, siya pa rin ang dahilan kung bakit hindi ko na naman natapos ang dapat na sasabihin ko. Ang galing din ng timing niya eh. I know napaka-sama ko para hindi mag-alala sa sitwasyon niya but who knows kung totoo ba talaga yun? Baka palabas niya lang 'to para umuwi na si Brake lalo na at alam niya na magkasama kami ngayon.

"Korrine, may sakit ka ba? Ano yung sinasabi mo na girlfriend ka ni Brake?" Tanong ulit ni Jacee.

"Wala yun." Sabi ko.

"Ginulat mo kami! Part ba yun ng surprise para kay Jessie?"

Umiling nalang ako at tumawa.

Tinapos na namin ang gabi kahit na wala na si Brake. Kinaumagahan ay nag-pictorial lang kami hanggang sa magsawa at nag-impake na ng mga gamit dahil oras na para umuwi.

Maling Pag-ibig [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon